Chapter 19
*Aya's POV*
"Oh Aya? Saan ka pupunta?" Opss. Alam nga pala ni Mama na nakapag-enrol na ko kahapon. pero hindi naman talaga eh, na bwisit kasi ako ni Mark psh.
"Ah Eh..School po, nakalimutan kong tignan yung schedule ko hehe.." Cross fingers sana payagan!!
"Ah Sige ingat, kasama mo ba si Jam?"
"Opo!"
"Sige ingat ah"
Wooo.. Sorry mama i lied huhu, hindi ko rin pala kasama si jam, baka mamaya pumunta dito yun, nako lagot
Lumabas na ko sa bahay, maglalakad nalang muna ko papalabas sa subdivision, maaga pa naman eh, tsaka T__T di naman namin napag-usapan ni Kevin kung anong oras kami magkikita! kainis! bakit kasi wala akong number nun, Ay tanga. malamang Aya! Awkward kaya kapag my number ka parin ng Ex mo! pero Haler! kami na kaya ulet patago nga lang. Hayy Kainis na pag-ibig naman to! tanga na nga ako, lalo pa ko ginawang tanga! Argh!
*Beep Beep*
"Ay kevin!!" napahawak ako sa puso ko at bibig ko! Did i say kevin? Shocks talagang na-invade na ni Kevin ang utak ko.
"Hey" napatingin ako sa sasakyan na bumisina o.O
Naka-ngiti siya saken.
"Diba mag-eenrol tayo ngayon? Tara na " hindi ako naka-pagsalita, hindi ko aakalain na nasa harapan ko siya ngayon
"Sakay na" tumango ako at pumasok sa sasakyan niya.
"Hindi ko alam na my sasakyan kana, akala ko naka-motor ka padin." ngumiti siya yung mga ngiting matagal ko ng gustong ulit makita,
"Lahat nagbabago Aya," medyo my kung anong sumakit sa puso ko. "Pati yung pagmamahal mo saken nabago tama" yun sana yung gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko sinabi, ayokong masira ang moment na kung anong meron samin ngayon.
"Ang tahimik mo yata? Hindi ka naman ganyan dati." nginitian ko siya
"Sabe mo nga diba? lahat ng tao nagbabago." ngumiti siya pero hindi siya nakatingin saken,
nakarating kami sa school na tahimik, simula nung sinabi ko yun, hindi na siya nagsalita. Pinarada niya na yung sasakyan, bago siya makalabas hinawakan ko ang braso niya, napatingin naman siya saken.
"Bakit?" kunot noo niyang tanong,
"Kung lalabas ako dito sa kotse mo, at sabay tayong mage-enrol baka kung anong sabihin nila saten." naka-nguso kong tanong sa kanya. Humalakhak naman siya.
"Bawal ba tayong maging magkaibigan? " napabitaw ako sa braso niya at lumabas na ko sa kotse, mabilis akong lumakad papalayo, wala akong paki-alam kung my mga naka-tingin saken, narinig ko pang tinawag ni kevin ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. tumakbo ako pataas sa isang college building. at naghanap ng CR. pumasok ako sa isa sa mga cubicle at napa-upo nalang sa sahig.
"Bawal ba tayong maging magkaibigan? "
"Bawal ba tayong maging magkaibigan? "
Ang sakit pala kapag narinig mo ang salitang yon sa taong mahal na mahal mo, Akala ko okay sa kanya yung set-up namin na lihim na kami na. pero mukhang kinalimutan na niya iyon, mukhang hindi naman pala siya seryoso nung sinabi na iyon, bakit ba napaka-paasa mo kevin. hindi kita maintindihan. hindi ko rin alam kung saan ba ko nagkulang, hinawakan ko ang pisngi ko, basang-basa na to ng mga luha ko, sabi ko hindi na ko iiyak pero wala ako parin yung Aya, na mahina.. Tumayo ako at lumabas sa cubicle, humarap sa salamin at inaayos ang sarili ko , buti nalang walang ibang tao sa loob,
BINABASA MO ANG
My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)
Short StoryI thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)