4. WHAT ARE WE?

1.1K 40 18
                                        

"So what are we?
Is this fantasy?
I can't understand I need subtitles
Tell me what are we?
Is this some type of stupid story?
That is untitled
Tell me if we're lovers or not"
-MRLD

🍒

        

         

Yana

Muntik na si Chad mabilaukan sa sinabi ng kapatid niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nung narinig ko yun. Nakakatawa talaga tong si Cheska.

"Uyyy kalma" sabi ko sa umuubong Chad habang hinahagod ang likod niya

"Ok ka lang kuya?"

"Oo ok lang. Hay nako Cheska. Bawal tong si ate Yana mo sakin noh. Hindi pwede eh."

"Ay sayang naman kung ganun."

Umorder muna kami ng pagkain bago magpatuloy sa pag uusap.

"Kuya? Bakit kinuha nina tita Shelly si mommy? Sa isang private room daw muna siya. Kuya wala na akong kasama sa bahay except sa mga katulong. Nakakalungkot na dun kuya bumalik ka na doon please?"

"Kelan siya kinuha ni tita Shelly?"

"Kagabi po. Kuya anong nangyayari kay mommy? Ok lang ba siya?"

Hindi makapag salita si Chad. Tiningnan niya naman ako. Oo nga pala nandito nga pala ako para doon. A support system. Tinext ko na rin si Jimuel na dadaan si ate Stacy niya para padalhan siya ng ulam. Hay bakit ganun kapag si Chad ang kasama ko nagagawan ko ng paraan para sundin yung gusto niya?

"Uhm Cheska? Ok lang ba na ako yung mag share? Baka kasi mahirapan si kuya mo eh"

"Ok lang po bakit po alam niyo po ba nangyari kay mommy?"

"Oo naikwento ng kuya mo eh."

He is so uneasy. He just kept drinking wine.

"Ngayon na ba talaga? Baka hindi makakain tong kapatid mo mamaya" I whispered to him

  
"Uhm Cheska? Ok lang ba after na lang natin kumain? Uhm how's your studies?"
He asked and diverted the conversation

"Ok naman po nasa honors list pa rin naman po ako kuya"

"That's good"

Pagkatapos namin kumain naisipan ni Chad na ihatid na lang namin si Cheska sa bahay nila at doon sabihin. Ang hirap. Parehong masakit yung napagdaanan namin ni Chad. Sakin, instantly nawala yung mga magulang ko. Yung kay Chad, nauna na yung daddy niya tas slowly, nag dedeteriorate na ang health ng mommy niya. Pero mabuti pa nga yung sa mommy niya kasi mas may chance gumaling.

 

Noong hinatid na namin si Cheska sa bahay nila, umupo muna kami sa sala para komportable namin masabi kay Cheska. Ang ganda at ang laki ng bahay nila Chad. Sayang bakit hindi na ito dito umuuwi.

 

"Cheska?"
Inumpisahan ko na

 

Warm NightsWhere stories live. Discover now