Chapter 3

1 1 5
                                    


Ito pala si Haru! sabi ng isip ni Margaret. Nang sulyapan niya ang lalaki nakatingin pa rin ito sa kanya, hindi tuloy maiwasang mailang ng dalaga rito.

"Tama lang ang pagdating ko sapat para marinig ko ang sinabi ng binibini." Sagot nito ng hindi inaalis ang pag kakakatitig sa kanya.

"Haru siya pala si Margaret, ito naman si Haru ang nagdala sa iyo dito kagabi." Pagpapakilala ni aling Isyang.

Bahagyng lumapit si Margaret sa lalaki saka inilahad ang kamay.

"Nice meeting you Haru." Ngunit tiningnan lang ni Haru ang kamay niyang nakalahad saka bumalik ang tingin sa mukha niya.

Walang pasintabi na tumalikod na lang basta ang lalaki at  saka pumasok sa loob ng bahay.

Naikuyom naman ni Margaret ang kamao dahil napahiya sa sarili.. bastos!! tungayaw ng isip niya.. kala mo kung sinong gwapo at may abs!

Maya-maya lang niyakad siya ni aling Isyang na pumasok muna sa loob ng bahay at meron daw silang mahalagang pag-uusapan. Nagngingitngit pa rin ang kalooban na sumunod na lamang. Hindi man lang napansin ng dalawang matanda ang tensyon na nangyari.

Prente naman nakaupo ang herodes na lalaki!
Magkatabi naman umupo ang mag-asawa.
Inalok siya ni aling Isyang na maupo ngunit hindi siya sumunod. Mas gusto niyang tumayo..!

" Tutubuan ka ng ugat kung hindi ka uupo,may katagalan din ang ating pag uusapan." Maawtoridad na sabi ng lalaki na nag pataas naman ng kilay ng dalaga.

Walang gumagamit ng ganoong tono sa kanya,lagi nang ang mga lalaki sa paligid niya ay mga nagsusumamo sa pakikipag usap sa kanya lagi.

Sasagot sana siya ng masulyapan niya ang mag-asawang nakatingin din sa kanya  at wari'y nagtataka sa inaasal niya. Bumuntong hininga muna siya bago umupo sa isang bilog na kahoy kaharap ng antipatikong lalaki! Hindi na lang niya ito tiningnan. Inip na inip na yung pakiramdam niya kung ano bang mahalagang pag-uusapan nila.

"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon binibini?" panimulang tanong ni Haru na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Sinalubong naman ng dalaga ang titig nito.

"Nasa bayan ako ng Arectia.Gusto ko na nga sanang makauwi samin. Ihatid niyo na lamang ako sa sakayan at ako na ang bahala sa pag uwi ko.Nag-aalala na sigurado ang parents ko sa akin." Hindi mapigilang mabasag ang boses niya ng maalala ang pamilya lalo na ang ama baka mapano ito sa pag-aalala sa kanya.

"Hindi kasi namin alam kung paano ka babalik sa iyong mundo."  Si aling Isyang ang sumagot. Nabaling ang tingin ni Margaret dito umaasang nagkamali lang siya ng dinig.

Nagpatuloy si aling Isyang, "nakakatiyak na kami na galing ka sa ibang mundo ikaw ang sinasabi sa hula ng mga babaylan daan taon na ang nakakalipas____".

"Wait a minute." Putol niya sa pagsasalita ni aling Isyang. Tinaas pa ang kanang kamay, "kong ito po ay isang prank ng kung sino man please lang wala po akong time sa mga ganitong bagay."  Nasabi niya dahil uso ang mga prank ngayon. Pero sino naman ang gagawa nito sa kanya.

Nagkatinginan naman ang tatlo,mga seryoso ang mga mukha ng bumaling ulit sa kanya.
" Kung ang gusto mong ipahiwatig ay isang biro lamang ito nagkakamali ka binibini." Sabi ni Haru sabay halukipkip.

Parang sasabog ang ulo niya gusto niyang isiping panaginip lang ito at magigising din siya. Pag gising niya ang  mga mukha ng magulang ang mabubungran niya.

Ngunit nagpatuloy si aling Isyang. Gusto sana niyang patigilin muli ito sa pagsasalita pero may awtoridad na naman siyang sinabihan ni Haru na makinig muna sa paliwanag ng matandang babae. Natikom naman ang bibig niya,nag ngingitngit man ang kalooban pinili na lang muna niyang manahimik at makinig.

Lover's Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon