Chapter 20
*Jake's POV*
Hindi kumibo si Kevin sa sinabi ni Luke, tinignan ko si Nik at hindi naman bakas sa itsura niya na nagulat siya.
Manhid nalang o bulag ang hindi makakapansin kung ano ba ang pagtingin si Kevin kay Aya, simula pa yun noong new year ng pumunta kami sa beach, binaliwala
lang yun ni Nik dahil masyado siyang despirada kay Kevin. Ano ba ang nakita nila sa kumag na to? kung titignan wala namang pinagka-iba si Kevin samin.
"Luke ano ba yan sinasabi mo" Inis na sabi ni Aya, tinignan lang siya ni Luke at umirap. Haha bakla na yata si Luke ngayon dejoke ganyan yan kapag naiinis.
Tumayo si Nik at hinila ang kamay ni Kevin palabas ng Library. Kita mo to, dito na dapat malalaman kung totoo bang gusto parin ni Kevin si Aya eh, siya naman tong
nag-iiwas, akala ko ba napag-usapan na namin na paglalaruan lang namin sila Kevin at Aya. Ang labo talagang kausap ni Nik. Nainlove na sa kumag na yun. Psh
"Kita mo yung ginawa mo luke! baka mag-away sila!" isa pa tong si Aya, apaka ingay kunwari nagagalit siya pero deep inside gusto niya rin malaman kung my feelings pa ba
si Kevin sa kanya dahil siya, kitang-kita hindi parin nakakapag-move on.
Kaya ayokong ma-inlove eh. Masasaktan ka lang..
"Totoo naman yung sinabi ko ah, naka-titig talaga siya sayo, alangan naman na hindi ko pansinsin yun-"
"Oo dapat talaga hindi mo nalang pinansin, ayan nagkagulo na!" napahimalos nalang nang mukha si Luke. Hindi ako mangingialam sa kanilang dalawa ubos oras lang.
"Ewan ko sayo Aya, sabihin mo nga saken, my gusto ka ba kay Kevin? Kaya galit ka saken dahil hindi mo nalaman ang sagot niya?" Natawa ako, tumingin tuloy silang dalawa saken
"Anong problema mo?" inis na sabi ni Luke,
Pinatong ko ang dalawa kong paa sa lamesa at tumawa ulet.
"Malamang Luke, mahal niya si Kevin. EX niya kaya yun, hindi pa nakakapag-move on yan.." nalaglag ang panga ni Luke, si Aya naman nanlaki ang mata, akala ba niya hindi ko
alam na naging sila, sikat si Kevin sa campus at hindi naman gaanong malaki ang school na to, para hindi kumalat ng ganun ang chismis.
"What?!" hindi makapaniwalang sagot ni Luke.
"Hay! Kung ako sayo Aya, kung mahal mo si Kevin, ipaglaban mo" halakhak ko, gusto ko magkaroon naman ng gana ang pagpasok ko sa school araw-araw yung bang
my mababalitaan ako na, my nagsasabunutan, nagpaparinigan, my umiiyak, para naman exciting.
"H-hindi ko na siya gusto.." Kita mo to, gagawin pa kong tanga. psh
"Hay buti nalang talaga iniwan ka ni Kevin, wala naman pala siyang napapala sa isang katulad mo." walang ganang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)
Short StoryI thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)