"Distance may make the heart grow fonder,
but I'm just trying to keep you longer.
Cause if I just let you go
without ever letting you know
it would be hard to keep moving
with all the loose ends we've left unsown.
Should I try to let you know
how it kills me that you let me go?
Baby, it's hard to keep waiting
with all the feelings we've left unknown."
-Moira and Nieman🍒
Yana
Hindi ko na napigilang maiyak. Tuloy tuloy na ang daloy ng mga luha ko sa pisngi ko. Lumabas na sila lahat. Matagal na ata gustong lumabas to eh. Kung bakit kasi ngayon na hindi ko na si Chad makakasama ngayon ko lang napagtanto na
mahal niya talaga ako. Ang tagal ko namang naging manhid kung ganun! Hay Julliana! Ngayon nag fa flashback yung mga side comments niya tuwing nag uusap kami...hindi pala joke yun at may ibig sabihin pala lahat yun?
"I will make your house not that motherfucker"
"Akin ka I own you"
"Bakit pananagutan ko naman yan eh ayaw mo nun magiging misis kita"
"Kaya mahal ng lahat yan eh"
"Ang swerte ng mapapangasawa mo"
"Yana noon pa man talo na ako eh"
"Mahal kita Yana. Mahal na mahal."
Bakit hindi niya ma sabi sabi? Pero naiintindihan ko rin naman. Baka nahirapan din siya? Baka nagi guilty din siya because he was the one who dragged me into this mess? But for me it wasn't all a mess. It was a beautiful mess. He is a beautiful mess.
Napapikit ako at nararamdaman ko yung mga mainit na haplos ng kamay niya niya sa pisngi ko...ang mga gentle at rough kisses niya sa labi, leeg, at buong katawan ko...ang mga halinghing niya...yung mukha niya tuwing may problema or may sakit ito......nooo this can't be happening! Why am I missing him?
Parang gusto ko ng lumundag palabas ng eroplano pero wala na naman ako magagawa eh. Nag take off na. Mas lalo akong naiyak. Mas sakit kasi hindi ako maka iyak ng malakas. Pero sasabog na ata ang puso ko. Maya maya ay napansin na rin ako ni tita Lucy.
"Huy! Julliana? Umiiyak ka ba?!"
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Awww ok lang yan Yana masasanay ka rin. Mahirap talaga sa umpisa. Alam kong ma mimiss mo si Jimuel pero gawin mo na lang ito para sa kanya." Dagdag nito.
"Oo nga po eh. Pasensya na po ah?"
"Nako ok lang iiyak mo lang yan. Meron pa tayong apat na oras. Pero sayang ang beauty mo neng. Singkit ka na eh baka sa kakaiyak ko nyan mawala na ng tuluyan ang mga mata mo."
"Haha meron pa naman po diba?"
"Oo konti pero kapag umiyak ka pa ng umiyak diyan wala ka na talagang mata!"
Ngumiti na lang ako habang nag ku kwento kay tita Lucy. Pero sa totoo niyan hindi naman si Jimuel yung iniisip ko ngayon. Masipag at madiskarte kasi yung kapatid ko na yun at alam niya kung anong gagawin niya kapag may sakit ito o nangangailangan ng tulong. Tsaka nasa puder na siya nina Stacy kaya panatag na ang loob ko. Eh si Chad? Parang bata kasi yun. Kapag may sakit ayaw niyang sabihin. Kapag may problema kinikimkim niya. Ayaw niyang makipag socialize much. Mas gustuhin niya na lang manood ng movies at uminom ng beer sa condo niya. Tangina bakit alam at memorize ko ang lahat ng to?! Sino na lang mag aalaga sa kanya ngayon kung magkasakit siya? Lalo na ngayon na may sakit si tita Christy at busy rin sa pag aaral si Cheska. Hindi mapakali ang isipan ko.

YOU ARE READING
Warm Nights
RomanceTrigger Warning! SPG (R-18) Julliana (Rita Daniela) just stepped into college when she and her brother Jimuel (Miggs Cuaderno) lost their parents in a fire accident. Having no known relatives around Manila, Yana immediately accepted the responsibili...