Two years later..."Congrats saten!!" Sigaw ni Jam sa tabi ko,
Sa wakas. Naka-graduate na kami.
Napa-ngiti ako, hinding-hindi ko makakalimutan ang college experience ko, sabi nila mas nakakamiss daw ang higschool pero para saken, mamimiss ko ang college life ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Etong lugar na to, etong school na to ang naka-saksi sa lahat ng pinagdaanan ko, dito ko natutunang magpaka-tatag, maging palaban.. at sumuko..
"Uy Aya ah! Hindi ka siguro nakikinig sa mga sinasabi ko! Ikaw talaga" Natawa ako.
"Sorry na bestie! Ano ba yung sinabi mo?" Napa-irap naman siya.
"Sabi ko pa-picture na tayo! Dalii" Hinala niya ko bago pa ko makapag-salita.
"Okay 1,2,3 say cheese!!"
"Congrats!" Napa-tingin ako ng makita ko si Mark, kasama niya si Cath. Dahil nahuli mag-transfer si Cath next year pa siya gra-graduate
"Thank you Cath" Niyakap ko siya.
"Nakaka-inggit kayo.." Nag-pout pa siya.
"Don't worry Hon, Hindi naman malayo ang next year, hindi mo mamamalayan na gra-graduate kana din.." sabi ni Mark sa kanya,
"Oo nga naman Cous, Ako nga gusto ko pang mag-aral e. haha charr lang, masakit sa ulo, pero mamimiss ko talaga mag-aral! Promise!" Sabi ni Jam Napa-Weh di nga naman ako, Ayan tuloy sinabunutan ako ng luka.
Okay na si Jam, Bilib ako sa kanya, dahil mabilis niyang natanggap lahat ng nangyari sa kanya. Mabilis siyang nakapag-move on, at naging masaya para kila Mark.
Dapat pala ginaya ko si Jam noon, di sana naging magulo ang lahat. Edi sana hanggang ngayon, magkaibigan kami ni Kevin.
Speaking of Kevin. Kasabay din namin siyang grumaduate, At kung tatanungin niyo ako kung nasaan siya ngayon? Napapalibutan siya nang mga babae, balik na nanaman siya sa pagiging cassanova.
"Alam ko kung sino yang tinitignan mo.." naka-taas pa ang kilay ni Jam.
"Hindi ba masamang batiin siya ng congratulations?"
"Eh ano pang hinihintay mo? Bakit tinitignan mo lang siya, lapitan mo na!" Sabay tulak saken ni Jam papunta kay Kevin.
Inaamin ko.. Mahirap mag-move on, kapag sobrang minahal mo ang isang tao. Hindi madaling kalimutan ang lahat tungkol sa inyo.
Buti nga at pati siya tinutulungan niya akong mag-move on, Hindi siya lumalapit saken, at palagi ko siyang nakikitang iba't-ibang babae ang kasama.
Natutuwa ako kasi, Ako.. Ako lang ang babaeng minahal niya nang walang kasabay.. Ako lang yung sineryoso niya noon.. Atleast.. nagkaroon ako ng puwang sa puso niya. sapat na yun..
"Congrats Aya.." Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"Thank you Kevs, ikaw din congrats.."
Ngumiti siya.
Hinawakan niya ang kamay ko, nagulat ako ng my ilagay siya dito.
"Graduation gift ko para sayo..kahit paaano naman ay naging parte ka ng college life ko, at salamat doon Aya.."
Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka siya umalis.
"Aya! andiyan na si Tyrone!"
"Eto na.." nilagay ko sa bulsa ko ang regalo ni kevin, mamaya ko na yun titignan.
BINABASA MO ANG
My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)
Storie breviI thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)