Chapter 4

1 1 2
                                    

      Bago lumabas ng silid nagbilin muna si aling Isyang na magpahinga muna at tatawagin nalang para sa tanghalian.

Paglabas ng silid nabungaran niyang naghihintay si Haru sa labas ng pinto. Tumango lang ang matandang babae saka ito nagpatiuna ng maglakad.  Sumunod naman ang lalaki dito.

"Mabuti iyong nakumbinsi ang ating panauhin." Saad nito habang nakasunod sa matandang babae.

Lumingon dito si aling Isyang bago sumagot.

" Siya ang itinakda. Hindi niya maaring takasan ang nakatadhana sa kaniya. Isa pa maaring pagkatapos ng kanyang tungkulin dito sa Arectia kusa na siyang magbabalik sa kanyang sariling mundo. " Mahabang sagot nito.

Hindi na ito sumagot pa.

  Samantalang sa silid na inuukupa ni Margaret hindi pa rin mawala ang mga alalahanin niya. Iniisip din kung tama ang pumayag siyang maging ang itinakda. Ang kagustuhang makauwi na sa kanila kaya agad siyang pumayag.

Kinuha na lang niya ang cellphone sa bag.Tiningnan na lang niya ang pictures nilang mag anak. Iyon ang huling kuha ng larawan na magkakasama sila. Napa buntong hininga na lang siya. Naisip niya wala rin naman siyang choice. Habang nandito siya maghahanap na lang siya ng pwedeng gawin. Naisip niyang bigla si Haru. Ano  kayang magiging papel niya sa buhay ko? Naitanung nalang ni Margaret sa sarili.

Naisip niyang mamasyal para malibang naman siya. Lumabas siya ng silid saka hinanap ang mag asawa, natagpuan niya ang mga ito sa kusina ng bahay.

Nagulat pa ang mga ito ng magpaalam siyang mamamasyal. May pag aalinlangan sa mga mukha ng mga ito kung papayagan ba siya. Ngunit hindi pa nakakahuma ang dalawang matanda ay nakalabas na siya ng bahay. Ang akmang pagpigil sa kaniya ni aling Isyang ay napigil sa ere. 

  Samantala malayo layo na rin ang nalalakad ni Margaret. Pinagsawa niya ang kanyang paningin sa mga magagandang tanawin. Lahat luntian ang natatanaw ng kanyang mga mata. Masarap din ang hanging nalalanghap, sino mag aakala na may lagim na nagaganap sa bayang ito?

Habang patuloy sa paglalakad lakad ay may  narinig siyang lagaslas ng tubig. Sinundan niya ang naririnig  papasok sa kagubatan,dala ng kuryosidad hindi na niya naalintana ang panganib na pwedeng dumating sa kanya.

WOW!  Hindi napigilan ng dalaga ang mamangha sa kanyang nakikita. Isang water falls at napakalinaw ng tubig para itong buhay na larawan! Naisip niyang babalik siya dito  sa ibang araw para maligo.

Grrrr.....

Pinanginigan ng tuhod si Margaret sa kanyang narinig na angil sa kanyang likuran.Biglang bilis din ng sasal ng dibdib niya,dahan dahan ang ginawang paglingon sa nilalang sa  likod niya.

Labis ang kanyang takot. Heto na naman.. naiusal sa sarili naalala ang nangyari sa gubat.

Nakita niyang unti-unting humahakbang ang lobo palapit sa kanya,para naman siyang naistatwa sa kinatatayuan niya. Nahagip ng mga mata niya ang isang malaking bato sa tabi ng kanang paa niya. Agad niya itong dinampot saka binato sa lobong nasa harap niya. Ngunit napakabilis nitong  nailagan  ang batong hinagis niya. Mukhang lalong kinagalit nito ang ginawa niya nakita niyang tumalon ito papunta sa kanya. Isang impit na tili ang lumabas sa bibig niya  habang nakapikit na lang.

Ngunit ang pangyayaring pagdaluhong sa kanya ng lobo ay hindi nangyari. May isa pang lobo ang dumating.

Ang puting lobo ay sinakmal ito sa leeg at hinagis sa malayo. Impit na napadaing ang lobong gustong umatake sa kaniya, bahag ang buntot na kumaripas ito ng takbo palayo.

Hindi na naman ito tinangkang habulin ng puting lobong sumagip sa kanyang sa ikalawang pagkakataon.

Sa likod ng isipan ng dalaga nakakatiyak siyang ito ang  lobong nagligtas sa kaniya nuon sa kagubatan hindi siya maaring magkamali. Para siyang itinulos sa kinatatayuan habang nakatitig lang sa mabalahibong nasa harapan niya.

Lover's Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon