A’N: This is the Second part! :)
---“Aya…” napatingin ako sa Manager namin..
“Yes Ma’am?”
“Are you busy? Marami bang pinapagawa sayong files?” Tinignan ko ang computer ko, hindi naman ganun karami at malapit ko narin itong matapos
“Uhm no Ma’am, konti lang and malapit ko na rin pong matapos, is there something that you want me to do?” Ngumiti siya at may inabot saken na mga files,
“I’m so busy kasi and yung secretary ko din ay full sched dahil maraming investor ang dumating, that’s why the big boss borrow her… so I want to you to deliver this to Constanine Group of Company… mahalaga ang mga papeles na nandiyan and I trust you that’s why ikaw ang napili ko.. can you do this for me?”
Tumango ako at tinanggap ang mga files na dadalhin ko, binigay din saken ni Ma’am ang address patungo sa kompanyang iyon, maging ang pera sa pamasahe ay ibigay niya din, ayoko sanang tanggapin kaya lang mapilit talaga si ma’am kaya kinuha ko nalang.. sinabi ko sa taxi driver ang address aniya ay malayo daw ito kaya baka mahal ang singil niya, tumango nalang ako, hindi naman ako ganung kahirap para hindi iyong mabayaran.. I work hard to earn money.. kaysa naman mag bus o kaya mag MRT ako, ayoko ng pababa-baba sa sasakyan..
Mahigit isang oras yata ang biyahe, sumakit ang puwet ko kakaupo, pagkabayad ko kay Manong ay inaayos ko ang buhok ko, malakas kasi ang hangin sa labas, sinulaypan ko ang matayog na building na nasa harap ko, siguro ay mayroon itong 20th floor..ang building naming ay hanggang 10th floor lang kasama na ang rooftop.
Binati ako nga guard at ngitian ko ito, dumiretso ako sa receiving area,
“Uhm. I’m the one who will give this file to Mr. Constantine, I’m from Clarkson’s Company… Aya Mia Lee..”
May kinontak ang babae, sinabi niya kung ano ang pakay ko at tumango-tango pa ito. Bumaling saken pagtapos niyang tumawag sa telepono
“Sa 15th floor po tayo ma’am, paiwan nalang po ng isang I.D dito..” Sinunod ko naman ang gusto niya, nagiwan ako ng I.D at pinasuot niya saken ang I.D na may nakalagay na visitor’s pass.
Dumiretso kaagad ako sa elevator ay pinindot ang 15th floor, bago itong tuluyang sumara ay pumasok ang isang familiar na babae saken..
Wala siyang pinindot na ibang floor, siguro ay sa 15th floor din siya, at inaayos niya ang kanyang maiksing dress at buhok sa repleksyon niya sa harap namin, nagulat ako dahil tinitigan niya ako, nagiwas tuloy ako ng tingin..
“Have we met before?” Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.. Yup I met her before sa restaurant.
“Uhm yeah.. if I’m not mistaken sa *toot* restaurant, dun sa comfort room..” Tipid kong sagot, siya yung babaeng hindi sinipot nung ka-date niya sa restaurant,
“Oh.. yeah sa restaurant..” tumango-tango pa ito at kumunot ang noo, bakit? May ibang lugar pa ba siyang naiisip.
“So what are you doing here? I conclude na hindi ka dito nagtratrabaho?” tanong nito, tumango ako
BINABASA MO ANG
My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)
Short StoryI thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)