1-i

143 11 8
                                    

i.

Nilamukos ni Divril ang papel na natanggap niya sa kanilang ethics class matapos mabasa ang nakasulat doon. "Jerk." One of his dorky classmate wrote shit about him, parte iyon ng kanilang weekly personality drill to know what their classmates think about them—sa naturang subject. But as far as Div was concerned, pang bata lamang iyon and  it shouldn't be taken seriously.




Isinuksok na lamang niya iyon sa loob ng bag saka nag tuloy na lakarin ang pasilyo palabas ng paaralan, hindi na bago ang ganitong senaryo sa buhay niya. He's been in college for long—not because he's repeating year but because of him being indecisive, perhaps.



Natanaw niya ang sasakyan ng tiyuhin di kalayuan sa parking lot ng unibersidad, tumawag ito sa kanya kanina to inform na susunduin siya at sabihing renovated na ang bahay ng mama niya na plano niyang tirhan dahil convenient iyon kasi malapit sa eskwelahan.



Nang makasakay ay agad niyang binuksan ang compartment ng tiyuhin, matagal na itong nag quit mag iisang taon na, nalaman ni Div iyon dahil nag undergo ito ng rehab, ngunit bihira sa bihira itong mag tanggal ng gamit sa loob ng sasakyan. Nahalungkat niya ang crumpled pack ng sigarilyo, nakasuksok doon ang lighter at iisang pirasong nakabaluktot na stick.



Akma niyang sisindihan nang agawin iyon ng tiyuhin, "saka ka na manigarilyo kapag wala ako, baka mainggit ako't bumalik sa bisyo, kasalanan mo pa." litanya nito saka itinapon iyon sa labas ng bintana.



"Bad day?"

"Just drive!"



Nag pasalitsalit lamang ng tingin si Div sa mga nadaraanang signage, he's trying to remember the way out. His sense of direction sucks kaya hanggat maaari ay ang mga lugar na pinupuntahan niya'y kung hindi katabi ng kalsada ay yung mga walang eskinita.



Natanaw na niya ang bahay, he's been there—before, but he never stayed. This place is a home of horrific memory for him and he never wanted to be in this place, pero part of growing up is to move on and to justify the thoughts, kailangan niyang balikan lahat.



Amoy pa ang pintura sa kabahayan, at halatang kalilinis lang, hindi na niya pinuna ang ganda ng interior design, kulangan ang tingin niya sa kahit anong bahay, mapa-malaki man o maliit tingin niya roon ay hawla. Una niyang tinungo ang kwarto, yun ang lugar na pinakagusto niya.




Tumambad ang nakaayos na kutson, natukso siyang tumalon roon, hinubad niya ang sapatos saka iniwan sa sahig, sinubukan din niyang tanggalin ang necktie ngunit mukhang nahigpitan niya iyon.



"Fuck!" Bulalas niya.



Hinayaan niya na lang na ganun, ipinatong ang isang braso patakip sa mata saka hinayaan ang sariling lukubin ng antok.




Nakarinig pa siya ng pag tawag ng tiyuhin sa kanyang pangalan ngunit hindi na niya iyon pinansin, napagod siya sa mag hapon. He need to regain, bukas paniguradong walang kwentang araw na naman ang bubungad.



Nagising siya sa pag vibrate ng cellphone niya. Nag text ang mama niya na kung kumusta ang bahay. As usual hindi niya iyon pinansin, malamang sa malamang nauna nang abisuhan iyon ng tiyo Gab niya.



Pasado alas diyes na ng gabi, at alas singko pa lang sa lugar ng mama niya kaya nangungulit pa ito despite of knowing philippine time. Ibinulsa niya ang cellphone saka lumabas ng bahay— still wearing his uniform. Nag pasya siyang tunguhin yung food chain na natanaw niya kanina bago umuwi.



Wasn't too crowded when he arrived, agad siyang nag order sa counter saka umupo sa table na ni-assign ng crew.



He thought he was hungry but when his food arrive he just toyed them. Umisang kagat lang siya sa steak saka tumayo para lisanin ang lugar. Kita sa mata ng katabing table ang tanong kung bakit hindi niya inubos. Paniguradong kung may mas marami pang makakakita sa ginawa niya'y may magagalit o di kaya'y may maiinggit sa kumportableng buhay na mayroon siya. He's making his own money so he couldn't careless.

His Bachelor's FixationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon