2. OVER YOU

1.3K 41 12
                                    

"They say I'll be okay.
But I'm not going to ever get over you"
-Miranda Lambert

🍒

Yana

"Bwiset! Bwiset ka!"
Inis kong sabi at tinulak ang mukha niya papalayo sakin. Tawang tawa ang mokong

"Alis na ako!"

"Hey its not even thirty minutes!"
He grabbed my arm

"Ah wala na wala na ako sa mood.
I'll go ahead. Please behave yourself, Engineer Rosales" tinapi ko naman ang kamay nito

"I am! I will!"

"Yeah right!" I sarcastically said and smirked


I saw him laugh before I closed the door. That's enough for me, knowing he is ok. The moment the door closes, that's the time I have to stop thinking about him. My mind automatically thinks of Jimuel and so I hurried my way home.

"Ate!"
Bati ni Jimuel habang sumasagot ng assignment niya sa hapag kainan. Pinuntahan niya naman ako para salubungin ng yakap. Kinuha niya na rin yung dala kong ulam na naka plastic.


Eto kami umuupa sa isang maliit na bahay. Sa isang maingay na barangay. May isang banyo, may kusina at maliit na hapagkainan, may dalawang kwarto, at maliit na sala din. Wala nga kaming TV eh. Pero pinag ipunan kong bilhin yung tablet ni Jimuel sa pag aaral niya kasi kailangan talaga niya yun. Saka kung kelangan mag type, pa print at gawa ng projects, sa computer shop na lang muna. Di naman nagrereklamo ang kapatid ko. Pinalaki naman kami ng maayos ng mga magulang namin.

"Oy! Pasensya na late si ate ah tsaka di na ako nakapagluto eh. Kaya ito na lang muna ha?"

"Nako ate ok na yan kahit anong pagkain pa yan basta importante may pagkain tayo. Diba ate sabi mo pa nga noon maswerte na tayo na nakakakain tayo?"

Habang sinasabi yon ng kapatid ko, nag flashback lahat ng pinag daanan namin sa isipan ko.

"Oo tama yan. Jimuel? Mauna ka ng kumain ah? Magpapahinga lang muna ako. Mamaya na ako kakain."

"Sige po ate ok lang pahinga ka na lang muna diyan"

"Sige pakabusog ka diyan ha"

"Opo ate salamat"

Hay, finally, I'm in my room. Kahit maliit lang to importante pa rin yung privacy ko na magpahinga by myself. Iba pa rin ang comfort na nabibigay ng isang mahihigaan matapos ang isa na namang nakakapagod na araw.

Nagpalit muna ako ng damit at humiga. Hanggang kelan yung ganitong buhay? Lagi na lang ba ganito? Hindi pa rin naaalis sa isipan at puso ko yung sakit na makita mong nawalan ka ng mga magulang.

Warm NightsWhere stories live. Discover now