Chapter 6

3 1 2
                                    


            Sa pagbabalik ni Haru sa palasyo wala na ang kanyang ina nalaman niyang umalis ito dahil sa malubhang karamdaman. Sinamahan siya ng kanyang guro na si ginoong Markis sa lugar na pinagdalhan sa kanyang ina ngunit tanging himlayan nalang ang kanyang naabutan. Sabi ng isang babaeng na tanging naging kasama nito sa mga huling sandali ng buhay nito. May isang buwan ng namayapa ang kanyang ina,sa mga huling sandali ng buhay nito pangalan niya ang laging binabanggit. May iniwang sulat para sa kanya ang namayapang ina.

Sa harap ng puntod ng ina nagbagong anyo siya ganap na siyang taong lobo. Kumikinang ang puting balahibo niya sa pagtama ng sikat ng araw at ilang alulong ang kanyang ginawa tanda ng pagluluksa sa pagkawala ng pinakamamahal na ina.

Malapit na ang ika dalawampung kaarawan ni Haru at kasalukuyan itong nasa malayong lugar para sa huling pagsasanay nito kasama ang ilang pinsan na taong lobo din. Sa kanyang kaarawan gagawin ang paghirang sa kanya bilang hari at pagluklok sa trono.

Habang naglalakbay sina Haru at ng ilang kasama pabalik ng palasyo. Walang kaalam alam sa kasalukuyang nangyayari sa kaharian.

Nilusob ng mga lobong hayok sa laman ang palasyo at walang nagawa ang mga kawal upang protektahan ang buong kaharian. Masyadong marami ang mga kalaban idagdag pang kabilugan ng buwan kaya mas malakas ang kapangyarihan ng mga lobong sumasalakay. Nagkalat ang mga bangkay kung saan-saan. Hinuli ang mga kadalagahan saka ikinulong at ang mga walang silbi naging pagkain ng mga halimaw na lobo.Buong konseho pingpapaslang walang itinira sampu ng mga pamilya ng mga ito. Kalunos lunos ang naging kaganapan habang sa isang sulok ng palasyo nagbubunyi ang reyna at anak nito. Tanging ang hari lamang ang pansamantalang itinirang buhay dahil nais makita ng mag-ina kung paano nila papaslangin sa harap mismo ni Haru ang amang hari nila. Sugatan din ang hari sa pakikipaglaban. Bumalik narin sa pagiging tao ito dahil sa marahil sa mga nawalang lakas at malalim na sugat na tinamo.

Nasa gitna sila ng bulwagan malapit sa tarangkahan ng palasyo at hinihintay ang pagdating ng grupo ni Haru.

Malapit na sila Haru sa palasyo ng binilisan niya ang pagpapatakbo sa kanyang kabayo. May iba siyang nalalanghap sa hangin. Ramdam niyang may hindi magandang kaganapan.

Sa tarangkahan palang umaagos na ang dugo galing sa mga namatay. Amoy niya ang malansa at nakakasulasok na amoy. Nang tuluyan silang makapasok tumambad sa kanila ang nakakakilabot na tanawin. Ang mga kasamahan ni Haru na mga taong lobo nagpalit anyo at sabay -sabay umaalulong. Pinipigilan niyang huwag mag palit anyo maging si Markis na kanyang guro ay labis ang pagka galit sa nakita. Humanda ang lahat sa pakikipaglaban.

Nakita ni Haru ang amang hari na nakaluhod ito at may kadena sa leeg. Puno ito ng sugat sa buong katawan at may umaagos na sariwang dugo mula sa ulo nito. Lalapitan na sana niya ito nang  lumabas ang mga lobong itim at mapupula ang mga mata at mas di hamak na mas malaki sa kanila.

" Kanina ka pa hinihintay ng amang hari."Mula kung saan lumitaw si Hermes at ang inang Reyna nito nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Kayo ang may pakana ng paglusob sa palasyo?" nagngangalit ang mga ngipin ni Haru sa galit.

Pinalibutan sila ng mga itim na lobo.

" Magpaalam ka na sa ating amang hari diko na kasi matiis ang paghihirap niya kaya kailangan ko na itong tapusin." Nakakalokong sabi ng kapatid.
Naglabas ito ng espada.

Labis ang panghihilakbot na nararamdaman sa iniisip gawin ng kapatid.

"Tayo ang magtuos kapatid pakawalan mo ang mahal na hari, ama natin siya." Labis labis ang pagpipigil ni Haru hwag sugurin ang kapatid.

"Sayo lang siya naging ama! Simula ng dumating ka wala ng bukambibig ang hari kundi ikaw! Maging ang mga tao ikaw lagi ang pinupuri! Inagaw mo kung anong para sa akin maging ang tronong para lang sakin! "

Lover's Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon