Chapter 9

1 1 2
                                    

AHHHHH!!!!

Pakiramdam ni Margaret walang katapusan ang pagbulusok niya paibaba.

Nang sa wakas tumigil siya sa pag bulusok.  Parang may mali sa paraan pagbagsak niya para siyang nakalutang sa hangin ng patiwarik!

Napagtanto niya nasabit  sa sanga ng puno ang suot niyang jumper kaya nakatiwarik siya ngayon!
Pilit siyang kumakawala,narinig niyang lumalangitngit ang sanga sa ginagawa niyang paglilikot. Kinakabahan naman siyang baka biglang mabali ang sanga at mapasama ang bagsak niya sa lupa.  May kataasan pa naman ang babagsakan niya kung sakali.

Luminga linga siya sa paligid, nagbabakasakali na may makita siya ng  taong pwedeng tumulong sa kanya. Sa kasamaang palad ay puro puno lang ang nakikita niya.

Paano kung nasa gitna na naman ako Ng. Kagubatan tulad ng una kong dumating dito!!

"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Margaret.b? Baka sakaling may makarinig sa kanya.n
Ngunit ilang sandali pang lumipas wala pa rin nakakarinig sa kanya. Baka  nga nasa gitna siya ng kagubatan. Naisip niya paano  kung mga itim na lobo ang ang makarinig sa kanya lalo siyang mapahamak. Minabuti na lang niya manahimik. Tiningnan niya ang sanga at tinantiya ang babagsakan.

Samantala natigil naman sa ginagawang pagsasampay si aling Isyang. Tumingin sa dako ng kagubatan.

"Parang narinig ko ang tinig ng itinakda."

Huminto naman sa ginagawa si mang Tibo at tumingin sa asawa na may pagtataka sa mga mata nito.

"Wala akong naulinigang anu pa man. Baka iyong guni-guni lamang." Sagot nito sa asawa.

Hindi na muling tumugon sa asawa si aling Isyang.

Mula sa loob ng bahay lumabas si Haru na puno ng binalot na tela ang katawan. Halos mamilipit sa sakit habang naglalakad palapit sa mag asawa.

Nagulat naman ang mag-asawa ng makita siyang lumabas ng bahay. Iniwan kasi nila itong natutulog sa higaan kanina.

"Kamahalan,bakit kayo bumangon?" . Agad dinaluhan ni mang Tibo ang binata. Si aling Isyang naman nakamata lang . Hindi malaman ang gagawin.

"Narinig ko ang boses ni Margaret. Nandito na siyang muli." Sabi ni Haru kahit hirap sa pagsasalita at kinakapos sa paghinga.

Napatingin naman si Mang Tibo sa asawa na nakangiti. Parang bang sinasabi nito na tama ito.

"Para nga pong naulinigan ko ang boses ng itinakda,parang nanggaling sa gubat.

Lumingon naman sa kanya ang binata. Walang ano-ano humakbang ito papunta sa direksyon ng gubat. Humabol naman ang mag asawa dito.

"Ako nalang kamahalan ang paparoonbaka kung mapaano pa kayo." Pigil dito ni mang Tibo.

Pero tiningnan lang sya nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man lang  ininda ang sakit na nararamdaman ng katawan.

Walang nagawa ang mag asawa kundi sumunod na lamang sa kanilang kamahalan.

Samantala kahit hirap pinipilit ni Margaret mag-isip ng paraan kung paano siya makakaalis sa pagkakasabit sa puno. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niya.  Sasabit nalang nga nakatiwarik pa talaga.

Narinig niya ang pag langitngit ng  sanga ng puno kung saan siya nakasabit.

Hanggang sa hindi na nga  kinaya ng sanga ang bigat niya. Isang impit na tili ang lumabas sa bibig ng dalaga!

Ang inaasahang pag lagapak sa lupa ay hindi nangyari. May mga brasong sumalo sa kanya nang  tingnan niya kung sino.

Haru..bulong ng isip niya. Para siyang namamalikmata sa pagkakakatitig dito. Pakiramdam niya napakatagal ng panahon ng huli niya itong makita.  Hindi niya mabawi ang pagkakatitig dito. Maging ito man ibat-ibang emosyon ang nababasa niya sa mukha nito.

Lover's Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon