Chapter 15

121 19 0
                                    

Hybrids
——————————————————————

With lonely eyes that Aldeheid stared at the sleeping man in the bed. She sniffled and carefully removed the curls in Callum's face.

Mapayapa lang itong natutulog sa kwartong pinagamit sa kanila ng Alpha. Matapos kasi nitong kumalma ay bigla nalang natumba at dumugo ang ilong. Rios immediately supported them even if she was hesitant for his help. Pero kaibigan ito ni Callum kaya sinubukan niyang magtiwala nalang para sa kalagayan ng binata.

"I'm so sorry, I should have been more careful..." bulong niya at napakurap na naman nang maramdaman ang pamamasa sa mga mata.

"Hey, you might not want to starve yourself."

Pumihit siya patungo sa pintuan na iniluwa si Rios. May dala itong tray sa isang kamay na punong-puno ng pagkain at ang isa naman ay mga gamit. Namangha si Aldeheid nang malagay niya ito ng walang pag-aalanganin.

"Gusto mo bang maligo? Jarriet voluntarily handed you these. Hindi niya alam kung kasya ba sa katawan mo pero mukhang hindi ka naman ganoon kaliit kagaya ng kinuwento ni Callum." kibitbalikat niyang sambit bago padarag na umupo sa pang-isahang upuan sa harap ng kama.

Napapangiwi ito habang minamasahe ang sariling braso. Napakagat labi naman si Aldeheid nang makonsensya siya sa naisip niya kanina.

"I'm really sorry for thinking bad about you...and thank you for helping Callum." nahihiyang sambit niya.

Rios shook his head unbothered, "Okay lang, hindi mo naman kasalanan na pinagkaitan ka ni Callum sa katotohanan. 'Yon nga lang, ako pa yung na stress sa inyo kanina."

She was confused ngunit idinaan niya nalang sa hagikhik nang humilata ito sa upuan. His bare feet were swaying on the armrest of the couch and his body crumpled, trying to fit himself in the small couch. Mukhang papatulog na rin ito kaya dahan-dahan na tumayo si Aldeheid upang ilagay sa harapan nito ang isang upuan na puwede niyang bitayan sa mga paa.

"Oy, salamat. Kunin mo nalang bayad sa Avrieda, sabihin mo lang Harley Rios at agad kang papasukin ng mga iyon." biro niya pa kahit na nilalamon na ng antok.

Aldeheid didn't bother responding him and just left the room quietly. Nagdesisyon siyang huwag doon maligo dahil baka madisturbo niya ang mga ito o di kaya ay makasagabal kung sakaling gusto nilang mag-cr.

Sa isang malaking hallway ay naabutan niya naman si Jarriet na may bitbit libro. She got concerned about Jarriet's pregnancy, baka kasi mapaano pa ang bata sa sinapupunan nito.

Mabilis na inakay niya ang sarili upang tulungan ito pero nagulat nalang siya ng pinihit ni Jarriet ang pinto sa gilid niya sa isang kamay habang buhat ng isa ang mga libro.

Napaawang labi siya sa nasaksihan. She could only flutter her eyelids after Jarriet noticed her.

"Alde! Nandito ka pala!" aniya atsaka dali-dali na pumasok sa kwarto at lumabas na wala nang dala.

"Hello..." naguguluhan niyang sambit.

"I was just about to visit Callum." sambit ni Jarriet at dinala na naman siya pabalik sa pintuang pinanglalabasan niya kanina.

Her brows immediately furrowed when she saw Harrison was already there. Ni hindi nga niya ito nakita kanina paglabas niya. Nakita niya rin si Rios na nakamulat na at tila may seryosong pinag-uusapan ang dalawa.

Mas lalo lamang naguluhan si Aldeheid sa mga nakikita. The more that she wanders her eyes, the more perplex she gets.

At halos pumutok na ang ulo niya nang makita niya ang sumunod na pumasok.

AldeheidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon