two

614 10 0
                                    


Maaga akong nagising. Kailangan kong makahanap agad ng trabaho ngayon dahil kung hindi wala kaming kakainin. Nag luto muna ako bago ako nag ayos ng sarili at umalis.

This is it self,kaya mo to!!! Laban lang!!!

Pinakalma ko muna ang sarili ko at tiningnan kung okay lang ba ang mukha ko gamit ang cellphone ko.

Nakapila ako kanina pa. Sana matanggap ako sa trabahong to dahil kung hindi sayang ang paghihintay ko. Simula kanila ng umalis ako sa bahay hindi parin ako makahanap ng trabaho. Siguro malas lang ako ngayon.

Si kath kaya? Ang sabi niya sakin hahanap rin siya ng trabaho dahil pinayagan siya ni papa. Baka daw kasi hindi ako makahanap ngayun kaya mas mabuti raw na dalawa kaming mag hanap.

“ miss Ignacio!” agad akong tumayo ng maayos at ngumiti sa tumawag sakin. Yes! Ako na. 

“yes!?” sh*t tama ba ang sagot ko?ganito kasi ako pag may tumatawag sakin e.

Nakita ko yung nauna sakin na malungkot at parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura. Mukha siyang umiyak dahil mamasamasa ang kaniyang mata.

Tinitigan niya muna ako bago mag salita.“ikaw na ang sunod” a niya at ginaya na ako patungo sa opisina boss nila. Hindi ko pa boss dahil hindi pa naman ako natatanggap. Ang mismong nagmamay-ari daw kasi mismo ang mag i-interview kaya siguro nakakaramdam ako ng kaba.

Namawis narin ako dahil siguro sa kabang nararamdaman. Lord help me please.Lord please sana matanggap ako kung hindi ako matanggap dito ay baka wala na kaming makain.

Tudo pray ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang itim na pinto.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok roon. Isinara naman iyon ng babae na naghatid sakin dito. Gosh kinakabahan ako.

Tumingin na ako sa harapan kong saan ang nakaupo ang may ari ng kompanyang papasukan ko. Ngumiti at pa ako in advance dahil yun ang sabi ng kapatid ko. Hindi ako makapaniwalang sinusunod ko ang sabi niya sakin over the phone kanina.

ahmm hello po sir I'm--” pinutol niya ang pagpapakilala ko gamit ang kaniyang kamay. Tinuro niya ang sofa na malapit sa kaniya at nagsalita. “sit down”. Tumango nalang ako. Nanginginig na ang kamay ko kaya tinago ko iyon sa aking likuran nakakahiya naman kung makita niya iyon lalo nat nakatingin panaman siya sakin. Parang binabantayan niya lahat ng kilos ko. Hindi sa pagiging pilingira pero titig na titig kasi siya sakin e. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

Umupo ako doon at tinitigan siya. Ngayun ko lang napansin na halos magka-edad lang pala kami. Gwapo siya hindi ko yun itatanggi pero base sa expression niya mahahalata na masungit siya at masama ang ugali.

“ i only have one question for you miss Ignacio”. Agad akong nag seryoso at naghanda sa itatanung niya.

“are you willing to marry me for the sake of money?”  nanlaki ang mga mata ko sa tanung niya. Anu!?!?

“ sir? ”.

“ narinig mo naman ng malinaw hindi ba? Ayaw ko sa paulit ulit.”
Napatitig ako sakaniya dahil hindi ako makapaniwalang tinanung niya ako ng ganun. Seryoso ba siya or pinaglalaruan niya ako or is this a kind of a test? Lahat ba tinanung niya ng ganuon. Wala naman kasi sa itsura na ang ganun pero gosh anu ba naman ang gwapo't ang yaman niya kaya... kaya bakit niya ako tinanung ng kanun.

“sir seryoso kayo sa tanung niyo? Hindi kayo nag bibiro?”

“ do i look like joking miss Ignacio? And please answer my question coz  my time is running ”. Seryoso parin ang mukha niya habang sinasabi yun.

“ sir, I'm here coz  i want a proper and serio-”.

“ thats why I'm asking you if  are you willing to marry me. Its a job miss Ignacio dont think to much”.

Feeling ko napahiya ako sa lahat ng mga naisip ko kanina. Buti nalang hindi niya nababasa ang iniisip ko nakakahiya talaga. Pero hindi ko parin siya maintindihan.

“ huh?” napahilot siya sa kaniyang sentido alam kung nakakahiya pero gosh ayaw kung makasal.

“makinig ka ” mukha siyang naputulan ng pasinya dahil sa akin dahil sa biglaan niyang pananagalog. “kailangan ko ng babaeng kayang magkunwaring asawa ko even just a one year.”.

Magkunwaring asawa niya ng isang taon? Kaya ko ba yun? I mean pinag iisipan ko kung kaya ko dahil gusto ko ng trabaho.Isa pa mag gagabi na wala parin akong mahanap na trabaho baka wala kaming makain.

“ umalis kana kung--”. Siguro ay nainis siya dahil sa tagal kong sumagot kay nang magsalita siya ay agad ko siya pinutol.Wala na akong paki kung tama ba o mali tung gagawin ko pero wala akung choice ayaw kung tumawag ulit si papa sa kumpare niya para umutang. Ayaw ko nang ganun tsaka wala na kaming kakainin dahil walang bigas sa bahay na lulutuin ni kath.

“s-sure i mean s-sige,oo payag ako”. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Mali ba ang sagot ko? Diba tama naman dahil papayag na akong maikasal sa kaniya?

“ are you sure? ”.

Tumango ako sa kaniya. Sure ako  70%
“ yes sir”.

Umiwas siya ng tingin sakin at may pinindot. “ may nakita na ako. Yes,close it now”. Aniya bago tumingin sakin at umiwas ulit. Anung problema niya?

May inilapag siya sa harapan ko kaya napatingin ako roon.

Its a contract with a ballpen. Tumikhim ako at tumingin sa kaniya.

“sign that contract”.

Gosh its a marriage contract. Gagawin ko ba. Pipirma ba ako? Pero sabi oo diba?

Kinuha ko ang ballpen at sapilitang pinirmahan ayun. Gosh wala na akong kawala nito.

Agad kong nilapag ang ballpen at tumingin sa kaniya.“kailan ako mag sisimula sir?”.

Tumingin siya sakin at tumayo. Kinuha niya ang kaniyang itim na coat at namulsa sa harapan ko. Nakaupo parin ako kaya nakatingala ako sakaniya.

Tinitigan niya ako ng maigi bago umiwas ng tingin. “ ngayun na”.

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako ready tsaka mag papaalam pa ako sa kapatid at papa ko. “ ngayun na sir? Hindi pa ako ready sir e. Pwede bang bukas?”.

Bahala na. Kumunot ang kaniyang noo at at seryoso akung tinitigan.

“you will start now, miss ignacio”.  Aniya bago ako iniwan sa opisina niya. Lagot ako nito kailangan ko ng umuwi baka gumabi na pero panu? Magsisimula na ako ngayun. Bahala na si batman nito.

wife for hireWhere stories live. Discover now