Napabalikwas ng bangon si Margaret,hayun na naman ang panaginip na iyon.. bakit ba lagi na lang ganoon ang panaginip ko? Araw na araw ganoon ang laman ng panaginip ko! pagkausap niya sa kanyang sarili.
Tumingin muna siya sa orasan sa dingding ng kwarto.. 3:45 palang ng hapon mamaya pa ang pasok niya. Hindi pangkaraniwan ang klase ng trabaho niya sa gabi kasi ang pasok niya.
Isa siyang singer sa isang exclusive men's club kung saan puro mayayaman ang member nito. Kayamanan ng maituturing ang member ship ng men's club na kanyang pinagtatrabahuhan.
Isang kaibigan ang nagsama sa kanya sa club dahil kailangan daw ng singer at alam kasi na iyon ang talent niya. Noong una ayaw niya dahil narin sa hindi magandang reputasyon na pag alam ng ibang tao na sa ganung lugar nagtatrabaho ang isang babae. Saka may pagka conservative din ang kanyang pamilya pero isang araw siya na rin ang lumapit sa kanyang kaibigan para maipasok sa club na iyon.
Naalala pa niya ilang taon na rin ang nakalipas nasa 3rd year na siya sa college sa kursong hrm ng biglang ma stroke ang kanyang ama. Kailangan niyang huminto muna sa pag aaral, bilang panganay sa kanya nakaatang ang responsibilidad ng buong pamilya na dati ang ama ang gumaganap.
Ang sumunod sa kanya ang kapatid na si Christine nasa unang taon ng college ng mga panahon na iyon. At ang sumunod ay si Michael at bunsong kambal na sina Tac at Mac.
Simula nang mastroke ang ama napirmi na ito sa bahay. Hindi na rin kasi ito nakabalik sa construction firm na dating pinagtatrabahuhan, bilang project manager at hirap narin makahanap ng ibang trabaho.
Ang mommy naman niya walang alam na trabaho. Simula kasi na maging mag asawa sila ng kanyang ama, sa bahay lang ito at pamilya lang ang inaaaikaso nito.
Kung ano- anong trabaho ang pinasok niya. May tatlo siyang trabaho at nagpapaorder din siya ng iba't ibang pwedeng ibenta. Pero hindi pa rin sapat madalas kinakapos padin sila.
Gusto na nga din noon tumigil sa pag aaral ni Christine. Pero sabi niya gagawin niya lahat para wala lang mahinto sa pag aaral. Tama ng siya nalang ang ang tumigil muna sa pag aaral.
Minsan pinanghihinaan narin ng loob dahil sa sitwasyon nila. Kailangan niyang ipakita sa pamilya niya na ok lang siya. Ayaw niyang panghinaan din ng loob ang mga ito lalo na ang mommy niya na talagang dependent sa kanyang ama.
Kaya napilitan siyang tanggapin ang inaalok sa kanya na maging singer sa isang club. Nangako naman ang kaibigan na ang gagawin lang niya ay kumanta,at hindi siya pipiliting tumeybol sa mga customer.
Noong una tutol ang kanyang magulang lalo na ang kanyang ama. Nagalit pa ito sa gusto niyang mangyari pero napahinuhod narin niya sa bandang huli. Nangako na laging isasaisip ang pangaral nito at pagkanta lang ang gagawin niya.
Ang kinikita niya sa men's club ay hindi niya kinikita sa dati niyang mga trabaho. Sobrang saya niya dahil ang tip na natatanggap ay naiipon pa niya. Sa likod ng isip niya ipagpapatuloy niya ang pag aaral balang araw. Nasusuportahan niya ang pag-aaral ng mga kapatid, pangangailangan sa bahay at maintenance na gamot ng kanyang ama.
Ngunit isang dagok na naman ang dumating sa pamilya nila. Ang kapatid na si Christine nabuntis ng boyfriend at ang hinayupak na lalaki hindi na nagpakita pa ng malaman na nakabuntis ito. Sabi ng mga kaibigan umuwi ng probinsiya nila hindi naman masabi ng mga ito kung saan ang probinsya ng lalaki.
Bilang ate sobrang nanghihinayang man dahil isang taon na lang ay gagraduate na sana ang kapatid. Todo support parin si Margaret dito. Lalo na sa mga pangangailangan ng magiging baby niya.
Nang una syempre sobrang nagalit ang conservative nilang magulang. Akala nila aatakehin na naman ang kanilang ama buti napakalma ng kanilang ina.
Nang makapanganak si Christine nawala na ang galit ng mga magulang nila. Ang baby ni Christine ang naging source of joy ng pamilya kahit siya sobrang natutuwa. Kapag galing sa trabaho nilalaro niya muna ito bago matulog. Nakakawala ng pagod at isipin.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon
WerewolfSimple lang ang Buhay ni Margaret kapiling ang pamilya. Nang dahil sa pagtitig sa buwan,sa isang iglap nakarating siya ng ibang mundo. Dito niya makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng kanyang puso. Magawa nga niya kayang mahalin ito ng buo sa...