iii.At 20, Shan is currently raising her 2 year old son Lucas. Still living with her parents side, kaya kahit pasakit ang makarinig ng mga masasakit na salita pointing out how disappointing she was.
Third year college na sana siya ngayon sa pangarap na kursong turismo kung hindi siya nag loko't mabuntis, fortunately the father of her child ain't having the means to help since the same as her— wala pa itong maibubuhay.
Kaya kahit medyo nananabis na ang kataliman ng dila ng mga tao sa bahay nila ay tinitiis na lamang niya, it's her fault after all.
Nang mag karoon ng oras kumain ay agad na niya iyong sinamantala, mahirap tsumempo para kumain kapag tanghali dahil marami ang customer.
May maliit silang karinderya, namana niya sa ina ang galing sa pag luluto kaya nang mag karoon ng pera ay agad niyang ipinang puhunan. Malakas naman ang kita, nga lang ay matrabaho.
Gigising ng alas tres ng madaling araw para mamalengke, at pag kauwi ay kailangan na mag luto dahil may bumibiling mga empleyado sa kanila pambaon sa trabaho.Hindi ito ang buhay na gusto niya, pero dahil sa isang pagkakamali ay para sa kanya ay mahirap nang makabangon. Two years ago na ang lumipas at dalawang taon na rin simula nung mag bago ang pakikitungo ng pamilya niya.
"Kailan kaya ako makakabangon ulit?" Buntong hininga niya, "Sana makabawi pa'ko."
Natigil ang pag e-emote niya nang sumigaw ang pinsang ka partner niya sa karinderya na si Lizelle. "Shan, bilis! Malapit na kumain yung mga tricycle driver!"
Gaya nga ng sabi ay dumating na nga ang mga ito.
"Shan blooming ka ngayon ah!" Saad ni Roy na matagal nang nag papapansin sa kanya, tricycle driver din pero binata pa.
"Ay na'ko Roy, wag na si Shan, di ikaw type niyan, gusto niyan yung mayaman saka may kotse" Saad ni Lizelle. Tumawa ang iilang nakarinig na tila ba joke iyon.
"Wow high and mighty naman pala," may lamang saad nung lalaki.
"Oo, high and mighty para sa nabuntis ng tambay ganun? Oh yung bupis mo kainin mo, andami mong sinasabi!" Pinili na lang niyang putulin ang diskusyon, biro sa iba pero may lamat para sa kanya.
Natapos ang mag hapong grabe ang pagod niya, kapareho lang naman ito gaya ng mga dating senaryo sa karinderya pero parang mas sobra ngayon. Pasado alas nuebe na ng gabi at naisarado na nila yung tindahan. Mga ganung oras kasi ay wala nang bumibili.
Nang makapasok sa bahay ay nadatnan niya ang anak at ang bunsong kapatid. Nag lalaro sa sahig ang bata at walang pang ibabang saplot samantalang ang kapatid na may tutok na tutok sa cellphone nito.
"Shane jusko hindi mo manlang sinuotan ng short si Lucas!" Tiningnan lamang siya nito saka muling bumaling sa cellphone na animo'y walang na rinig.
Binuhat na lamang niya ang bata papuntang kwarto nila para bihisan, hindi pa man sila tuluyang nakakapasok nang marinig niya ang huling litanya ng kapatid. "Bakit anak ko ba yan?" mahina lamang iyon pero sapat para marinig niya.
Kung ano talaga ang pinakikita ng mga nakatatanda ay siyang nagagaya ng mga maliliit. Hindi na lamang siya umimik, sanay naman na siya kahit papaano. Iintindihin pa niya iyon? Itutulog na lang niya bukas ay tiyak na mamimili na naman sila.
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomantikKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...