Chapter 13

757 16 0
                                    

Mlezey's POV

Dalawang buwan na ang baby ko at panay text ni Gift sa akin na kung saan daw bahay ko, bat wala na ako sa condo at kung ano ano pa. Di ko na sya pinansin kasi nga baka ma stress pa ako.

Pupunta ako sa grocery para bumili ng mga stocks. Wala na akong gatas at biscuits kaya nag insist akong bumili. Di pumayag si Sam na ako lang mag isang bibili kaya pinasabay nya yung isang kasambahay namin.

"Ate Kay hali kana" tawag ko sa kasambahay namin. Dali dali naman itong tumakbo sa labas tsaka lumapit sa akin.

"Nakalimutan kong may pupuntahan tayo ma'am" sabi ni Kayla at natawa naman ako. Matanda si Kayla sakin ng 4 na taon at may mga anak na ito sa probinsya.

"Tara na po at sumakay" sabi ko kay Kayla at sumakay sa Van. Nandito kaming dalawa sa likod at nag kekwento sya sakin tungkol sa anak nya.

"Ay nako ma'am halatang pag laki nyan daig pa dyosa nyan, kitang kita naman oh ang ganda ng nanay at tatay" maligayang sabi ni Kayla sa akin at natawa naman ako. Hays bolera tlaga.

"Di na rin ako makapag hintay sa kanya Ate" nakangiti kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko. Nag kwentuhan lang kami hanggang sa pinark na dito sa convenient Store.

Ayaw kasi ni Sam na sa Mall kasi alam na ng lahat na ako ang girlfriend nya baka pagdagsaan ako ng mga reporters lalo na ngayon na buntis ako.

Bumaba na kami at sinama ko si Kayla. Pumasok na kami at nagsimula ng maglibot. Kumuha ako ng mga gatas at biscuits, mga sanitizers at snacks. Kumuha na din ako ng mga prutas para di na maabala si Sam kakabili ng gusto ko.

Pinauna ko na si manang sa counter at binigyan ng pera, naglibot pa ako kasi baka may nakalimutan pa akong bilhin ng may biglang humawak ng braso ko kaya napaharap ako. Laking gulat ko na si Gift pala iyon.

" Sabi ko na nga ba at may araw ka rin sakin, tsk! Pinahirapan mo pa akong malandi ka!" Mahinang sigaw na may panggigigil. Kinabahan naman ako sa mga sinasabi nya.

"Bitawan mo ko Gift" sabi ko ng mahinahon at tinignan sya. Ngumisi naman ito sa akin.

"Neknek mo!" Sabi nya at ginuyod ako labas, ayaw kong masaktan si baby kaya sumunod na lang ako.

"Gift bitawan mo na ako baka hinahanap na nila ako" pag mamakaawa ko sa kanya habang hinihila ang kamay ko.

"Wala akong pake, edi kung sana binibigay mo yung gusto ko sana ngayon tahimik buhay mo! Pero anong ginawa mo? Nag tago ka, ulol takot ka pala" pilyang sabi nito sa akin at kinakabahan na ako sa kanya. Di ko alam ang gagawin ko.

"B-buntis ako G-gift" utal kong sabi sa kanya at tumingil naman ito. Biglang nagalit at hinarap ako.

"Ang landi landi mo! Nagpabuntis ka pa tlaga sa kanya! Alam kong di nya yan anak kasi malandi ka! Ipalaglag mo yan!" Sigaw nya sakin habang sinasampal ako. Hinarangan ko lang ang tiyan ko baka anong gawin nya dito.

Niiyak ako sa sobrang sakit, parang di na di Gift ang kaharap ko ngayon. Para itong nawawala sa sarili na gustong pumatay. Ganito ba sya maobsess, natatakot na ako.

"Gift tama na please tama na" pagmamakaawa ko sa kanya habang pinagpatuloy ang pag sampal sakin. Hinablot nya ang buhok ko tsaka tinulak. Nagulat ako at napaawang. Biglang nangmanhid at gitna ko dahil nakita ko ang dugo galing sa gitna ko.

Kinabahan ako at hindi makahinga, biglang may bumuhat sa akin at nawalan ako ng malay.

'Mahal na mahal kita anak,
Wag mong pabayaan ang sarili mo
Pati ang anak mo.
Maging matatag ka,
Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo'

Bigla namang nagising ang diwa ko at naramdaman ang kamay na nakahawak sa kaliwa kong kamay.

Minulat ko ang mata ko at nakita ang puting silid. Tinignan ko ang lalaking nakayuko habang hinahawakan ang kamay ko. Di ko maiwasang makaiyak kaya tumingin naman ito sa akin.

"Ohh! Thanks God you're awake." Sabi nito sa akin at bigla akong niyakap. Iyak lang ako ng iyak kasi kasalan ko to.

"Y-yung b-baby k-ko?" Utal na tanong ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

"Our baby is safe, buti nalang at nakita kita tsaka nadala sa hospital." Sabi nya sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko tlaga wala na ang baby ko.

"Akala ko mawawala ka na sa akin. Akala ko mawawala na kayo sa akin" naiiyak na sabi ni Sam sa akin at ito ang unang pagkakataon na nakita ko syang umiyak.

"Ayaw kong maulit ulit yung nangyari, ayaw na ayaw. Di ko na kakayanin na pati kayong dalawa mawala sakin. Ikakamatay ko Ley, ikakamatay ko" sabi nya sa akin habang umiiyak ito. Naiiyak na din ako, di ko magawang ipagtanggol ang sarili ko kanina.

"Kasalanan ko ito, hinayaan ko lang na saktan nya ako wag lang si baby pero nagawa nya pa rin" naiiyak kong sabi sa akin at niyakap ako ng maigi.

"I will file a case, ayaw kong isalalay ang batas sa kamay ko so please let me do it" sabi nya sa akin pero di ako agree sa sinabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko tsaka sya humarap.

"Ayaw kong sinasaktan ka ng ibang tao, makakapatay ako pag nangyari yun ulit" sabi nya sa akin na may pangamba. Huminga muna ako ng malalim at tinignan sya. Para din to sa ikakabuti ko.

"Kakausapin muna natin sila lola okay. Papayag ako para sa baby natin" sabi ko sa kanya at hinalikan ako sa labi. Niyakap nya ang beywang ko at hinalikan.

"Kapit ka lang baby ha, wag kang bibitaw" sabi ni Sam at hinimas ang tiyan ko.

Huminga ako ng malalim tlat tinignan si Sam na natutulog sa gilid ng kama ko. Di pa ako pwedeng e discharge kasi nga di pa okay katawan ko. Alam ko naman na Oa tong si Sam kaya di nalang ako umangal.

At His Bed (My boss's Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon