SPECIAL CHAPTER

990 28 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

The time flies so fast and now she's 8 months pregnant. Malaki na ang tiyan nya dahil malapit na din ang kabuwanan nya. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa kahit minsan ay may mga problema.

Malapit na din ikasal sila Fiel at Kirby dahil napag alamang buntis din ito. Natatawa si Ley sa isipan nya kasi kung saan pa sila buntis ay doon pa sila pinapakasal.

Sobrang ganda ng araw niya at idagdag mo pa si Sam na pagkalambing lambing sa asawa, hindi ito nag trabaho dahil gusto nyang maglaan ng oras kay Ley.

"Babe, may naisip ka na bang name ni baby?" Tanong ni Ley sa kanyang asawa at tumango ito.

"Sevi Ley Phyton" nakangiting sabi ni Sam at nakunot naman ang noo ni Ley.

"Bakit puro S? Dapat M naman" sabi ni Ley at tumawa naman si Sam sa kanya.

"Because it's a boy, soon if we're having a girl. I assure you that it's M" sabi ni Sam at nakumbinsi naman ang asawa.

Nag usap usap pa sila ng biglang nag ring ang phone ni Ley. Ang kuya Tristan nito ang tumatawag kaya sinagot niya ito.

"Hello Kuya bat ka napatawag?" Tanong ni Ley at nakinig lamang si Sam sa usapan ng mag pinsan.

"L-ley wala na si G-gift" utal na sabi ni Tristan at kinabahan naman si Ley sa sinabi ng pinsan.

"Anong wala? Lumayas ba sya? Suma---" sabi ni Ley at pinutol ito ni Tristan, nakunot noo naman si Sam dahil alam nya ang ibig sabihin ni Tristan.

"Patay na sya Ley, Nagpakamatay sya Ley" sabi ni Tristan na may pamamaos ang tinig at bigla namang ikinabagsak ng balikat ni Ley. Ito ba ang bungad sa kanya ng araw na ito? Kasi sobrang sakit ng nararamdaman nya.

Pinatay ni Sam ang tawag at niyakap ang asawa. Hindi ito pwedeng magpadala sa emosyon dahil buntis ito. Hindi pwedeng mapaaga ang kanyang pagluwal dahil walong buwan ito, maliit ang porsyento na mabuhay ang bata sa ganitong buwan.

"Hey babe, calm down okay. Makakasama yan kay baby" sabi ni Sam na nasasaktan sa paghagulgol ng asawa.

"D-di k-ko ma-tanggap" pilit nitong pagsasalita habang nakayakap kay Sam. Hinagod lang ni Sam ang kanyang likod.

Akala ni Ley ay okay na lahat, nakayanan niya ang diabetes pero marami na itong complikasyon sa katawan. Hindi nya alam bakit nagpakamatay si Gift dahil wala naman na itong problema. Malayo na si Gia sa puder nila kaya hindi nya masasaktan si Gift.

Nagbihis si Ley at Sam para pumunta sa bahay ng lola nito. Namamaga na ang mata ni Ley sa kakaiyak. Nasasaktan si Sam dahil nakikita nya ang asawang umiiyak ng sobra. Nabuntong hininga na lamang ito.

Nandito na sila sa bahay ng lola nya at bumaba na sila. Tahimik lamang ang bahay ng pagpasok nila. Binati sila ni Vey na walang kabuhay buhay. Nakita ni Ley ang lola na nagluluto. Parang hindi ito nagpapaapekto sa pagkamatay ni Gift.

"L-lola" naiiyak na sabi ni Ley at pumunta sa lola nyang nakangiti.

"Apo, buti naman at naparito kayo. Wag mong pagurin ang emosyon mo ija makakasama iyan sa bata" saway ng matanda pero umiyak lamang ito. Nabuntong hininga ang matanda at pinaupo si Ley sa dining.

