chapter 17

688 19 1
                                    

Mlezey's POV

Huminga muna ako ng maluwag bago pumasok dito sa guestroom, natatakot ako pero kailangan ko tong gawin.
Hinawakan ko na ang pinto pero biglang hinawakan ni Sam ang braso ko. Tinignan ko sya.

"Are you sure about it? Im worried" sabi nya sa akin ng may pag aalala. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang labi nya. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa braso ko at tinignan ako.

"Nandyan ka naman dito, alam kong di mo ko pababayaan" sabi ko sa kanya ng nakangiti at nabuntong hininga naman ito. Tumango ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Please be careful okay" paalala nya sa akin at ngumiti ako sa kanya tsaka tumango. Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ni Gift na umiiyak.

Tumingin ito sa akin at umupo naman ako sa gilid 2 meters sa kanya. Huminga muna ako ng lalim at ibinuga ito. Tinignan ko sya.

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko sa kanya at tumingin ito sa akin na nanghihingi ng tawad.

"Ley, iligtas mo ako Ley. Ayaw kong mamatay, ayaw ko" sabi nya sa akin habang humahagolhol ito. Di ko sya maintindihan.

"A-ano bang s-sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya at sumeryuso ng tingin sakin.

"B-baliw na si Mommy, Ley. Dumating sa punto na ayaw ko na lang umuwi kasi sasaktan nya ako. Nasaksak ko sya Ley" naiiyak nyang sabi sa akin at humawak sa kamay ko.

"Ley patawarin mo ako, im just manipulated by her words. Pinilit nya akong hanapin ka para agawin sayo ang asawa mo. Kung hindi ko yun gagawin ay papatayin nya si lola at mawawalan ako ng gamot" sabi nya habang umiiyak at napaluha na din ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanila.

"M-may sakit a-ako, I'm diabetic since then. Lagi ko syang sinusunod kasi ayaw ko pang mamatay Ley. " Sabi nya sa akin at pinakita ang mga sugat nya na hindi pa naghihilom, sobrang dami nyang peklat at sugat. Hinilamos nya ang mukha nya at huminga ng malalim.

"Tatanggapin ko ang lahat ng kaparusahan Ley. Handa na ako, gusto ko ng makapiling si lolo" mahinang sabi nya sa akin. Niyakap ko sya at yumakap ito pabalik.

"Sobrang gusto ko si Sam Phyton, Ley. Lahat ng poster nya nasa kwarto ko pero tinatago ko iyon. Hays, sobrang inggit ako sayo kaya nagalit din ako sayo kasi lahat ng atensyon nasa sayo. Ngayon ko lang narealize na hindi ko kailangan iyon kasi pagmamahal lang pala ang kailangan ko. Nang makilala ko si Flen yung boyfriend ni mommy na dapat ay akin haha, nagbago ang pananaw ko. Si mommy pala tlaga yung totoong masama" sabi nya sa akin habang yumayakap. Naiiyak ako dahil di ko alam na ganito pala napag daan nya buong buhay nya.

Kumalas ako sa pagkakayap at hinawakan ang pisngi nya.

"Bakit di mo sinabi? Nandito naman kami diba" iyak kong sabi sa kanya pero ngumiti lang ito.

"Natatakot ako kasi baka di nyo ko paniwalaan, hays tama na to. Ipakulong nyo na ako. Ready na ako" sabi nya sa akin at mas lalo akong naiyak sa sinabi nya. Di ko alam na ganito ang nangyayari sa kanya.

"Oy Ley tama na yan, nakakasama yan sa baby. Patawarin nyo ako ha, pakisabi na din sa baby mo" nakangiting sabi nya sa akin at tumango ako. Pinilit kong kumalma dahil nasasaktan ako kay Gift.

"Alam mo bang ikaw ang pinakapaborito kong pinsan kasi lahat ginagawa mo makuha ko lang gusto ko" natatawang sabi nya sa akin. Binibigay ko sa kanya ang lahat para wag lang syang magalit sa akin. Nabuntong hininga ito at tumingin sa akin ng nakangiti.

Biglang bumukas ang pinto at nandoon ang mga pinsan tsaka si Sam.
Lumapit sila kay Gift at niyakap ito. Niyakap ako ni Sam at hinagod ang likod ko.

"Buti inamin mo na" sabi ni Zach at tumango si Gift. Lumapit si Gift at niyakap ulit si Zach.

"My baby boy, pagod na kasi si Gift" sabi ni Gift kay Zach. Tinignan lang namin sila at lumabas na din.

Alam ni Zach ang lahat dahil sila lang ang medyo malapit. Maldito kasi itong si Zach kaya nalalabanan nya si Gift.

Huminga muna kami ng malalim at hinihintay na tumawag sila lola, sana ay okay lang si tita Gia. Nakakagulat ang mga nangyayari ngayon.

"Babe you should rest okay, nakakasama yan kay baby" sabi nya sa akin at tumango ako.

"Malapit na pala yung kasal natin. Isang buwan nalang" sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kotse. Ayaw ni Sam na dito kami matulog kasi baka ano ba daw ang mangyari sa akin.

Sumakay na kami at nagsimula na syang mag maneho, tinignan ko lang bintana.

"Are you excited?" Tanong ni Sam at ngumiti ako sa kanya. Syempre no kahit sino naman na babae maeexcite tlaga da araw na iyon.

"Pero di pa ako ready, i mean pwede namang sa 5 buwan muna diba. Hays" sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko.

"Wala ng bawian tsaka unang kita ko palang sayo noon eh gusto na agad kita pakasalan sa araw na yun" sabi nya sa akin at natawa naman ako. Natitimang ba to tsk!.
Tumango ako at hinalikan ang pisngi nya.

"I love you Sam Phyton" sabi ko sa kanya at parang nagulat naman ito. Ito ang unang sabi ko sa kanya.

"Ha? Anong sinabi mo?"  Gulat na tanong nya sa akin at natawa naman ako.

"Mahal na mahal na mahal kita Sam" natatawa kong sabi sa kanya at hininto ang sasakyan tsaka hinalikan ako.

"I love you so much babe, i really do" sabinnya at hinalikan ang buong mukha ko. Natatawa ako sa ginagawa nya. Hininyo pa tlaga ang sasakyan para lang don ang oa tlaga.

At His Bed (My boss's Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon