A'N: Magiging busy ako this weekends, kaya mag-uupdate na ko ngayon :D
NikNik12
--
Chapter 10
*Aya's POV*
Pagkababa ko sa bus, tinanong ako ni Carl kung bakit ako nagpunas ng luha ko, hindi nalang ako umiimik at dumiresto sa restroom kung saan kakain kami ng lunch. humarap ako sa salimin at naghilamos, naiinis ako. Bakit ba niya ginawa iyon? Ano bang problema niya?!
"Are you okay?" napatingin ako sa pintuan, si Nik lang pala, kalma lang Aya, Alam kong naiinis ka sa babaeng yan, wag muna ngayon masyado ng maraming nangyari , ayoko ng dagdagan pa. Ngumiti nalang ako.
"Okay lang naman ako, bakit mo natanong?" sagot ko, ang plastik ko talaga -_-
"I thought kasi my problema ka, i saw you running papunta dito e, so i thought my nangyari" lumapit siya saken, humarap din siya sa salamin tapos ngumiti saken, OO na maganda talaga siya, feeling ko dun palang talo na ko, ay hindi pala, matagal na kong talo kasi nasa kanya na si Kevin. Yeah right.
Ngumiti lang ako, sa salamin lang din ako nakatingin nakikita ko naman siya dun.
"Salamat sa concern" ngumiti naman siya.
"Wala yun, Alam mo naman na , i want you to be my sister " sagot naman niya, nasusuka ako kapag naririnig kong sabihin niya yung Gusto niya kong maging sister, tss ASA naman siya na gusto kong manyari yun. NO and NEVER over my dead sexy body.
"Hmm, hindi naman sa ano ah, Hmm bakit gusto mo kong maging kapatid?" Wala namang masama sa tanong ko diba? na-curious lang kasi ako,ang dami-dami naman niyang nakikilala bakit hindi nalang iyong yung gawin niyang kapatid.
Kinuha niya yung bag niya tapos naglagay siya ng lipstick at foundation, OO na ikaw na maganda psh.
"bakit nga ba?...." sabi niya pagkatapos maglagay nang make-up. tapos tumingin na siya saken.
"Siguro kasi, feeling ko magkakasundo tayo sa maraming bagay," sunod na sabi niya, gusto ko sana siyang irapan, hindi ko lang magawa, psh. Magkakasundo kami sa maraming bagay? Ah! alam ko na, Nagkasundo nga kami sa iisang lalaki e. Yeah right.
"Ganun? How so sure?" tanong ko naman, ngumiti lang siya.
"Nafe-feel ko lang " then tumawa siya, "Bakit hindi ba?" sabay pout niya, Eww arte talaga! akala mo bagay!
"Ewan ko e," sabay kamot ko sa ulo ko, syempre palusot ko lang yung kamot effect para naman makita niya na kahit papano interesado ako sa mga sinabi niya.
"Your so cute talaga Aya, Are you sure na wala kang boyfriend?" tanong niya.
"Meron nga kinuha mo lang." oops hindi ko sinabi yan , kahit gustong gusto ko sabihin -_-
"Hindi naman porket cute ka o maganda ka , dapat my boyfriend ka, tska Single si fun kaya." pagsagot ko, kahit na deep inside, hindi talaga ako masaya sa single life ko, namimiss ko si Ke-- Tssk, move on Aya!
Tumawa siya..
"You have a point.. pero hindi ka ba nalulungkot? " Bakit ba ang kulet niya? psh.
"Hindi, Sige alis na ko ah, Gutom na na ko e. haha" palusot ko , hindi ko na gusto ang pakikipag-usap sa kanya.
"Oo nga pala, Tara" Anya naman niya saken.
BINABASA MO ANG
My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)
Historia CortaI thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)