Mabigat ang mga hakbang ni Margaret ng pumasok sa gate ng kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang ina na naghahanda sa kusina ng almusal. Agad ang pagkamiss na nararamdaman niya para dito. Niyakap niya ito ng makalapit siya. Nagtataka naman ang kanyang ina sa inasal niya. Gumanti din ito ng yakap sa anak. Naisip nitong marahil ay naglalambing lang siya."Mukhang inabot kana ng liwanag sa pag uwi iha."
"May aksidente po kaming nadaanan. Nakatulog na nga po ako sa sasakyan eh."
"Ganun ba,magbihis ka na at sandali na lang ito. Pwede ka na mag breakfast bago ka ulit matulog."
"Busog pa po ako mommy. Itutuloy ko na lang po ang naudlot kong tulog kanina." hindi naman talaga siya inaantok. Gusto lang niya muna mag muni-muni at sumahin sa isip kung anu ba talaga ang naganap sa kanya. Nararamdaman niyang hindi lang basta panaginip ang nangyari sa kanya.
"O sige,pero kung magutom ka ipagtatabi kita ng pagkain huh."
Tumango siya saka akmang tatalikod na sana ng tawagin siya ng ina.
May pagtataka itong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Saan ka ba nagsuot na bata ka at ang putik ng high heels mo. Ang daming nakadikit na mga dahon diyan sa laylayan ng damit mo? Saka yang buhok mo parang isang linggong hindi na shampoo. At para kang sinabunutan ng sampung bakla?" mahabng lintanya ng kanyang ina. Namilog naman ang mga mata ni Margaret sa narinig. Agad tumingin sa sarili tama ang kanyang mommy. Ang putik ng high heels niya at madumi ang kanyang damit. Marahil nakuha niya ito noong tumatakbo sila sa gubat. Hinanap niya ang salamin na nakasabit sa may kusina nila saka nanalamin. Nakita niya ang buhok halos nakatayo na at ng hawakan niya ito parang alambre sa tigas. Dahil siguro ng nasa Arectia siya walang shampoo doon kaya ilang araw din naliligo siyang walang shampoo.
"Kung ganoon hindi talaga panaginip ang lahat. Tapos na kaya ang misyon ko? Pero hindi pa naman nababawi ni Haru ang tronong para sana sa kanya!
Muli siyang tumingin sa ina.May pagtataka pa rin sa mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.
"Baka po nakuha ko ito nung bumaba ako ng sasakyan. Nainip kasi ako sa loob ng kotse. Kaya naisipan ko lumabas at maglakad-lakad habang hinihintay na maayos iyong aksidente." Paliwanag niya sa ina.
Pero parang hindi kumbinsido ang ina sa paliwanag ng dalaga. Nagdududa na nakatingin ito sa kanya.
"Naglakad lakad sa gitna ng highway.Saan ba banda ang nangyaring aksidente?"
"Hindi ko po masyadong matandaan mom madilim pa po kasi kanina." Umakto siyang naghihikab para hindi na mangulit ang mommy niya.
Tumango tango na lamang ito at sinabihan siyang magpahinga na. Agad na siyang tumalikod saka pumasok sa kanyang kwarto. Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin.
Sigurado siyang hindi lang yun basta panaginip. Naisip niya si Haru at ang iba pa. Alam niyang hindi pa tapos ang kanyang misyon. Pero bakit ako nandito nang muli sa mundo namin?
Isang linggo na ang lumipas simula ng makabalik si Margaret sa kanilang mundo. Ngunit ang katawan niya lang nakabalik pero ang puso't isipan niya ay naiwan sa Arectia.
Lagi siyang matamlay madalas nakatulala kahit sa trabaho. Tuwing tinatanung siya ng kaibigan kung may problema ba siya. Lagi niyang sagot wala o di kaya pagod lang. Hindi naman kasi ito maniniwala kung sasabihin niya. Hinayaan na lang muna siya kung anuman ang kanyang pingdadaanan. Madalas din siyang magpa umaga na sa pag uwi. Umaasang muling makikita ang matandang pinagbilhan niya ng balot baka masagot nito ang misteryong nangyari sa kanya. Ngunit tuwina ay lagi siyang bigo,hindi na niya nakita pa ang matandang babae.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon
WerewolfSimple lang ang Buhay ni Margaret kapiling ang pamilya. Nang dahil sa pagtitig sa buwan,sa isang iglap nakarating siya ng ibang mundo. Dito niya makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng kanyang puso. Magawa nga niya kayang mahalin ito ng buo sa...