Chapter 9

985 22 0
                                    

Mlezey's POV

Huling araw na namin dito sa resort at noong karaan ay may nangyari sa amin. Naging masaya tong bakasyon na to sa totoo lang at ngayon ay kinakabahan ako kasi ipapakilala ako ni Sam sa mommy nya. Lagi daw kasi syang tintanong ng mommy nya kung sino daw ako, bakit lagi daw kaming magkasama at ang sweet sweet daw namin.

Natatawa lang ako kasi kahit walang kami ay parang welcome na agad ako sa pamilya nya.

"Hey chill di sila nangangain, ako lang ror" sabi nya sa akin at natawa naman ako, kahit kailan di nawawalan ng kalukohan yang utak nya.

"Baka kasi di nila ako gusto" sabi ko st napakagat ng labi. Niyakap nya lang ako st hinalikan sa pisngi. Ang sweet naman ng magiging asawa ko.

Nakadress ako na medyo fitted, ang galing nyang pumili sa mga damit at dress, para tuloy akong dalaga tignan. Naka floral bangkok dress ako na hanggang tuhod at nakasandal na yellow. Ang ganda kong tignan.

Nandito na kami sa room ng mama nya at si sam naman ay nakikipsgkulitan kay Sike. Mag ama tlaga sila.

"Hi ija" jolly na bati ng mommy ni Sam. Lumapit ito sa akin at nakipag beso.

"You look stunning ija, nakabingwit ata ang anak ko ng anghel" sabi nito sa akin at napatawa naman ako, palabiro din pala tong mommy nya and guess alam ko na saan nagmana si Sam.

"Thank you po tita" mahinhin kong sabi sa kanya at parang kinilig naman ito sa akin.

"OMG ija ang cute ng boses mo. My son don't deserve you, parang papupunta ka ata sa imper---" pagbibirong sabi ni Tita Sunny at pinutol naman ito ni Sam tsaka lumapit sa akin. Natawa naman ako sa pinagsasabi ni tita.

"Mommy ano ba baka maturn off sakin yan di na tlaga ako mag aasawa"  inis na sabi nya sa mommy nya at ngumiti lang ito kay Sam.

"Nako ija i want four grandchildren, 2 boys and girls. Omy g I can't wait" habang nag iimagine ang mama nya ay ngumiti naman si Sam sa akin tsaka hinalikan sa pisngi.

"Sure mom, malapit na" sabi nya at nagulat naman ako. Tae anong malapit na ni hindi nga ako buntis eh.

"Osya halina't kumain na tayo sa labas, mag gagabi na. Later you will meet his Daddy okay lets go" sabi ni tita Sunny kaya tumango naman ako. Kinabahan ako bigla ng narinig ko yun. Masyadong seryuso ang mukha ni sir Phyton kaya natatakot ako.

Nandito na kami sa table at may banda na kumakanta, kumakain lang kami at katabi si Sam sa upuan. Ang ganda ng decoration ngayon halatang pinaghandaan, daming lights and flowers na nakasabit.

Natapos na kaming kumain ng biglang pumunta si sir Kirby sa harapan, kinuha nito at mic tsaka nag salita.

"This night is the special night for me, I'm bit nervous but i can do it. Its been 2 years since she left but now she's her again in my arms and never forget her promise to me." Sabi ni sir Kirby at lahat ay kinikilig lalong lalo na si miss Angel na pulang pula ang pisngi habang kumakanta ang banda ng "I Need More Today".

"I can't imagine that we came in this situation, i thought there's no more chance between us but then the destiny make a way to find each other. Now i am taking this opportunity to ask a permission to you tita and tito to have the hands of your loving daughter. I will promise that she live in the fullest and be the best husband of her" mahabang sabi ni sir Kirby at naluluha na si miss Angel. Nag thumbs up naman ang mag asawa kaya napaluha din si sir Kirby.

Lumapit si sir Kirby kay miss Angel at hinawakan ang kamay tsaka pumunta sa harap.

"Angel Scarlet Fiel Javier and soon to be Mrs. Santos, i know its too fast pero ayaw ko ng mawala ka ulit. Ikakamatay ko pag nawala ka pa ulit Fiel kaya ngayon ikukulong na kita" sabi nito kay miss Angel at natatawa na naiiyak naman si miss Angel.

"Will you marry me? I wont accept No" sabi ni sir Kirby at lumuhod. Natawa naman ang iba dahil sa huling sinabi ni sir Kirby.

Inakbayan ako ni Sam at hinawakan ang kamay ko. How i wish i can have it too, yung nag effort pa tlaga sa ganito.

"Sumagot kana Angel nangangalay na best friend ko" sigaw ni Sam at ikinatawa naman ng lahat. Tumango naman si miss Angel at nag 'Yes'. Isinout sa kanya ang singsing. Kumikinang ito at halatang totoong diamante.

Nagyakapan sila at hinalikan sya sa noo ni sir Kirby. Hinalikan din ako ni Sam sa labi at ngumiti sa akin. Napasandal ako sa balikat nya at nah padugtog naman ng slow song.

Tumayo si Sam at pinatayo ako. Pumunta kami sa harap para sumayaw.

"Hindi ako marunong sumayaw" nahihiyang sabi ko sa kanya at natawa naman ito.

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at isinabit sa balikat nya tsaka hinawakn ang beywang ko. Mas pinalapit nya ba ako ngayon at puno ng hiyawan ang naririnig ko. Ang swerte ko sa kanya, sobra sobra.

"I love you" binulong nya sa akin at nagulat naman ako. Totoo ba to, mahal nya na ako. Niyakap ko sya dahil sa sobrang saya.

Natapos na ang event at nagpahinga na ang lahat. Bukas ay aalis na kami para sa trabaho. Kahit gusto kong mag stay dito kasama sya pero bawal kasi kailangan din mag trabaho. Sana ganito pa din kami pagkatapos.

At His Bed (My boss's Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon