10. BEFORE I LET YOU GO

884 36 28
                                    

"But baby... Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah
So before I let you go
I want to say ... I love you"
-Freestyle

🍒

Yana

"Mr. Wong?"
Kumatok ako sa opisina nito sa loob ng restaurant after ng shift namin ni Stacy

"Oh Yana? Pasok. Anong kailangan mo?"

"Uhm Mr. Wong magpapa alam po sana ako. Ito po yung resignation letter ko po. Two months and a half po aalis na po kasi ako."

"Huh? Bakit? Sayang naman Yana maaasahan pa naman kita dito."

"Nag apply po kasi ako bilang DH sa Singapore alam mo naman po para mapabilis yung ipon sa ipapatayo kong bahay namin ng kapatid ko."

"Nako ganun ba. Mabuti at maaga kang nagpaalam para may oras tayong maka hanap ng kapalit mo."

"Oo nga po dapat last week pa po sana kaso nakalimutan ko. Mr. Wong maraming salamat ah? Kasi malaki rin yung naitulong ninyo sa akin. Kinuha niyo ako kahit high school graduate lang ako."

"Wala iyon Yana. Importante naman sa akin ay masipag at tapat sa trabaho kaya nga bilib ako sayo. Rinig ko nga rin kay Stacy sa gabi may trabaho ka rin? Nako wag mong abusuhin yang katawan mo. Bata ka pa."

Anak ng. Ang chismosa talaga ng kaibigan ko nanggigigil ako masyado.

"Kaya ko naman po Mr.Wong eh saka nagpaalam na rin po ako doon sa boss ko na magreresign na din ako." sagot ko naman dito

"Sabagay mabuti nga iyan na may mga bago kang pangarap at gustong gawin sa buhay. Sige Yana. Kapag maka uwi ka na galing Singapore wag mong kalimuatan na dumaan dito ah."

"Sige po wala pong  problema. Maraming salamat po ulit Mr.Wong!"

"Sige at salamat din sa tatlong taon na serbisyo Yana"

— — — —

Pagkatapos ng isang buwan na paghihintay ay nakuha ko na rin ang passport ko. Ay salamat. Totoo na talaga ito. Ang susunod kong babayaran ay ang plane ticket na lang. Ok. na rin kina Stacy si Jimuel eh. Everything is set. Ready na ata ako.

Yung akala kong mag aadjust na kami ni Chad sa pag make most ng tatlong buwan ay kabakiktaran pala ang nangyari. Mas naging close pa kami at halos bawat gabi ay magkasama kami. Halos gabi sinusulit nito na kasama niya ako. One time nga hindi niya napigilan sa elevator pa lang ng eh nag umpisa na itong sumunggab sa akin. Mabuti at malapit lang sa elevator ang unit niya. Hindi naman ako maka palag. Saka isa pa, napalapit na rin ako kay Cheska at tita Christy. Lagi daw niya kasi ako hinahanap kaya maya't maya din ang bisita ko sa kanya sa ospital.

Warm NightsWhere stories live. Discover now