Nang muling bumaba ang binata ay wala na ang mga kasamahan nito. Ang mag asawa naman ay nakita niyang nasa kusina na't meron kung anong ginagawa. Tanging ang kanyang gurong si ginoong Markis ang naiwan sa sala ng bahay. Waring sadyang hinihintay siya. Nakatingin ito sa kanya saka tumayo at lumabas ng pinto. Sumunod naman siya dito batid niyang gusto siya nitong kausapin ng sarilinan.Naabutan niya ang kanyang guro na nakatingin sa kalangitan.
"Mahiwaga talaga ang mundo. Ang dating hula ngayon ay nagkatotoo na't kasama pa natin ngayon." Sabi nito ng hindi lumilingon sa kanya.
Nang hindi umiimik si Haru muling nagpatuloy ang ginoo.
"Naalala ko noong una mong marinig sakin ang tungkol sa sinasabi nilang itinakda. Sinabi mong kahit gaano pa katagal hihintayin mo ang kanyang pagdating. Dahil nais mo sa kanyang ihandog ang puso at buhay mo. Akala ko noon salita lang iyon ng isang bata kaya hindi ko pinaniniwalaan. At isa pa hindi mo na rin ito ulit binanggit pa."
Humarap ito sa kanya at mataman siyang pinagmasdan.
"Isang anak na ang turing ko sayo na kahit kailan hindi ako nagkaroon. Katulad ng isang ama na ayaw makita ang anak na nasusugatan,nasasaktan at mabigo."
"Anu ang iyong nais ipahiwatig?".
"Nais ko lang ipabatid sa'yo hindi sa mundong ito nagmula ang itinakda. Pagkatapos ng tungkulin niya dito siya'y magbabalik na sa kanilang mundo."
Napatiim bagang na lang si Haru sa narinig.
Natanghali ng gising si Margaret. Nang tingnan niya ang cellphone niya alas diyes na ng umaga. Buti na lang full charge ang kanyang cellphone at nagagamit niya kahit sa pagtingin lang ng oras.
Bumaba siya saka dumiretso ng kusina. Binati niya si aling Isyang at humingi ng dispensa dahil natanghali siya ng gising. Ngumiti lamang ito saka sinabing mabuti at nakapahinga siya. Gumala ang paningin niya hinahanap niya ang iba pa.
"Wala sila rito,pumunta sila sa kabilang nayon upang tumulong sa mga mamamayan dun. Nilusob kasi ng mga itim na lobo ang kabilang nayon." Bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala.
Bumangon naman ang pag-aalala ni Margaret para kay haru.
Sana naman ok silang lahat!"Lagi po bang umaatake ang mga itim na lobo?"tanong ni Margaret.
"Dati tuwing kabilugan lang sila lumulusob sa mga nayon. Ginagawang pagkain ng mga lobong halimaw ang mga taong nahuhuli nila. Ang mga kababaihan naman ay kanilang dinadala para lagyan ng kanilang binhi para dumami ang kanilang lahi. Walang nakakaalam kung bakit sila sumalakay kagabi samantalang hindi naman kabilugan ng buwan."
Labis man ang sindak na nararamdaman ni Margaret. Mas pinili niyang maging matatag at wag panghinaan ng loob sa mga nalalaman.
Hapon na ng dumating sina Haru at mga kasama nito. Nakaanyong tao na sila ng pumasok sa loob ng bahay. Napansin agad niyang may kasama ang mga ito na naka talukbong ng telang puti kaya hindi niya makita ang mukha.
Nagtama ang mga mata nila ni Haru. Hindi niya mabasa kung anu ang nagbabadya sa mukha nito. Agad siyang umiwas ng tingin. Umupo siya sa isang sulok, ramdam parin niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mailang sa presensya nito. Gusto niya rin kasi malaman kung ano ang nangyari sa pagpunta ng mga ito sa kabilang nayon.
Si ginoong Markis ang nagsalaysay sa naging pagpunta nila doon. Ayon dito wala na silang nadatnan doon ng siyasatin nila ang buong nayon. Kundi nagkalat na mga dugo na lamang. Sinunog din ng mga ito ang tirahan ng mga taong nakatira doon.
Nang paalis na sana sila nakarinig sila ng humihingi ng tulong kung saan. Nang hanapin nila ang boses na naririnig nakita nila ang isang babae na nasa ilalim ng balon. Bukod tanging siya lang ang nakaligtas ayon sa babae. Doon siya pinapagtago ng kanyang magulang. Naisipan daw nilang isama ang babae sa pag uwi dito.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon
WerewolfSimple lang ang Buhay ni Margaret kapiling ang pamilya. Nang dahil sa pagtitig sa buwan,sa isang iglap nakarating siya ng ibang mundo. Dito niya makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng kanyang puso. Magawa nga niya kayang mahalin ito ng buo sa...