02

3.2K 80 2
                                    

Drea.

Nag uunahang tumulo ang luha ko habang naka tingin kay mama. Sa narinig ko mula sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Ayoko mang maniwala sa sinabi n'ya pero nalibot ko na ang buong bahay at wala ni anino ng anak ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Nakakapagod ang lahat ng nangyari sa isang buong araw lang. Sobrang bigat.

“Ma naman kasi, ma si denden ko asaan?” naninikip ang dibdib ko dahil sa pag aalala na baka na pano na ang anak ko.

I can feel exhaustion dahil kanina pa ako umiiyak. Pero ayokong magpahinga hangga't hindi ko nakikita ang anak ko.

Ang anak ko ang pahinga ko.

Biglang tumayo si mama nang marinig ang doorbell saka tahimik akong hinarap. “Si Dominic” aniya.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo ako at pinuntahan si Dominic. Agad na nabuhayan ako ng loob matapos kong makita si Denden sa mga bisig niya.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko para agad ko silang malapitan. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ko pero sa puntong nasa harap na ako ni Dominic ay agad na lumapat ang palad ko sa kanyang pisngi.

Nagpupuyos ang puso ko sa galit. He didn't move after I slapped him hard.

“Drea” he just utter my name.

Hindi ko s'ya pinansin. Kinuha ko si Denden sa bisig nya at hinarap si mama para ipasok ang anak ko sa loob ng bahay.

Saka ko na hinarap si Dominic.

“Ano bang kailangan mo? Nakaka gago na! Ba't mo na naman ba kami ginugulo? Nakakawalang respeto Dominic! 6 years ago nagka areglo na tayo tungkol sa anak natin. That's already 6 years ago, at ngayon na lumalaki na sya saka ka pa mang gugulo. Alam mo ang kitid ng utak mo-

Pinutol nya ang pagsasalita ko, “Dre, hear me out please” sinubukan nyang abutin ang mga kamay ko pero hindi ko sya hinayaan.

Gusto ko syang sigawan pero sobrang nakakapanghina na.

“Tanginang hear me out yan Dominic! Ano bang gusto mo ha?” magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko.

Naaalala ko nuong nabuntis nya ako. S'ya pa ang may ganang mag dala ng abogado sa bahay para daw pumirma kami ng kasulatan na hinding hindi ko na sya gagambalain dahil susuportahan nya naman daw ang anak nya.

Tas ngayon s'ya pa may ganang mang gulo. Kaya sobrang laki ng galit ni papa sa kanya. Dahil halos sirain ni Dominic ang buhay noon.

Nagsalita s'yang muli. “Dre, I want my son to be with me. Gusto nila mama na makilala sya. Gusto kong hiramin ang anak ko-”

Sa pangalawang pagkakataon ay sinampal ko sya. Mas lalong nanaig ang galit na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi nya.

“Anong tingin mo sa anak ko?” Humakbang ako palapit sa kanya para klaro nyang marinig ang mga sasabihin ko, “He's not a toy, Dominic. Umalis ka na dahil hinding hindi mo na makikita ang anak ko! Wala kang anak rito. Alis!” may diin ang bawat salitang binitawan ko.

Agad akong tumalikod at iniwan s'yang naka tulala sa labas ng bahay.

Umiiyak na yumakap ako kay mama.

Hindi ko na naman napigilan ang emosyon na bumabalot sa akin. Masyado nang masakit, masyado nang magulo.

Paniguradong sa desisyon ko maaapektuhan ang anak namin. Pero kung ito lang ang paraan para hindi s'ya mawala sa akin ay gagawin ko.

Ito na kasi yung kinatatakutan ko. Na baka bumalik ang ama nya, at kunin siya sa akin. Lalo na at may pera sila na kayang kaya nilang ibahin ang batas.

Natatakot ako na baka wala akong magawa.

Sa bisig ni mama ay duon ko inilabas ang lahat. Umiyak ako hanggang sa mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Nagpapasalamat akong sa panahon na nahihirapan ako ay iniintindi parin ako ng mga magulang ko.

Alam kong galit lang si papa dahil ayaw nya ulit makitang nahihirapan ako. He's protecting me from another sufferings.

Nakabawi na ako mula sa pag iyak kaya pinuntahan ko na ang anak ko sa kwarto namin. Mahimbing na s'yang natutulog.

Gusto ko na namang umiyak habang pinapanood ang anak kong natutulog.

Huminga akong malalim. “H'wag mong iiwan si mommy ah?” saka hinaplos ang buhok nya, “Hindi ko kakayanin yon, Denden. Hindi kakayanin ni mommy kung wala ka.”

Tahimik akong humikbi sa tabi ng anak ko. It would be a lifetime torture for me kapag nawala sya sa akin.

Mahirap.
Masakit.

“I love you baby. Mahal na mahal ka ni mommy and I'll do everything to keep you with me. Goodnight hun” sambit ko at hinalikan si Denden kanyang noo.

Pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili. Umayos na rin ako sa pag kakahiga at tulalang nakatingin sa kisame

Bahagyang gumalaw ang anak ko kaya napunta ulit sa kanya ang atensyon ko. Inayos ko ang kumot nya at niyakap siya.

Natatakot ako.

Wala naman sigurong nanay ang matutuwang mawalay sa anak n'ya. Walang nanay ang kampanteng iisipin na mawala ang anak nila sa kanila.

Nanay ako. Kaya natatakot ako.

Nakakapanghinang isipin na baka agawin s'ya sa akin.

——\
»»»»»
——/

His Silent Agony (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon