iii.Mahigit isang oras nang nag-aantay si Shan sa kasamang si Lizelle. Na late silang magising at alas sais na ng umaga sila nakapamalengke, masiyado pang mabagal ang pinsan.
Natanaw niya ang paparating na tricycle, lulan nun ang pinsan paniguradong kung saang lupalop pa ito nakarating makahanap lang ng masasakyan. Nang mailagay ang mga pinamili ay pumasada na ang driver.
Nasa kahabaan sila ng biyahe ng matanaw nila ang ilang mga kolehiyalang nakasuot ng magarang uniporme. Ngayon niya lang napagtantong bukod sa wedding gowned at pormal na kasuotan ay unipormeng pampaaralan ang isa sa pinaka magandang outfit.
"Try mo kayang pumasok ulit, apat na taon lang naman." Bulong sa kanya ni Lizelle. "Kausapin mo lang sila tito, parang kaya namang maalagaan si Lucas ni Shane eh."
"Gaga! Hindi pwede, obligasyon ko si Lucas anak ko yun, saka wala na'ko sa edad malamang kinakalawang na'ko sa pag-aaral." Sagot niya rito.
"Sabi ko na eh, mag asawa na lang tayo ng mayaman. Yung malapit nang matigok para instant yaman! Ano? Bet?" Babarahin sana ni Shan ito nang uso ang prenup, ang kaso baka hindi alam iyon ng pinsan.
Lizelle's life is worst than her, sila na Ang kumupkop dito nang mawala ang parehong magulang, napagaral naman. Pero priority ng magulang ni Shan silang magkapatid kaya irregular lamang na nagaaral si Lizelle sa mataas na paaralan.
Late nga sila, nakita niyang may mga dumadaan sa kainan nila at pasimpleng tumitingin, ang kaso sarado. Isang regular customer pa nga nila ang nag approach ng makababa sila sa tricycle, nag tanong kung bakit sarado sila kanina.
Nauna nang magsalang si Shan ng sinaing habang sa lamesa naman ay nandun ang pinsang busy sa pag hihiwa ng sangkap, ibang putahe ang lulutuin nila ngayon. Pantanghalian na agad, they missed already the breakfast time dahil pasado alasyete na, malamang sa malamang ay alas otso o alas nuebe na ang tapos ng luto nila.
Ilang oras makalipas, may mga nag sisimula nang bumili, order na take out at paminsa'y sa loob mismo nakain.
"Alam mo te, anlakas natin kumita ang kaso kulang tayo sa tao, kasi isipin mo, wala tayong tagahugas ng plato, imbes na-" hindi na niya pinatapos, kilala na niya ito. Pag labahin mo na, paglinisin ng bahay, pag bentahin mo na, wag lang paghugasin ng plato.
"Hay na'ko, sige. Ako na diyan, bantayan mo na lang yung sabaw, pag kumulo saka mo isarado yung kalan."
"Aba, busy kayo ah." Pamilyar yung boses na narinig niya.
"Oh ma, kain po?" Agad siyang nag banlaw para asikasuhin ang ina. Bilang sa daliri kung ilang beses lamang itong pumunta sa tinayong karinderya ni Shan. Dito pa nga niya ipinangalan iyon, sa kanya mismong mama pero mukhang hindi pabor ang mama niya rito dati.
"Natanggal ako sa work. Matanda na raw ako." Paunang sabi ng Ina, hindi niya alam ang gagawing approach. Limot na niya ang tamang comfort para sa magulang. Hinawakan niya ang kamay nito saka lumabi.
"Ay tama yan ma, sakto! kasi si Lizelle nag rereklamo sa hugasin, edi ikaw n taga luto tapos ako na tagahugas. Oh ano? Gandang idea noh?" May galak niyang saad, lumiwanag ang mukha ng ina.
"Akala ko ako na taga hugas eh" kapwa sila nagtawanan lalo nung sumegunda pa ang pinsan na akala rin niya'y paghuhugasin na ang ina.
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomantikKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...