Chapter nine
"Okay ka na ba Leigh?" Tanong ni Mikaela habang nagpupunas kami ng mga lamesa para magprepare sa opening. Nagkaroon kami ng dalawang araw na day off at ngayon ay nasa pang umaga na kaming shift.
Sa umaga ay parang normal na restaurant lang ang 'Gourmet Place' at walang live band unlike sa gabi.
Tumango ako "Oo, nakapag pahinga na ako." Sagot ko sa kanya.
Inayos ko ang mga upuan.
"Mabuti naman. Nagalala talaga kami ni Anna sayo. Sa susunod kapag hindi mo kayang pumasok, wag mo ng pilitin, okay?" Sermon ni Mikaela.
I smiled. I'm happy that I found friends like them. Though, I am a bit guilty dahil hindi nila alam ang tunay kong pagkatao.
"Opo," natatawang tugon ko.
"Pero gurl, may something sa inyo ni sir Damon no?" Nagulat ako nang lumapit si Anna. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa akin.
I suddenly remembered what Damon told me the other night. He's doing all of those things because I am Stephanie's friend.
Umiling ako. "Walang something sa amin."
Tumalikod ako at kumuha ng tissue para irefill sa mga table. Sampung minuto na lang at mag aalas otso na.
"Wala talaga? Bakit may pagsundong naganap?" Sumunod siya sa akin at siniko siko ako na tila nanunudyo.
"Kaibigan ko kasi yung pinsan niya, so parang naging friend ko na din siya. Walang malisya. Ibinilin lang ako nung friend ko" I said at pilit umiwas ng tingin.
"Talaga ba? Pero ang swerte mo girl. Wala kasi talagang pakialam yan si sir Damon kahit kanino. To think na sinusundo ka niya means, your somewhat important," komento ni Mikaela at naghalumbaba.
"Wow, English yun Mikaela ha," pang aasar ni Anna.
Binato naman siya ni Mikaela ng basahan at nagtawanan kaming tatlo.
"Pero ang gwapo niya talaga no?" wika ni Anna.
"Kaya lang nakakatakot tumingin." singit ni Mikaela.
"Yun nga yung nakakadagdag ng appeal eh, pag medyo bad boy." kumindat pa si Anna at itinuloy ang pagpupunas ng lamesa. Pagkatapos ay pumunta kami sa staffroom para mag pahinga saglit.
"Are you done already?" Napalingon kami sa nagsalita and saw sir Kier looking at us seriously. Naalala ko tuloy yung ginawa ni Damon nung isang gabi.
"Yes sir! Pupunta na po kami sa kusina." Agad na umalis sina Anna at Mikaela at iniwan kami ni sir Kier.
"Uhm, sir Kier. I'm sorry sa attitude ni Damon last night."ngumiti ako sa kanya.
"I'm used to it. Sir Damon is the boss' friend. And he's really like that." He said as if wala sa kanya na binalewala siya ni Damon. But still I felt bad dahil siya ang unang nag offer na ihatid ako pauwi pero kay Damon ako sumama.
Naalala ko bigla ang jacket na pinahiram niya. Kinuha ko iyon sa bag ko at inabot kay sir Kier. "Thank you sir sa Jacket. Nilabhan ko na po yan," Tiningnan niya ito at kinuha sa kamay ko saka tumalikod.
Pero bago pa man siya makalayo ay bigla siyang nagtanong "Are you dating sir Damon?" hindi siya lumingon.
Nabigla naman ako sa tanong na iyon at yumuko.
"Hindi po sir." I answered and he continued to walk. I sighed.
I haven't seen Damon these last two days. Maybe he's avoiding me? Well, maybe it's for the better.
BINABASA MO ANG
He's a Dangerous Man
RomanceBillionaire Series - Book No. 2 (Damon Forteza) He is one of the leader of El Griego Organization and a Billionaire bachelor, while she is a runaway heiress. He does not believe in love, while she's dreaming of a happy ever after. Is cupid lucky eno...