Sa isang piyestahang bayan dumalo ang mag-ina. Nais ng babae na ipasyal at makabawi man lang sa anak. Lagi nalang kasi silang nasa kabundukan at malayo sa mga tao.
Tuwang-tuwa naman ang kanyang anak sa palabas sa plaza sandali siyang nagpaalam dito para bumili ng makakain. Nagbilin siyang wag aalis sa inuupuan at tumango naman ang anak.
Natagalan sa pagbili ng makakain ang babae dahil sa haba ng pila nang sa pagbalik niya sa pwesto nila wala na ang anak. May kabang biglang bumundol sa dibdib nito.
Nang iwanan siya ng ina para bumili ng makakain may nahagip siyang isang taong ewan ba niya may kung anong damdamin ang pumukaw sa kanya. Naisip niyang sundan ito at nakarating siya sa isang eskinita na walang tao.Nang biglang kung saan may mga itim na lobong umatake dito. Hindi nakahuma ang lalaki sa pag atake dito kaya nasugatan ito sa balikat. Mula sa pinagkukublihan kita niya ang iniindang sugat nito. Pinaikutan narin ito ng tatlong lobo,sa nakita hindi na siya nagdalawang isip na tulungan ang lalaki. Nagpalit anyo siya bilang lobo at umalulong ng malakas bago sinagupa ang tatlong itim na lobo. Nagulat ang mga ito sa biglang pagsulpot niya at isa-isa niyang kinagat ang mga ito. walang magawa ang mga ito kundi tumakbo upang tumakas. Ang isang lobo lumingon muna sa kanya bago nawala sa paningin niya.
Labis naman nagitla ang lalaki sa nasaksihan. Hindi ito kumikilos sa kinatatayuan nito dahil nagulat din ito sa biglaang pagsulpot niya.
Hindi pa niya gaanung nakokontrol ang kakayahan niyang magpapalit palit ng anyo.
Sa harapan mismo ng lalaki nagpalit siyang bilang tao.
"Isa kang taong lobo.." manghang bulalas ng lalaki sa nasaksihan.
"Haru." Mula sa malayo narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina agad na siyang tumalikod sa lalaki at sinalubong Ang Lee kanyang ina.
Hahabol sana ang lalaki ngunit napatigil sa kirot na dulot ng sugat.
Mula sa malayo natanaw pa niya ang mga itong naglalakad palayo.Sino kaya ang batang iyon? naalala ang pangalang sinigaw ng babae na marahil ang ina nito.
Samantalang hindi na ikinuwento ni Haru sa ina ang nangyari ayaw niyang mag-alala pa ito. Nag dahilan nalang siyang nainip sa paghihintay dito kaya naisipan niyang hanapin ito. Naniwala naman ang kanyang ina, sa likod ng isipan niya hindi maalis ang mukha ng lalaki. Magaan ang pakiramdam niya dito. Kaya niya sinundan ito kanina dahil naramdaman niyang may panganib na nakaabang dito.
Samantalang ang lalaking tinulungan ni Haru ay kasalukuyang kausap ng hari sa isang lihim na silid.
Iniulat niya ang pangyayari dito, ito man ay labis na nagulat sa kanyang salaysay.
"Pero sinu ang batang iyon?kilala natin kung sinong mga taong lobo saming angkan."
" Nakatitiyak ako mahal na hari sa iyong angkan galing ang batang iyon" Sabi ng matapat na alagad at kaibigang matalik ng hari
Naging palaisipan sa mahal na hari ang naging ulat ng matapat na alagad. Nag utos siya ditong alamin ang pagkakakilanlan ng batang iyon sa lalong madaling panahon ngunit dapat maging lihim ang lahat. Sa kasalukuyan ito lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan dahil sa tagal na nilang magkaibigan at isa pa parang kapatid na ang turing niya dito.
Samantala sa pagsisiyasat para malaman kung sino ba ang batang lobong tumulong sa lalaki sa kanyang pagtatanong nalaman niya kung saan nakatira ang mag-ina. Ayon sa kanyang napag tanungan madalang bumaba sa bayan ang mag-ina madalas pa nga ang babae lang ang bumababa para bumili ng kanilang kakailanganin marahil.
Mahaba-habang oras din ang kanyang nilakbay gamit ang kanyang kabayo bago makarating sa isang kagubatan sa gitna ng bundok. May nakita siyang bahay na nakatayo malapit sa isang talon.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon
WerewolfSimple lang ang Buhay ni Margaret kapiling ang pamilya. Nang dahil sa pagtitig sa buwan,sa isang iglap nakarating siya ng ibang mundo. Dito niya makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng kanyang puso. Magawa nga niya kayang mahalin ito ng buo sa...