ii...
Minor head injury lang naman ang natamo ni Div, good thing a woman named Shan helped him after witnessing what happened, naidala siya agad sa ospital.
Ngalang napuruhan ang tuhod niya dahil ito ang ilang ulit na tumama sa sa bakal at sa sementadong sahig. Pinag-antay naman yung babae sa waiting area dahil gustong malaman ni Rugo kung ano ang nangyari.
Bryle had to put knee brace on Div, mukhang kaya naman niyang tumayo pero kailangan ng supporter, saka hindi rin pwedeng ma force ang tuhod niya at bala lalong mabubog ang muscle kaya naman for the mean time kailangan niyang gumamit ng wheelchair.
I wanted to thank her...the one who helped me...
Pinapasok ni Rugo sa silid ang babaeng may hawak ng plastic ng pinamili, gusot na ang suot nitong damit at bakas pa rito ang dugo ni Div.
"You're the same person who helped me way home!" Bulalas ni Div nang maalala "thank you very much I dunno how to repay you..."
"Jusko wala iyon, kahit sino naman siguro gagawin iyon, malamang kahit ikaw gagawin iyon kung sakali."
Pumasok na rin si Rugo sa silid habang hawak ang sobre, ibinigay niya iyon kay Shan, at first she was hesitant but Rugo and Div insisted to, kinuha rin nila ang cellphone number nito at saka ipinahatid na sa driver.
"That girl quite cute and I never knew you guys met twice, kayo ha..." Pag biro ng kapatid.
Tumikhim lamang si Div saka nag talukbong ng kumot, kapag napakiramdaman niya nang okay na siya, lilisanin na niya ang ospital na ito. Ayaw niya sa lugar, ayaw niya ng amoy nito.
Nilamon ng katahimikan ang silid nang umalis na rin ang kapatid, yung mga aparato na lang sa ospital Yung nag papaalala sa kanyang buhay pa siya.
May bumabagabag sa kanya, yun ay kung bakit hindi siya nagagalit ngayon? Bakit parang ayos lang siya?
Sapo sapo niya ang ulo nang tumawag ang kapatid, nahuli na raw si Hiroshi.Ibinaba niya kahit na pa wala siyang sinasabing kung ano.
Hinawi niya ang kurtina sa gilid, malaki ang bintana at halos lahat ay tanaw mula roon, maganda ang gawi sa direksyon kapag nakahiga ka, ngunit kapag tinayo ang makita ang kabuuan ng vicinity ay eyesore ang slum area.
May nag bukas ng pinto, hindi niya iyon pinansin, that person wouldn't go above this floor kung hindi niya iyon kakilala at yung ang dahilan kung bakit wala siyang pakialam, ngalang ay kumalat ang amoy ng matapang na sigarilyo at yun ang pinuna niya.
"Ang baho mo tito, lumayas ka rito!" He shouted without even looking.
"Ako na nga 'tong concerned sa'yo paalisin mo pa'ko, besides weren't you the one who's about to smoke last time? Anong kaartehan mo ngayon? Kabuwanan mo?" Untag nito sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin, ngunit wala itong patinag, isinubsob nito ang biniling prutas sa mukha ni Div.
"Fuck off...wait, I feel like eating it, balatan mo kaya para may silbi yang pag bisita mo."
Ginawa naman ito ng tiyuhin, may puso pa naman ito, ngunit lahat ng binalatan ay iniitsa nito sa mukha ni Div, serves enough may taga balat, may taga lagay sa plastic bag.
His mom already know what happened, kahit na sinabi niyang huwag na ipaalam, sutil ang tiyuhin at laging naka report lahat ng ganap nila rito sa pinas.
Ganun paman ay hindi naman ito nangulit o tumawag, matanda naman sila to deal with this stuffs."Makakalabas ka na Div," agad na bungad ni Bryle nakangisi ito, saka lang niya napagtanto kung bakit ganun ang hitsura nito, pumasok si Rugo habang tulak tulak ang wheelchair.
"You can't stress your knee, maganda siguro kung gagamit ka nito." He was about to complain, pero nanakit nga ang tuhod niya. No choice he sat on that stupid thing.
Alam niya sa sarili niyang may lakas siyang mag complain ngunit hindi sa paraan na iiwan siya ng mga kasama para itulak ang sarili palabas ng gusali.
"I will remember this day at papatayin ko kayo sa pag tulog niyo!"
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomanceKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...