i."Ibang klase, ganyan ba talaga kapag nasa state of independent living na? Pati screen ng cellphone nagiging method to ease boredom?" Natatawang saad ng kapatid. Napansin kasi nitong basag ang glass screen ng cellphone ni Div.
Kasalukuyan silang nasa paboritong restaurant ng kapatid, tinawagan si Div ni Rugo after class kasi may kailangan daw itong sabihin.
Sinamaan ni Div ng tingin ang kapatid "Wala ikaw pa ring pakelalam."
Tumikhim si Rugo—ignoring Div's very own language, saka ni-consolidate sa isip ang mga dapat niyang sabihin.
"The company needed you—" hindi pa nito natatapos ang sasabihin nang tumayo si Div sa kinauupuan, nang akma niyang itutuloy ang sasabihin ay agad na nilisan ni Div ang lamesa.
"Wala ka ba talagang pakialam samin? Ha?!" Rugo's voice echoing, panandaliang huminto ang kapatid.
Okay...
"Napakamakasarili m—"
" Fuck you! I said okay, I don't need to hear your second second thoughts!"
******
Nakapikit ang mata ni Div habang ang mga daliri ay nasa keys ng piano, malumanay niyang tinitipa iyon. Natigil lang siya nang marinig ang isang notang hindi kabilang sa piyesang tinutugtog.
"That's mom's song, right?" Tanong ng kapatid, kasalukuyan iyong nag-aayos ng mga papel na ginawa ni Div kanina.
Sinapok ni Div ang piano nang may maalala, the damn piano originally from their father, bakit hindi niya nga ba iyon naalala. Inilagay ni Rugo iyon sa mismong opisina dahil maganda iyong display dahil sa puting kulay nito o di naman ay pang-asar na rin kay Div.
"Akin yang piano na yan sa ngayon, wag mo namang sirain," pangaasar ng kapatid. "Magiging iyo naman yan kapag ikaw na nag take over nitong negosyo natin."
There, he can't take anymore bullshit, Div immediately walk out, hinigit niya ang basag na cellphone sa bulsa saka nag text kay Rugo, "transfer the payment on my account, my service ain't free."
Hindi kaagad umuwi si Div sa bahay kahit ramdam niyang pagod na siya, Iginayak niya ang sarili sa bar ng kaibigan. Yes, he had one. Probably none of people around him could know or perhaps Div's the only thinking they are friends.
Hindi na siya inabala pang punahin ng bouncer dahil kilala na siya nito, madalas siyang pumupunta sa lugar kahit hindi naman siya umiinom, pero this time he feels like drinking.
Umupo siya sa high chair ng counter, hindi siya kaagad napansin ni Kris dahil may inaasikasong halo ng alak.
"Uy! Aba, anong nangyari't napadalaw ka?" Finally, napansin na rin siya nito "pineapple juice?" Umiling siya rito at sinuyod ng tingin ang mga alak na naka display sa likod ng babae.
Hard
Saglit na tinanggal ng babae ang suot nitong graduhang salamin, kita sa reaksyon nito ang salitang sigurado ka?
Tinungga niya ang shot glass nang mailapag ito sa tapat niya, kasabay nun ang pagtuktok ng daliri ni Kris sa counter table waring inaantay ang resulta ng ginawang katangahan ni Div.
"Hey, what do you think of me?"
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomanceKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...