"Hindi natin alam kung kailangan tayo kukunin, wala tayong parapatan na kunin ang buhay natin pero ginagawa natin ito dahil sa sobrang sakit at pait ng nararanasan natin. Masakit rin sakin ang pagkawala ng apo ko kahit gaano ito kasama sakin noon. Nakita ko kung paano nilibing ang anak ko pati asawa nya, nakita ko rin paano ilibing ang asawa ko. Wala ng mas sasakit pa don. Maging matatag tayo. Wala tayong kasalanan at mas lalong wala syang kasalanan." Sabi ng lola nya at umiiyak naman si Ley sa sinabi nito.

Bata pa lamang sya ay wala na syang magulang kaya naiintindihan nito ang lola nya. Nagpaalam si Ley dahi gusto nitong pumunta sa kwarto ni Gift.

Maaliwalas ang kanyang kwarto, may nakasindi ng kandila dito. Tumingin tingin itp sa paligid ng may napansin syang isang papel. Kinuha nya ito at binasa.

"Sana ay mabasa mo to Ley, bago ako mawala sa mundo gusto kong malaman mo na salamat sa lahat ng tulong mo para gumaling ako. Naging masama man ako ay sana patawarin mo pa rin ako. Nalaman ko na complicated na pala itong katawan ko. Mas lalo lang akong mahihirapan kung patuloy lang akong mabubuhay. Ngayon ay nag aagaw buhay na ako, may twist din pala itong pagkamatay ko hahaha. Sumasakit yung puso ko at hinahabol ang hininga ko pero nagawa ko pang kitilin ang buhay ko. Mahal na mahal ko kayo at sana mapatawad nyo ako."  Napatulo ang luha nya at biglang may lamamig na hangin at dumampi sa balat nito.

Napapikit si Ley at niradamdam ang malamig na hangin na iyon. Huminga ito ng malalim at ngumiti.

"Mahal na mahal din kita Gift, maging payapa ka" sabi ko sa hangin at lumabas na. Unti unting gumaan ang nararamdaman ko at napansin din nito na may nagwawala sa labas.

"NASAAN ANG ANAK KO!! PARANG AWA NYO NA, PAYAKAP NG ANAK KO. DI KO KAYA. WAHH DI SYA PATAY, DI SYA PATAY, NAG USAP PA KAMI KAGABI" sigaw ni Gia habang humahagolhol. Biglang nakaramdam ng awa si Ley kay Gia dahil huli nya na naramdam ang halaga ng anak kung saan pa ito nawala.

Nag usap usap sila tungkol saan ililibing si Gift. Maraming nabasa na mga letters si Ley sa room ni Gift. Naging mabigat ito sa pakiramdam dahil lahat ng nandoon ay puro hinanakit sa kanyang ina.
Humingi ng kapatawan si Gia sa lahat ng nasaktan nya lalo na sa anak nya.

_

Lumipas ang isang buwan at nalabasan na ng tubig si Ley sa kanyang gitna. Namamalipit na din ito sa sakit ng napansin ito ng lahat. Bigla nyang binuhat ni Sam at tumakbo sa kotse.

"Putang ina bilisan nyo!" Sigaw ni Ley habang sumisigaw ito sa sakit.

"Calm down babe, wait, kapit lang kapit" natatarantang sabi ni Sam at dali daling pinasok sa private room.

"Aghh! Lalabas na syaaaa! Puttttshaa" sigaw ni Ley at pinapaere na sya ng doctor.

"Ahhh! Samm ayaww ko nggg mangaanakkk" sigaw ni Ley at lumabas na ang bata. Nawalan ng malay si Ley at napaiyak si Sam dahil nakita na sya ang gwapo nitong anak.

Naghalo ang itsura ni Ley at Sam sa mukha ni Sevi. Pumunta naman ang mga pinsan ni Ley pati ang parents ni Sam.

"Welcome to the world my little Sevi" sabi ni Sam at hinalikan ito sa noo.

End-

A/n: thank you so much sa support. 

At His Bed (My boss's Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon