Chapter 24

90 16 0
                                    

War
——————————————————————

"One group from west has signaled warning. Yellow smoke." aniya ng alpha nila pagkapasok nila sa opisina nito. "Make sure to stay beside the target and do everything to save everyone from harm, including yourself." turo niya kay Romeo.

Tumango ito, "But never make the first move. As possible, let this problem be words and let peace ruin it."

Matapos nitong ipahayag ay agad na iginaya niya si Aldeheid pababa sa nag-iisang lumang hagdanan ng mansyon. Gawa ito sa makapal na kahoy at kahit paman napaglumaan ng panahon ay bakas sa itsura nito na minsan lang nagagamit. Pagkababa ay bumungad sa kanila ang dalawang pinto.

"The left one is where we escape." Romeo stated even without Aldeheid's inquiry.

Tikom bibig na tumango nalang si Aldeheid atsaka sumunod sa komander papasok sa isa pang pintuan. She was a little surprised upon seeing Jarriet and Miss Zaveri inside. Tila ba'y hinintay siya ng mga ito dahil parehong nakaupo paharap sa pinto.

Miss Zaveri only saluted her and went back to reading, her legs that were wrapped by red lace were crossed, while Jarriet ran to her for a hug.

"Woah, ang laki nga ng tinangkad mo." ani nito at pinagkompara silang dalawa.

Aldeheid only chuckled after the commander stepped in between them, obviously shooing Jarriet away. Napamusot nalang ito at iritang hinila ang buhok sa parteng tenga ng komander.

"Para kang tanga, ang oa. Bakit, ako ba ung uso, ha? Sumbong kita kay Harrison, eh." tampo ni Jarriet habang si Claudette sa likod niya ay napangiwi sa nasaksihan.

Romeo ushered Aldeheid to sit down and gave her all the couch pillows since he does not know how many will satisfy her. Basta binigay nalang niya lahat para walang beta ang magtampo kung sakali mang malaman nito.

Aldeheid awkwardly placed two pillows on her back, two on either side, and one heavy leather pillow on her lap. 'Hindi naman obvious na nahihirapan siya umupo.' ani Jarriet sa isipan niya.

Makalipas ang ilang minuto ang namukod tangi lamang ang katahimikan sa loob ng silid na iyon. Lahat ay parehong pinagmasdan ang paligid at sabay lilingon sa itaas ng kisame sa tuwing may pagsabog at mga hakbang ang maririnig.

Jarriet, with an almost dried throat, tried to ease their anxiety. "Uh—lahat naman siguro dito ay alam ang nangyayare, diba?" her face almost looks like the grinning face with sweat emoji, pero mabilis iyon naglaho nang makita ang walang emosyon na mga mukha nina Claudette at Romeo.

Napamura nalang siya sa isipan atsaka binalingan si Aldeheid na nahihirapan paring umupo hanggang ngayon. "I can hear how fast your heart beats but whatever happens, this will never be your fault." mahinahon niyang sambit habang isa-isang kinuha ang mga unan mula kay Aldeheid at pasimpleng binato kay Romeo.

"War..." she raised both arms, "This thing always happens here in Malcolm, and prolly somewhere in Fordice."

Jarriet reached out some cinnamon bread and an apple juice to offer them to her visitor. "Sa pagkakatanda ko nga, nakatatlong digmaan na simula noong ipinanganak ako, pang-apat ang ngayon. Pero hindi naman ganoon ka lala ung dalawang nauna, hindi kagaya ng ikatlo na halos bumaha na ng dugo ang Malcolm. Kaya isa lang ang hiling ko sa digmaang ito ngayon, na huwag sana maulit ang ikatlo."

AldeheidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon