i.Kumakalam ang sikmura habang nasa loob ng klase, hindi niya nagawang makakain dahil nag mamadali siyang pumasok ng school, natuloy ang kaninang pananakit ng ulo niya pero tolerable naman.
Nanlaki ang mata niya nang pumasok ang pamilyar na mukha sa silid, mukhang magiging kaklase niya ito sa kasalukuyang subject.
Umupo ito sa likuran niya nang may ngisi sa labi, Hioshi Hamada, cool thing he isn't as scary as it seems, pero isa ito sa nag padugo ng ulo ni Div during High School, inumpog siya nito sa flag pole, nagawa naman niyang makaganti mas napuruhan pa nga ito, Hioshi even had to transfer another school after failing winning the court. Sinigurado ng tatay ni Div na makakuha ng pinaka magaling na lawyer para lang sa isyung iyon.
The last thing he remembered Hioshi stopped school year and the thing why he's still in college now, Div prolly don't know, maybe a repeater?
"Having good time here Div?" The voice coming from Hioshi.
"Yeah?"
Natapos ang klase na bukod sa iniinda niya ang gutom ay nakakaramdam siya ng hindi maganda sa bandang likuran niya, good thing nang makalabas sa eskwelahan ay agad na siyang sumakay ng taxi.
Hindi agad siya dumiretso ng bahay, huminto ang sinasakyan niya sa isang grocery store na nasa ikalawang palapag ng hindi kalakihang establisyamento na siyang di kalayuan sa tahanan. Kakaunti lang ang mga taong na roon, at hindi siya nahirapang dalhin ang basket ng pinamili diretso sa counter. Agad siyang lumabas nang makabayad.
A brute force made him slam on a wall, idiniin siya roon ni Hioshi, sinundan pala siya nito, nabitawan niya ang plastic ng pinamili. Bakas sa mukha nito ang inis.
I was suffering years abroad just because of you, wala kang ligtas ngayon sakin!
Sumapok sa mukha ni Div ang kamao ng binata, hindi man niya nakikita ang mukha pero dama niya ang pag agos ng dugo mula sa ilong. Nakailang ulit pa siyang sinuntok nito bago siya nito itulak sa hagdan.
Hindi niya naramdaman ang sakit ng pagbagsak pero nandidilim ang paningin niya.
Huli niyang narinig bago tuluyang mawala ang malay ay ang boses ng babaeng humihingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
His Bachelor's Fixation
RomanceKung meron mang ayaw si Divril Prieto yun ay ang may kumontrol sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala sa tadhana. Pero ano na lang ang gagawin niya kapag ang mismong tadhana na ang kumontrol sa buhay na mayroon siya? Would it be nice or wors...