Drea
7 pm.
Kanina pa ako nag mumukmok dito sa kuwarto ko at pinipigilan ang sariling mag isip ng mali. I'm trying to act matured enough.
Sabi nga nila, there's two sides of every story. At sa pagkakataong ito, hindi ko pa naririnig ang side ni Dominic.
Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan.
——
I heard Dominic's car kaya agad akong lumabas ng kuwarto.
“Dom,”
Sinalubong ko s'ya, and I am expecting to see my son.
Kumunot ang noo ko, “Where's my son?” nagtataka kong tanong.
Nag kamot lang s'ya ng batok saka ko napansin ang suot nya.
He's wearing a straight leg jeans and a familiar white polo na nakatupi hanggang siko.
“Teka,” nilapitan ko s'ya at tiningnan kong mabuti ang polong suot nya.
Kung hindi ako nagkakamali. Ang suot n'ya ay regalo ko noong 1st anniversary namin. And that was 8 years ago.
Ganun na katagal ang damit na yan pero sinusuot n'ya parin.
“Bakit?” nagsalita sya kaya umatras na ako para lumayo ng konti sa kanya.
“W-Wala, may tiningnan lang.”
Bumalik nalang ako sa unang tanong ko, “Nasaan si Den², ba't di mo sya kasama?”
Dominic move and he inserted his other hand in his jeans' pocket, sabay kagat labi s'yang tumingin sa akin.
Ano ba! Sasagot nalang ng tanong mang aakit pa.
Binasa n'ya ang mga labi nya bago sumagot, “Dre, alam kong nasa labas na tayo pero,” huminga s'yang malalim, “Pwede ba kitang yayaing lumabas?”
Natigilan at kalaunan ay natawa lang ako sa tanong nya,
“Ano ba Dom, hindi na tayo teenager para magka yayaang lumabas, tsaka may anak na tayo oh.” hindi ko parin mapigilang matawa.
Feeling ko hindi na para sa edad namin ang date date na 'yan. Where almost at our 30's na, kaya parang nahihiya ako.
“So you don't want us to date? Pakasalan nalang kaya kita?” seryoso namang sabi n'ya.
Natigilan ako sa pag tawa dahil sa seryosong mukha nya.
“A-Ano? H'wag ka ngang mag b-biro ng ganyan!” nauutal na sambit ko.
He finally chuckle, “See? You're still blushing. Kaya stop thinking na may age limit ang pag d'date. Come on baby,” he offer his hand.
“Can I invite you for a dinner?” he asked.
Napalunok ako at hindi makatingin ng maayos sa kanya.
What should I do? Tanggapin ko ba? Teka yung atay ko gumagalaw.
“Baby, nangangawit na yung kamay ko”
Hindi paman ako nakakapag desisyon ay tinanggap ko na agad ang kamay ni Dominic dahil sa sinabi nya.
Hindi naman sa marupok ako. Pero nangawit yung kamay nya kaya tinanggap ko na yung invitation nya. Diba?
“So, let's go?” tanong nya ulit.
Nahihiyang tumango ako.
Binuksan nya ang pinto ng shotgun seat para doon ako umupo.
“Teka,” I stopped him para mag tanong, “Maayos ba ang suot ko?”
BINABASA MO ANG
His Silent Agony (COMPLETED)
RomanceNang magkitang muli si Drea at Dom, akala ni Drea nagbago na ang lahat sa kanilang dalawa. Ilang taon na rin kasi mula noong mag break sila at iwan s'yang buntis ni Dom. Ngunit lingid sa kaalaman ni Drea, sa muling pagkikita pa pala nila magbabago a...