ii.
Akala ni Kris ay may ma-i-po-point out siya sa tanong ni Div. Matagal na niya itong kakilala pero hindi niya maalala kung paano sila naging mag kaibigan.
"You're good, you're a cool guy, intimidating but mabait ka naman eh."
Ibinuka ni Div ang bibig, pero walang salitang lumabas, mainam na iyon dahil baka wala nang maisagot si Kris.
Yun na ang huling galaw na nagawa ni Div Bago tuluyang sumalampak sa bar counter.Agad namang tumawag si Kris sa kapatid ng binata, may contacts siya rito dahil mag kaklase ito at sabay ding naka-graduate sa parehong kurso.
Di nga nag tagal ay dumating na ito, Kris just nod, hindi niya alam kung paano i-a-approach ang taong hanggang ngayo'y kinahihibangan niya.
Muli siyang tumango nang marinig ang pasasalamat ng binata.
Kinse minutos atang kinakaladkad ni Rugo ang kapatid bago maipasok sa sasakyan, sa huli ay nagawa naman niyang maisalampak ang kapatid sa loob.
Sinusulyap-sulyapan ni Rugo ang kapatid mula sa rearview mirror ng sasakyan, kakatwang may kahinaan din talaga ang mga tao kahit gaano kagaling.
Hanggang ngayon clueless siya sa kung bakit tinanggihan ng kapatid ang pag mamanage ng negosyo ng kanilang pamilya, dahil kung tutuusin mas magaling ito sa larangan ng pera. Kung hindi niya nga ito kapatid ay literal na inggit na inggit na siya rito.
Marahan niyang niyugyog ang kapatid nang makarating sila sa bahay nito, Rugo experienced something in here, ito na ulit ang kauna-unahan niyang punta sa lugar mula ng yumao ang kanilang ama.
The place change but memories still lurking behind the walls.
Dito sila ginawang preso ng kanilang ama, at early age. Lalo nung ma-obssess ito sa pagpapayaman. Bata palang ay itinuro na sa kanila ang paraan sa kung pa'no umiikot ang mga bagay sa market, Divril shows good potential kaya naman ito halos ang napagtuunan ng pansin.
Rugo got beaten up for not being so good with numbers and yet he has no idea upon what Divril does inside.
The Horror made him back off, isinandal niya ang lasing na kapatid sa labas ng pintuan, nanginginig pa siyang tumakbo palabas ng gate, isinara naman niya iyon.
No, hindi ako babalik sa lugar na iyon.
Isa lang ang sumagi sa isip niya, anong iniisip ni Div, bakit pinili nitong mag stay sa lugar? Nahihibang na ba siya?
Isang phone call galing sa mama niya ang kanyang na tanggap, he decided not to answer pagagalitan na naman siya nito, Div supposedly be the one who's responsible in between them pero ito pa ang sakit sa ulo.
Rugo couldn't get a good life because of his brother, dahil sa ayaw nitong pakialaman ang negosyo ng pamilya kinailangan niya itong akuin.
Nahinto ang sasakyan sa isang condo tower sa kilalang commercial area sa Manila, nakaabang doon ang matikas na lalaking nakasuot pa ng kasuotang pang doctor. Nakangiti ito ng dumaan ang bukas niyang side window, inaabangan siya nito.
Nang makababa sa parking area ay agad siyang sinalubong ng yakap nito, amoy pa ang ethanol sa kasuotan nito at paniguradong katatapos lang ng duty.
"I missed you..." Bulong nito sa kanya.
Dumampi ang kanyang labi sa pisngi ng lalaki.
"I badly wanted to be with you bryle but Div still refuses to, walang mag aasikaso sa..." Naputol ang sasabihin ni Rugo nang siilin siya nito ng halik.
"Mag aantay pa rin ako..."
Napakuyom ng kamao si Rugo sa sinabi ng nobyo, naiinis siya sa kapatid, halos nagugol niya ang buong buhay covering up his brother pero ngayong kailangan niya ito ni hindi siya mapagbigyan, gusto niya na ng payapang buhay, pero hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomansaKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...