01

3.9K 91 3
                                    

Drea.

Tahimik lang akong nagmamasid. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Biglang humangin dahilan para ma amoy ko ang alak sa kanya.

I got it. Kaya nya nasasabi to dahil lasing sya. He smells like he bath with liquors.

Anong trip nito at pinaligo nya ata sa katawan nya ang inumin.

Natigilan ako ng bigla nya akong hinila sabay niyakap.

Ipinatong nya pa ang baba sa balikat ko. “Hindi nawala 'yon Dre, ni katititing andito parin. Mahal parin kita.” dagdag nya sa mga sinabi kanina.

Sobrang higpit ng yakap nya na parang takot syang bumitaw. Pero alam kong mali 'to.

He's just drunk and kahit baliktarin man ang mundo ay committed syang tao. I don't tolerate cheating. That's a red flag.

Hindi pa sya tumigil sa pag sasalita. “I miss you Dre. I miss you big time. Gusto ko na kayong makasama ni Damien.”

Nagsimula syang mag kwento sa kung gaano n'ya ka gustong mag bukod kami kasama ang anak namin, pero alam kong hindi mangyayari ang iniisip n'ya.

Patuloy lang s'ya sa pag sasalita at nakikinig lang ako. Hanggang sa may isang kamay ang humila sa kanya na naging dahilan ng pag bitaw nya sa akin.

“What are you doing!?” ramdam ang pagka irita sa tinig ng babae.

Nilingon ko sya dahil akala ko ay ako ang kinakausap nya pero nakatuon ang atensyon niya kay Dominic.

“Aurora,” Dominic calls her name. Her girlfriend's name.

Bumuntong hininga si Aurora. “Yes baby? I'm right here, nandito lang ako lage. We should go home.” mahinahon na sambit ni Aurora. Parang inaalo nito ang puso ni Dominic at hindi ko sila matingnan.

Halos marinig ko na ang sariling pulso sa kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ba talaga ako o nasasaktan?

‘Ano ba Drea, may girlfriend na yung tao!’ paalala ko sa sarili.

Purong ngumit sa akin si Aurora bago nang lingonin ako. “Pasensya na po sa abala.” pagpapa umanhin nya saka sya umalis kasama ang nobyo.

»

Tulala ako sa kawalan hanggang sa nakauwi ako. Hindi mawala wala sa isip ko ang mga nangyari.

What happened hunt me 'til I fell into a deep sleep.

Hanggang sa panaginip ko ay paulit ulit kong naririnig ang mga katagang binitawan ni Dominic.

D'yos ko! Ano na naman ba to Dominic? Ginugulo mo na naman ang isip ko.

»

7 am. Kinaumagahan ay nag handa na ako para sa trabaho.

“Good morning mommy!” bungad ni Den² ng makitang pumasok ako sa kusina.

Masaya s'yang nag aagahan katabi si mama. Sumabay na rin ako sa kanila. Saka ko napansin na tahimik lamang na kumakain si papa.

Nakita kong malayo kay papa ang lumpia na s'yang paborito nya kaya inabot ko ito sa kanya.

”Pa, lumpia, paborito mo." nakangiti kong sambit.

Natigilan ako ng hindi nya man lang iyon pinansin.

He called my mom instead. “Deniece. Paabot ng lumpia, mahal.” aniya kay mama.

Tiningnan ako ni mama at sinenyasan akong sya na raw ang mag aabot sa lumpia. Kaya hinayaan ko na.

Kumain nalang din ako at binigyang atensyon ang anak ko. Wala naman s'yang malay sa mga nangyayari.

Natapos na ni papa ang pagkain nya bago pa sya muling nag salita.

“Ayokong umapak apak ang lalaking yan sa pamamahay ko,” seryoso at may awtoridad na saad ni Papa.

Napatingin ako sa kaniya. “P-Pa..”

“Ayokong marinig na muli kang nakikipag kita sa lalaking yan. At ayaw na ayaw kong nakikita ang taong yan dito sa pamamahay ko, naiintindihan mo Dreanne Laurel?” dagdag nya, may bahid na pagbabanta ang kanyang bawat salita.

Hindi paman ako nakasasagot ay nakaalis na sya sa harap namin.

Nanginginig akong lumingon kay mama. Ayokong nagagalit si papa dahil ilang beses ko na s'yang nabigo.

Gusto ko nang bumawi at h'wag nang dagdagan pa ang galit nya.

“Magiging okay din ang lahat. Pakinggan mo lang ang papa mo Dre.” paalala ni mama.

»

9 am.

Humalik ako sa pisngi ni Den² bago ako nagpa alam na aalis na patungong trabaho.

Kahit magulo ang utak ko ngayon ay kailangan kong mag trabaho. Hindi ko naman pwedeng iasa kina mama at papa lahat. Tutal ay may trabaho na ako.

Sobrang gulo lang talaga ng mga nangyayari ngayon.

Yung mga sinabi ni Dominic, isa pa yung galit ni papa kay Dominic, tsaka yung anak ko. May posibilidad na maapektuhan sya at ayokong mangyari yon.

Ilang buntong hininga na ang binitawan ko.

Nasa office ako ngayon ng boss ko dahil pinapatawag nya ako.

Gusto ko nalang talagang tumakbo palayo sa problema ko pero responsibilidad ko 'to. I just really don't know what's happening. It's a normal day to everyone but this is a torture for me.

Isa lang ang masasabi ko, I'm having a badluck. Pumatay siguro ako ng tao sa past life ko.

“Villaruez, biglaan talaga ang nangyari. We need to do it. I'm really sorry.” pagpapaumanhin ng boss ko matapos n'yang ipaliwanag sa akin kung bakit nya ako ipinatawag.

Tinanggap ko nalang din ang desisyon nila. I got fired. Hindi lang naman ako ang natanggal pero nakakalungkot parin na mula ngayon ay wala na akong trabaho.

Bagsak na naman ang balikat na lumabas ako sa building namin. Napaka biglaan talaga. Pero coincidence ba to? Lahat ng problema naibagsak sa akin ng isang araw lang? Gustong gusto ko nang umiyak dahil sa bigat ng mga nangyayari.

Dumagdag pa na wala na akong trabaho. Di ko na alam. Si Den² nalang ang tanging pag asa ko, he heals me. Sa kanya ako humuhugot ng lakas.

Kaya maaga akong umuwi. I have to recharge on my son's embrace.

»

“Den² ko, mommy's here!” umakto akong masaya para naman hindi madamay ang anak ko sa lungkot na nararamdaman ko.

Hinanap ko agad siya dahil siya nalang ang tanging pag asa ko.

Pero hindi pa pala tapos ang kamalasan ko.

Biglaang pumasok si mama sa pinto na hindi mapalagay, namumutla sya. I see worries and hesitations in her eyes.

“Dre,” humingang malalim si mama, “si denden nawawala”

Para akong nabingi sa mga narinig ko. Napaluhod nalang ako sa kung saan man ako nakatayo.

Ewan. Para akong dinudurog ngayon. Parang ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.

Parang gusto ko nalang mag laho.

——\
»»»»»
——/

His Silent Agony (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon