MLWMP 27

1.2K 17 1
                                    

Chapter 27

Tanging tunog ng malakas na hangin at kwentuhan ng mga estudyante ang naririnig sa buong paligid. Gusto na sanang mag-salita ni Aya pero wala siyang lakas ng loob para mauna, at una sa lahat si Kevin ang nag-aya sa kanya na mag-usap sila, bakit hanggang ngayon ay nakatitig lamang si Kevin sa mga estudyante na nasa playground.

Bumuntong hininga si Aya. Naiinis na siya, naisip niya na palagi nalang ba siya ang mage-effort, siya nalang ba palagi ang dapat nagmu-mukhang tanga mag-habol kay kevin.

"Look, kung wala ka naman palang sasabihin pwede bang umalis na ako?" Tatayo na si Aya pero hinawakan ni Kevin ang braso neto.

'Bakit ba konting hawak lang ni Kevin saken ay gusto nang bumigay ng katawan ko nakakainis' Nasabi na lamang ni Aya sa kanyang isip.

Bumalik sa pagkaka-upo ni Aya. My kinuha si Kevin sa bulsa neto.

"Hindi ko alam kung saan ako magu-umpisa Aya, Mahal naman kita pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, Siguro ay Mahal nga kita, pero hindi pa sapat na ganun lang, my kulang kasi Aya eh, ako rin mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano yun."

Gusto sanang mag-salita ni Aya pero hindi na lamang siya kumibo, gusto niyang pinapakinggan ang boses ng binata, siguro ay dahil namiss niya eto ng sobra. Kahit alam niya na masasaktan lamang siya sa mga sasabihin neto.

Hinawakan ni Kevin ang kamay ni Aya,

"Mahal mo pa ba ako?" Tanong neto, hindi alam ni Aya kung ano ang kanyang isasagot, Oo mahal parin niya si Kevin at hindi naman mawawala yun. Bumuntong hininga si Kevin, Nakatitig lang siya kay Aya.

"Aya please answer me." Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay nang dalaga.

"H-hindi.." Mahina ang pagkaka-bigkas ni Aya, Gusto niyang sabihing oo pero natatakot na siya na baka mag-mukha nanaman siyang naghahabol.

Binitawan ni Kevin ang kamay ni Aya. Alam ni Kevin na hindi eto nagsasabi ng totoo. Pumatak ang luha sa mata ni Aya, ayaw na niyang makasama pa si Kevin, masyado nang mabigat ang nararamdaman niya, ang gusto lang naman niyang gawin ngayon ay yakapin at halikan ang binata.

Kumuha ng panyo si Kevin at pinunasan ang luha sa mga mata ni Aya.

"K-kevin..sabihin mo nga..saken kung..bakit.. m-mo ko i-iniwan.." Hirap sa pagsasalita si Aya dahil lumakas ang hikbi neto. Niyakap ni Kevin si Aya, mahigpit namang niyakap pabalik ni Aya si Kevin.

"Shh.." Pinaupo ni Kevin si Aya, pinunasan niya ang mga luha neto, ayaw niya na nakikitang ganto si Aya, kaya nga naisipan na niyang hiwalayan neto, para hindi na masaktan pa nang lubos, pero nagkamali siya, hindi niya alam na mas masakit pala ang nararamdaman ni Aya nung hiwalayan niya eto.

"Nung araw na hindi kita nakikita noon, masakit Aya, kasi akala ko na hindi mo na ko pinapahalagaan, siguro ay dahil nasanay ako na lagi kang nandiyan sa tabi ko, yung tipong pagka-gising ko ikaw kaagad yung nakikita ko, nasanay ako na hindi kita nakikita sa paningin ko. Kaya.. nasaktan ako Aya.. at dumating si Nik para punan yung mga araw na wala ka sa tabi ko.."

Kaagad bumalik ang nakaraan sa isip ni Aya..

*Flashback* *Last Year*

"Ohmaygad! Aya!! Na-corrupt yung mga files sa laptop ko! what should we do?! malapit na tayong mag-present! Gosh!!"

"Kalma Steph, Aayusin natin to okay?" Bakit naman kasi kung kelan tapos na namin yung research namin para sa thesis defense tska naman na-corrupt! malas talaga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Kevin na hindi ako makakasama sa kanya mag-dinner, Nagpromise ako sa kanya kahapon tapos ngayon hindi ko naman matutupad, magagalit ang mga ka-grupo ko kung iiwanan ko lang sa kanila to.

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon