chapter 19

794 20 0
                                    

Mlezey's POV

Nandito ako sa condo kasi yun ang sabi ni Sam. Kahapon lang kasi kami pumunta kana tita tapos iwan ko kay Sam bat dito nya ako pinastay eh ayaw na ayaw nya akong iniiwan. Medyo nag tatampo ako sa kanya ngayon.

Nandito lang ako sa kusina kain lang ng kain ng may biglang nag doorbell. Sinuot ko yung salamin ko at pumunta sa pinto. Binuksan ko ito at gulat ako dahil andito si miss Angel.

"Ano pong ginagawa mo dito miss?" Takang tanong ko sa kanya pero ngumiti lamang ito at pumasok.

"Sam told me that you're alone he so i decided to go here" nakangiti nyang sabi sa akin at tumango naman ako.

"Di nga po nagpaalam si Sam sakin kanina" naiinis kong sabi pero natawa lamang ito.

" May flight sya ngayon papuntang states. Nakalimutan sya siguro" sabi ni miss Angel at nagulat naman ako. Putcha buti pa sa ibang tao nagpaalam pero sakin wala tsk! Patay ka sakin pag umuwi ka.

"Miss Angel nagpaalam ba sya sa mommy nya?" Tanong ko ulit at tumango ito sa akin.

"Split that miss okay, you can call me Angel kasi di na kita secretary and sooner you have your own company" nakangiti nyang sabi at napatanga naman ako. Di ko sya gets, bat ako magkakaroon ng kompansya eh wala akong business.

Nag usap usap lang kaming dalawanat hanggang naghapon na ay nandito pa rin sya. Baka inutusan to ni Sam kasi buntis nga ako. Lagot tlaga yung lalaking yun sakin.

"Ahm Zey, wear a white dress because we're going to mall. Nabobored ka din dito and i know it" sabi nya sa akin at ngumiti naman ako. Buti naman naramdaman mo miss.

Tumango ako at pumasok na sa kwarto. Buti nalang at nakadala ako ng gamit dito, si Sam kasi di man lang nag sabi kung aalis ba o hindi.

Nakapag bihis na ako at halatang buntis na ako dahil medyo malaki na tiyan ko. Iwan ko pero parang 5 months na tong tiyan ko sa laki ng umbok.

"You look gorgeous but you look pale, oh wait use this lipstick matte" sabi ni Angel kaya tumango ako at inilagay sa labi ko.

"Omg it's really suits to you. You look goddess" compliment ni Angel sa akin at natawa naman ako.

"Mag pabuntis na din po para maging goddess ka na rin" biro kung sabi at namula naman ito. Yiee si miss gusto mabuntis.

"Hay nako, lets go na." Sabi nya at sumakay na kami ng elevator. Nandito na kami sa kotse dahil nga pupunta kasi sa mall. Ayun nag usap usap lang kami sa mga mangyayari at the future. Gusto nya din pala magkababy na kasi parang wala daw balak si sir Kirby sa kanya.

"Sa laking tao ni Sam e talagang malaki yang anak nyo. Di nman cguro kambal yan diba." Sabi ni miss Angel at tumango ako. Ngayon ko lang naisip na hanggang balikat lang pala ako ni Sam. 

Nandito na kami at naglibot libot. Bumili ako ng prutas at pizza. Wala gusto ko lang kumain talaga. Pumunta kaming sinehan para manood ng horror ni miss pero natatawa ako sa tuwing tumitili sila sa takot. Hindi naman talaga nakakatakot eh para silang clown sa paningin ko.

Natapos na kami magsine at pumunta sa isang bench kasi may tumawag kay Angel. Para itong nag aalala at tumitingin tingin pa sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga galaw nya.

"Angel okay ka lang ba?" Takang tanong ko at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa parking lot.

"Zey sorry p-pero si S-sam k-asi n-aa aksedente. Need natin syang puntahan sa location na to. Nandoon pa sila" sabi ni Angel at mabilis kaming pumasok sa kotse at magmaneho na sya.

Wala ako sa sarili ngayon ang tanging iniisip ko ay si Sam. May anak pa kaming di pa nasisilang tapos mawawala na sya. Di sya pwedeng mawala sa mundo taenang yan.

Umiiyak na ako kasi di ko alam ang gagawin. Nandito na kami at sobrang dilim ng paligid. Pumasok ako sa loob ng park pero wala namang tao. Ni hindi sumabay sakin si miss Angel, teka baka mali yung lugar na pinuntahan namin.

Umiiyak ako ng may biglang yumakap sa akin at biglang umilaw ang mga lights. Namangha ako sa sobrang ganda at tumingin sa yumayakap sa akin. Umiyak ako ng sobra dahil buhay si Sam at walang galos.

"Shh baby, im here." Patahan nya sa akin at tumango ako. Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at dumistansya.

"I dont know what to say right now. You look like an Angel....and... It's so heaven to be with you. I-i really love you" sabi nya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at gustong gusto ko syang halikan ngayon.

"I was very blessed because i met you, you're the girl that i want to grow old and have a family. You're the girl that i want to carry my child and my lastname. I want to be with you forever" sabi nya na parang naiiyak. Naiiyak na din ako sa mga sinasabi ko. Para akong nasa isang mundo na kami lang dalawa, na sobrang saya.

Biglang nag fireworks at lumuhod ito sa harap ko. Napatakip ako ng bunganga ng makita ko ang isang singsing na kumikinang. Pinipigilan kong maiyak ngayon sa sobrang saya.

"Will you marry me Mlezey Cortez?" Tanong nito sa akin habang nakaluhod ito. Tumango sa kanya at bumulong ng 'yes'.

Kinuha nya ang singsing at inilagay ito sa daliri ko. Niyakap sya at hinalikan.

"I love you so much, i love you, i love you" sabi ni Sam sa akin at ngumiti naman ako.

"I love you too so much Sam" sabi ko sa kanya at umiiyak na ito. Hay nako daig ba sakin eh. Natawa ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko.

Pumunta kami sa isang table at nakita ko sila lola,mga pinsan ko at si tita Vey. Nandoon rin ang parents ni Sam at si Sike tsaka katabi nila sila sir Kirby at miss Angel.

Nakipagbeso at nakipag congrats sila sa akin. Excited na sila sa kasalan.

At His Bed (My boss's Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon