i.
Mag aalas kwatro na ng umaga ngunit di pa rin dinadalaw ng antok si Div, mukhang binabawian siya ng ama dahil sa pag dura niya sa puntod nito, hindi tuloy siya pinapatulog.
Agad siyang tumayo at nag halungkat sa damitan ng pants, hindi advisable na tumakbo ng naka boxers hindi gaanong liberado ang pinas iisipin nilang nahihibang ka.
Plano niyang tumakbo, papagurin niya ang sarili baka sakaling sa ganung paraan ay talaban na siya ng antok.
Hindi gaano kalakihan ang subdivision na kinatitirakan ng bahay niya, two way street lamang iyon. Nga lang pag makalabas ka sa kabilang dulo ng gate ay ibang ruta na ang tatahakin mo.
Sinimulan niya ang pag-takbo, madilim pa at ni walang tao ang nasa labas, tanging naririnig lang niya ay ang kanyang pag hinga. Maraming tumatakbo sa isip niya, isa na doon kung hanggang saan aabutin ang pag-takbo niya.
Div withdraw the thought, nang malapit na siyang maka abot sa kabilang dulo ay biglang may kumahol na aso. He hated it, hindi siya pwedeng tumakbo pabalik, maaabutan siya nung aso, kapag naman dumiretso siya, baka kung saang lupalop siya dalhin ng paa.
Fortunately he found himself running
towards narrow way, the damn dog still chasing him. Huminto siya nang huminto na ring humabol yung aso. Ang kaso hindi na niya alam kung anong gagawin. He was freaked out and unable too remember where the right way is. Umupo siya sa gilid ng gutter dahil sa pagod, hinahabol niya ang hininga.Right! running is what he gonna avoid in this place.
Aantayin na lang niya ang pag umaga.
Kinapa niya ang telepono sa bulsa ng kanyang pants too bad it wasn't there, imposibleng na hulog niya, malamang naiwan niya iyon sa bahay. Pakiwari naman niya'y pasado alas kwatro o baka nga alas singko na, may mangilan ngilan nang lumalabas ng kanya kanyang bahay. Ngayon lamang niya napansin na this somehow a place for those less fortunate.
Muli siyang tumayo at sumabay sa dumaraang tao, sakaling may aso ay hindi lang siya ang mapupuntirya.
But, ended up being left out again. This is how bad him finding directions bata palang ay ganito na siya.
Good timing ang pag hinto ng tricycle sa tapat niya, lulan nun ang dalawang babae na kasalukuyang nag ba-baba ng mga pinamili. He took the chances to ask.
"Excuse me, do you know where the nearest subdivision located in here?" He's to eager, not thinking whom he talking with. Isang malakas na "Ha?" ang isinagot nito sa kanya.
"Oh... iyo na alam yung ano dito near na subdivision?
Muntik umakyat yung dugo niya sa ulo nang marinig yung lakas ng tawanan ng mga ito, maging yung driver ay nakitawa rin.
"Anong ginawa mo't napadpad ka rito? dun pa yon sa kabilang kanto, sumakay ka na dito sa tricycle." Saad nito habang nag pipigil ng tawa.
"Marami na salamat."
This is his first time riding this sort of transpo, pero hindi naman siya ganon kamangmang.
Inihatid siya ng driver sa mismong tapat ng guard house ng subdivision, funny how people know this place more than he does despite of not living there. Marahil ay nadadaanan.
Kinapa niya ang bulsa, ngayon lang niya naisip na wala rin siyang wallet, this is literally embarrassing moment for him. Tumingin siya sa Guard laman ang naiisip.
"Can I lend some money? Bayaran ko siya, akin na ibabalik, I'm living here I could walk it right directly to you I swear and—" sunod-sunod niyang Saad, nahinto lang nung sumenyas yung gwardiya sa kanya na tumigil.
"Gets ko na sir, wag ka na mag salita, limitado English ko, nagamit ko na kanina. O eto abot mo na riyan."
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomanceKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...