7. THREE TIMES A LADY

1K 40 16
                                    

"You're once, twice,
three times a lady.
And I love you."
-Lionel Richie

🍒

Yana

Punyetang Chad hindi ko talaga siya mabasa ngayon. Bakit may pag yakap? Tapos na session namin ah? Andami niya ng na va violate sa kontrata. Bakit ba siya ganito? Baka sa sobrang lungkot sa sitwasyon nila ng nanay niya? Ewan.

Nilingon ko ito at kalmado lang ang mga mata nitong nakatingin sa akin na may simpleng ngiti. Tinalukaran ko ito dahil hindi ko maiwasang mapapaisip ng kung anu-ano. Tsaka baka kung ano rin yung masabi ko. His arms, his heat, his body are all familiar to me but this... feels so new.

When he placed his chin on my shoulder nanlaki na ang mga mata ko. Iniisip ko na lang na normal lang ito. Na wala lang to. But then he whispered something. One should get chills or slight joy because a guy wants you to stay right? But he is just a guy and I don't have a real commitment with him. Everything is not real. I don't know why but I didn't feel anything after he said those two words. Instead, punong puno ang isip ko ng mga tanong.

Tinanggal ko ang mga nakapulupot niyang kamay sa aking braso at dibdib at bumangon ako para maka upo.

"Bihis lang ako" I said.

"Yana? Di mo ba ako narinig? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?" kalmado niyang sabi

"Uhm...how many minutes? Thirty minutes ba ulit?" Sagot ko dito

"That's not what I meant Yana"

Tiningnan ko ito habang nagbibihis ako.
I heard him sigh.

"Desidido ka na talaga ano? Anyway who am I to stand in your way? Gusto ko naman gawin mo kung ano ang magpapasaya sa yo."

Kumunot na yung noo ko habang tinititigan siya.
Feeling ko talaga nangongonsensya ito. I just don't wanna say it in because baka ma misinterpret niya ito in a bad way na ayo ko na sa trabahong ito.

"Sige message mo na lang ako pag kailangan mo ako ah" sabi ko dito

Malapit na akong makapag ayos ng bigla na lang may tumawag sa akin.

"Oh mars? .... Ha???!! Ano??!!! Ok ok pupunta na ako wag mo siyang iwan diyan mars ha please? Salamat salamat papunta na ako!"

"Who was that?"

"Si Stacy na bangga daw ng trisikel si Jimuel nasa ospital sila ngayon"

Mabilis naman siyang tumayo at nagbihis

"Wait for me saglit lang I will take you there."

Sabagay mas mabilis nga kami makakapunta doon dahil may sasakyan ito. Nang makabihis na ito he just suddenly took my hand palabas ng condo niya. We rode the elevator going down to the parking lot at nagmadaling pumunta sa sasakyan niya.

"Nako Jimuel sana ok ka lang jusko Lord please tulungan niyo ang kapatid ko" nag aalala kong sabi

Binilisan naman ni Chad yung takbo ng sasakyan niya

Warm NightsWhere stories live. Discover now