20. NOTHING'S GONNA STOP US NOW (FINAL CHAPTER)

1.3K 41 19
                                        

"And we can build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world's lost all its lovers
We still have each other
Nothing's gonna stop us now."
-Starships

🍒

Yana

Kaya pala gusto ni Chad sumama. May plano pala ito. And I can't believe his plans worked out at hindi ko man lang ito nahalata. I have to thank Stacy na rin talaga kasi she took my place to work. Gustong gusto ko magtrabaho pangarap ko yun eh. Pero minsan pag ganitong opportunity na dumaan sa buhay mo, mapapisip ka na lang talaga...ay oo nga noh bakit siya dumating? Tatanggi ka pa ba?

               

Chad came into my life unknowingly at the right place and at the right time. And ngayon napagtanto ko na may purpose pala laht ng nangyari sa buhay ko. At isa na doon ay ang makilala si Chad. And baka pinagkaloob din itong maliit na biyaya sa sinapupunan ko dahil baka we need to grow as partners and as parents. Hindi man madali at smooth-sailing nung una eh sa tagal ng panahon ay pinakita niya rin at pinaramdam sa akin ang pagmamahal nito at lubos ko na itong nakikita at pinaniniwalaan ngayon. Yes I don't believe in love anymore but Chad changed that.

   

So yes I would give up my job if it means to have the time in building my little own family soon...why not? I am so blessed to have Chad beside me. And parte pala sa buhay ang mga napagdaanan namin. Kung hindi nangyari yun, wala kaming matututunan.

Singapore

Para akong isang promdi na manghang mangha sa laki at ganda ng hotel na ito. Totoo ba to? Parang panaginip pa rin talaga. Hawak kamay kaming naglalakad ni Chad papunta sa room namin at naka sunod naman sa likod namin ang isang nagtatrabaho dito sa hotel para i-assist kami.

   

"Baby grabe ang ganda dito."
Hindi ko mapigilang sabihin habang nakadikit sa kanya at nakahawak lang ako sa braso nito.

"Diba?? We will explore the place and have dinner mamaya mag night swimming tayo sa rooftop sa infinity pool baby."


"Eeeee baby wala pala akong dalang panligo eh"

"No problem baby I'm sure may shop sa baba. Shopping muna tayo mamaya"

"Haaayyy grabe"

"Oh bakit?"

"Bakit parang buhay prinsesa ako?"

"Hindi lang prinsesa. Reyna kita. Kaya sa tatlong araw na to, lulubusin na natin baby. Minsan lang to."  Dinampihan  niya  naman ng halik ang labi ko

Kilig na kilig ako. First time kong naranasan to eh. Sana balang araw maipasyal din namin si Jimuel dito.

Grabe yung kapit ko kay Chad sa elevator kasi sobrang taas hanggang 55 floors pala yung hotel na to. Yung room namin is sa 52nd floor! Natatawa si Chad pati yung lalaking nag assist sa amin kasi parang bata akong naiiyak at kumakapit kay Chad. I just closed my eyes the whole time.

"Relax ka lang safe ito baby. Right sir?"
Tanong nito sa lalaki

"Oh definitely sir" sagot naman nito

Warm NightsWhere stories live. Discover now