Drea.
Lumipas ang isang linggo at sa pitong araw na 'yon ay sinubukan kong mag hanap ng trabaho.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ang kamalasan ko, o matatapos pa ba 'to. It keeps on following me wherever I go.
“Kahit taga hugas lang po ng pinggan nyo dito. I can do it po, do hire me please.. please”
I tried my best pleasing and begging people to hire me. I am a college graduate pero eto ako, namomroblema sa kung saan makakahanap ng trabaho.
“Ms. Villaruez?”
Tinig iyon ng isang babae mula sa aking likuran. Hinarap ko sya at halos manlamig ako nang makita ang mama ni Dominic.
Nakangiti s'yang nakatitig sa akin. “Can I invite you to have lunch with me?” elegante n'yang tanong.
Kinakabahan man pero tumango parin ako. This is not my first time meeting Dominic's mom.
Yung huling nagkita kami ay iyong tinulungan nya akong makapasok sa dati kong pinagtatrabahuhan na kamakailan lang ay natanggal ako. Hindi ko alam ang rason kung bakit nya ako tinulungan nung mga panahong yon.
One thing is for sure, she's a good person. Kahit pa nuong kami pa ni Dominic.
“I'm really sorry if ever I disturb you.” pag sisimula nya.
Andito na kami sa isang restaurant.
“Gusto ko lang kumustahin ang apo ko. He iss my first grandson. How is he?” nakangiti at mahinahon n'yang tanong.
Sa tanong n'yang iyon ay naalala ko ang anak ko. Isang linggo n'ya nang hindi nakikita ang ama.
“He's doing fine po, tita. He's growing up kaya dahan dahan nang naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Damien is smart and playful.” pagsasalaysay ko sa ugali ni Denden
Narinig kong humikbi ang mama ni Dominic. Hindi nya napigilang maging emotional.
She sniffed. “I never wanted to missed my grandson growing up but this is where I am right now.” ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses nya.
Inabotan ko ng dry wipes si tita, “T-Tita, I'm really sorry-
“No darling, it's not your fault. If it's not because of what happened to Dominic, this won't happen to you, to us.” bumuntong hininga s'ya at muling nagpatuloy sa pagkain.
Panandalian akong natahimik at nagtataka ako sa kung anong nagyari kay Dominic tulad ng sabi ni tita. Pero nahihiya akong mag tanong kaya bumalik ako sa pinag-uusapan namin.
“Pasensya na po talaga. Bilang isang magulang ay natatakot lang din ako para sa anak ko” pag sasalita kong muli.
Uminom muna sya ng tubig saka tumango. “I understand you Andrea, nanay din ako. Kahit ako man din ay ayaw kong ipinapahiram si Dominic nuon sa papa nya sa kadahilanang hindi kami kasal at natatakot akong itakbo nya ang anak ko, but still, I end up marrying his father.” ngayon ay natatawa syang tumingin sa akin. Pinapahirapan ang luha sa kanyang mata.
Hindi ko alam ang kwento ng pamilya ni Dominic kaya medyo nabigla ako sa kinikuwento ni tita ngayon.
“I'm sorry I speak a lot,” she laughed shyly.
Napangiti ako. Ang bungisngis ni tita ay parehong pareho sa bungisngis ni Denden. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pakikipagusap kay tita.
“Sinadya ko talagang kitain ka dahil gusto kitang makausap tungkol sa anak ko” nakangiti parin si tita.
Tumango nalang ako at hinintay na magpatuloy siya sa sasabihin nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/272317232-288-k950402.jpg)
BINABASA MO ANG
His Silent Agony (COMPLETED)
RomanceNang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s'yang buntis ni Dom. Ngunit lingid sa kaalaman ni Drea, sa muling pagkikita pa pala nila magbabago a...