Chapter Six - He's not that bad

2.4K 66 16
                                    


"Are you really a resident here?" narinig kong tanong ni Matt habang nagiihaw kami ng mga nahuli naming isda kanina sa dagat.

Bahagya akong napatigil sa ginagawa pero agad din naman akong nakabawi. Katabi ko si Matt at nag insist siya na tulungan akong mag ihaw. Habang ang iba ay nasa kubo at masayang nagkukwentuhan.

Nandito kami sa tabing dagat at naisipan naming mag ihaw ngayong gabi.

Umiling ako, "sa Maynila talaga ako nakatira. Pumunta lang ako dito dahil may nangyari sa bahay." Which is true. Hindi na lamang ako nagbigay ng detalye kung anong dahilan.

Nakita ko namang tumango tango si Matt.

"Minsan kailangan mo ding huminga kapag nasasakal ka na." Ngumiti ito sa akin kung kaya't napangiti din ako. Matt is handsome too, actually all of them. But Damon has a different kind of handsomeness. He's handsome yet so dangerous.

"Damon! What the hell? Natapon tuloy yung juice sa damit ko!" Napalingon kami ni Matt sa may kubo dahil biglang sumigaw si Stanley.

Then I saw Damon looking at us, no more like glaring at us, at padabog na naglakad papuntang dalampasigan habang hawak ang bote ng alak.

"Anong problema ng kaibigan nyo?" Takang tanong ko at ipinagpatuloy ang pag iihaw pero panaka naka akong tumitingin kung saan nagpunta si Damon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Matt sa tabi ko.

"He's going to be tied soon." Dahil sa tunog ng alon ay hindi ko narinig ang sinabi ni Matt.

"Ano ulit?" pag-uulit ko dito.

"Nah, nevermind. It's not important." Sagot nito at nagkibit balikat na lamang ako dahil mukhang hindi naman iyon importante.

----

"Let's eat" tawag ni Matt sa mga kasama namin. Agad kaming nagkumpulan sa kubo at nagkanya kanyang kuha ng plato.

"Where's Damon?" tanong ni Titus ng mapansing hindi pa bumabalik si Damon magmula nang umalis ito kanina.

"Ewan ko dun. Menopause yata. Bigla bigla na lang nagdadabog." sagot ni Stanley at nagsimula ng kumain.

"Laurence, please look for him. Baka kung saan na nagpunta si Damon." alalang wika ni Stephanie. Inalalayan siya ni Laurence na makaupo.

"Ako na lang!" Pabigla kong sabi at napatingin silang lahat sa akin. Tila nahiya naman ako sa aking inasta. Kaya sa mahinang boses ay inulit ko ang sinabi ko. "Ako na lang maghahanap kay Damon."

"But it's already dark, Leigh. Delikado na." Stephanie said.

"It's okay. Hindi naman siguro lumayo si Damon. Kapag hindi ko siya nakita, babalik din ako agad." wika ko.

"Sige, pero wag ka masyadong lalayo" ani Stephanie. Tumango ako at agad na tinahak ang daan kung saan nagpunta si Damon.

Naglakad lakad ako sa tabing dagat habang naramdaman ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Napayakap ako sa sarili. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Mabuti na lamang ay may mga poste ng ilaw at maliwanag ang buwan kung kaya't hindi nakakatakot maglakad.

Hindi pa ako nakakalayo ay natatanaw ko na si Damon na nakaupo sa isang malaking bato. Agad akong naglakad palapit sa kanya.

Nakita ko pa ang pag inom nito ng alak. May dala ng pala itong bote ng beer kanina.

"Hinahanap ka na nila," bungad ko dito. Lumingon ito sa akin saglit ngunit ibinalik din ang tingin sa dagat at uminom ulit ng alak. I sighed. I forgot that this one hates talking too much.

He's a Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon