Sa wakas natapos na din ang digmaan na daang taon ding inabot. Ang mga lobong dating naninirahan sa mga pusod ng kagubatan at kabundukan ay muling bumalik sa kanilang orihinal na tirahan at tahimik ng namumuhay. Nakipagkasundo sila sa bagong hari ng Arectia na hindi na muling maghahasik ng lagim sa kapatagan at sa mga mamamayan nito.Ang mga tao naman ay muli na ring nagbalik sa kani-kanilang tahanan at namuhay ng mapayapa. Wala na silang katatakutang halimaw na gumagala at namiminsala ng buhay.
Sa pakikipag-ugnayan ni Margaret sa pamamagitan ng orasyon sa tagapangalaga ng Arectia. Hiniling niya dito na putulin niya ang sumpang ginawad nito sa dating hari na ang sanggol na magmumula sa lahi nila ay magiging taong lobo. Putulin na rin sa mga lobo ang pagiging halimaw tuwing kabilugan ng buwan. Kung saan naghahasik ng takot sa mga tao. Tinupad ng tagapangalaga ang lahat ng kanyang hiniling.
Pinapanuod ni Margaret ang pagbagsak ng tubig mula sa taas ng bundok papunta sa mabatong ibaba ng talon. Naalala niyang dito siya niligtas ni Haru at dito din niya natuklasan na ito ang puting lobong nagligtas sa kanya sa kagubatan noon. Nang una siyang mapunta sa mundong ito. Matagal tagal narin ng huli niynang makita ang binata.Sinabi ng mag-asawang Tibo at Isyang na maaring abala lamang ito sa ngayon dahil ito na ang bagong hari ng Arectia. Ngunit hindi kumbinsido si Margaret. Naisip niya na baka nakalimutan na siya nito ng tuluyan. Baka makabalik na siya sa kanilang mundo na hindi man lang sila nagkakausap na dalawa.
Mula sa likod may yumakap sa kanya. Napapitlag siya at akmang tatanggalin ang kamay na parang bakal na nakayakap sa kanya nang matigilan ng mapagsino ito.
" Sana ako ang laman ng isip mo sa mga sandaling ito. Dahil walang oras at sandali na hindi kita naiisip."
"Kamahalan...". Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Margaret.. napakainit ng pagkakayakap nito sa kanya para siyang nananaginip sa mga katagang sinabi nito.
Kumawala siya sa pagkakayakap dito. Gusto niyang makatiyak na hindi lang panaginip ito. Humarap siya dito tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha nito. Bumagay dito ang kasuotan nito na para na talaga siyang hari sa kanyang paningin.Lalo siyang naging alangan dito ngayon lalo na ito na ang hari ng Arectia ngayon."Mas gusto kong tinatawag mo lang ako sa aking pangalan. Kahit ako na ang bagong hari ng Arectia. Ako pa rin ito ang Haru na kilala mo."May ngiti sa labing turan nito habang nakatitig sa mukha mo.
" Naku kakahiya na kamahalan,hindi na tama na Haru lang ang itawag ko sa inyo baka hindi magustuhan ng makakarinig."
"Kung ganoon inuutusan kita sa pangalan mo lang ako tawagin."
Napatingin naman si Margaret sa mga mata nito. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito maging ang mga mata ibang kislap ang makikita dito. Napangiti narin si Margaret at tumango bilang pag sang ayon.
"Anu nga pala ang ginagawa mo dito ?" Muling tinuon ng dalaga ang paningin sa tubig na bumabagsak sa batuhan.
"Gusto kitang makita at nangako ako na may sasabihin sa pagbabalik ko. "Seryusong sagot ng kamahalan.
Napatingin naman muli dito ang dalaga. Nakatingin din pala ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay saka dinala sa mga labi upang bigyan ng halik. May kung ano namang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ni Margaret sa ginawi nito"Gusto kong hingin ang puso mo at maging aking reyna." Banayad na pagkakasabi nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.
Umiwas ng tingin ang dalaga dito. Hindi parin makapaniwala na isang tulad nito ay magkakagusto sa isang katulad niya.
"Hindi ba parehas ang ating nararamdaman..akala ko'y____". May lungkot na nahihimigan si Margaret dito.
"Mahal kita kaya lang mula tayo sa magkaibang mundo!" Natutop nalang ni Margaret ang sariling bibig sa biglang naibulalas niya sa harap nito.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon
WerewolfSimple lang ang Buhay ni Margaret kapiling ang pamilya. Nang dahil sa pagtitig sa buwan,sa isang iglap nakarating siya ng ibang mundo. Dito niya makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng kanyang puso. Magawa nga niya kayang mahalin ito ng buo sa...