Chapter 11

1 1 5
                                    


"Maraming Salamat sa:yo binibining Margaret. Utang ko sa'yo ang aking pangalawang buhay." May sinseridad na turan nito.

"Wala po iyon Ginoong Markis. Tungkulin ko na rin pong pangalagaan kayo at ang mga mamamayan ng Arectia. " Sagot naman niya.
Muling nagtama ang mga mata nila ng binata.muli una siyang nag iwas ng tingin.

Kinabukasan,habang naglalakad- lakad sa paligid si Margaret. Bigla nalang sumulpot si Haru sa tabi niya at sumabay sa paglalakad niya. Hindi naman siya nagpahalata sa nararamdaman kilig.

"Akala ko nqgsasanay na kayo.."bahagya niya itong nilingon.

"Tapos na ang aming pagsasanay. Plano namin na salakayin ang palasyo."Huminto sila sa paglalakad at nagawi sa ilalim ng isang mayabong na puno.

"Alam kong para sa kabutihan ng lahat ang anumang plano niyo."

"Kailangan na naming kumilos para matigil na paghahasik ng kasamaan ng aking kapatid. Ito na ang panahon para bawiin sa kanya ang kaharian. Alam namin magwawagi kami dahil nasa panig ka nmin. Nangangahulugang nasa panig din namin ang tagapangalaga ng Arectia."

Tumingin si Margaret dito ngunit nakatanaw ito sa malayo. May kirot sa damdamin sa kaalaman na iyon lang pala ang papel niya dito.

"Alam kong magwawagi kayo kamahalan."Parang may bikig sa lalamunan sabi niya. Akma na sana siyang aalis ng muli itong magsalita.

"May nais sana akong sabihin. Makapaghihintay kaba hangga't matapos ang laban ko sa aking kapatid? ".

"Oo naman." Sagot ng dalaga.

Sa sunod na mga araw hindi gaanung nakikita ni Margaret ang binata. Sabi ni aling Isyang naghahanda ang mga ito sa gagawing pagsalakay sa palasyo ng hari.Nalaman din niya na may mga kaanib ang hari na sumapi sa knila. Maging ang mga lobong itim ang ilan sa kanila muling nagbalik loob at nangakong tutulungan ang kanilang kamahalan. Upang mabawi ang kaharian at manumbalik ang dating katahimikan ng Arectia. Kaya lalong lumakas ang kanilang pwersa at siya bilang itinakda idudulog niya sa tagapangalaga na ligtas na makabalik ang lahat. Lalo na si haru at maging matagumpay ang kanilang laban sa napipintong digmaan.

Dumating na ang sandaling pinakahihintay ng lahat. Ang lahat ay handa na sa gagawing paglusob sa palasyo ng hari.

      Bago lumisan ang hukbo ng kamahalan para sa gagawing paglusob sa palasyo muling nakipag- ugnayan si Margaret sa tagapangalaga. Hiniling niya ang tagumpay ni Haru at mga kasama nito. At bago nga ang gagawing pakikipagdigma isang pulang liwanag na nanggagaling sa dalaga ang bumalot sa hukbo  parang itong nagsilbing balute ng lahat. Lalong nagkaron ng kumpiyansa at tapang ang lahat sa gagawing pakikipaglaban.

    Napapaligiran na ng hukbo ang buong palasyo. Isang hudyat mula sa kanilang kamahalan na lamang ang hinihintay. Mula sa pinagtataguan nakita ni Haru na dalawang kawal lamang ang nakabantay sa tarangkahan ng palasyo. Dalawang palaso ang kanyang hinanda, inasinta niya ang isang kawal.. sapul ito sa dibdib. Bago pa makahuma ang isa pang kawal isang palasong muli ang pinakawalan ng kamahalan.. sapul ulit sa puso.

Sumenyas ang kamahalan ng paglusob. Ang hukbo ni Ginoong Markis ang unang pumasok sa loob ng tarangkahan. Maririnig ang sigawan galing sa magkabilang panig.

Ang mga taong lobo sa pangunguna ni Haru ay nagpalit anyo at sabay-sabay  mga umalulong bago sumama sa pakikipaglaban.

"Haru hanapin mo ang hari!" Sa gitna ng laban ay isinigaw ni Ginoong Markis. Agad naman  tumalima ang binata.

Samantala sa isang silid magkasama ang hari at ang inang Reyna.

"Mga lapastangan!! Paano  nila nagawang lumusob dito! Hindi ako papayag na makuha nila ang palasyo!"Pagtutungayaw n g inang reyna. Nakadungaw ito sa terasa kung saan kita ang kaganapan sa ibaba ng palasyo.

Lover's Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon