Chapter 1 The Tragedy

745 29 0
                                        

Kasalukuyang nagdadrive si Alyssa sa kanyang kotse para puntahan at sunduin si Rachel sa training niya with Philippine Army team.  Bago siya tumungo dito ay huminto muna siya sa isang malapit na flower shop para bumili ng bulaklak para sa kanyang girlfriend.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya gym kung saan nagtetraining ang buong team ni Rachel. Sakto naman na tapos na din ang training nila at lahat sila ay nakagayak na para umuwi.

Alyssa approach Rachel to give the flower na hawak niya. "Happy 1st Anniversary! babe" sabay kiss sa cheek ni Rachel. "Ako na magdadala ng gamit mo" alok ni Alyssa.

"Thank you babe! Happy anniv. din!" Walang ganang sagot ni Rachel.

"May problema ba?"

"No, wala naman. Pagod lang"

Bigla naman nagvibrate yung phone ni Alyssa kaya pinick up niya ito.

"Excuse me lang babe ha! Si Kim kasi tumatawag. Mabilis lang 'to." Lumayo naman si Aly para hindi marinig ni Rachel yung conversation nila ni Kim.

"Hello Kim? Ano okay na ba?....... Sure ka hindi papalpak yan ha? Kundi lagot ka sakin....... Oo....... Sige........ Papunta na kame...... Bye!"

"Ah.... Babe tara na?"

Nagnod naman si Rachel. Nagpaalam naman si Alyssa sa buong teammates ni Rachel.

Sumakay na sila Rachel at Aly sa kotse. Habang iniistart ni Aly yung kotse tinanong naman siya ni Rachel."ano sabi ni Kim? Bakit ka niya tinawagan?"

"Ha..... Eh..... Ano kasi..... Ahmm... Nagpapatulong si Kim... Oo tama....nagpapatulong siya homework namin....." Pagdadahilan ni Alyssa.

"So dapat pala umuwi na tayo ng maaga?"

"Ah hindi okay lang yun. Tyaka di naman magagalit yun kung magpapalate ako ngayon eh"

"Okay" tapos tumingin si Rachel sa bintana ng kotse.

"Ahmmm. Di ba first anniversary naman natin ngayon so baka pwede na kitang makasama. Tyaka I have a surprise for you" masayang sabi ni Aly.

"San tayo pupunta?" Clueless na tanong ni Rachel.

"Basta babe" at sinimulan na nga ni alyssa na magdrive.

Buong biyahe ay tahimik lang ang dalawa. Si Rachel ay nakatingin lang sa bintana habang si Alyssa naman ay maya't maya tinitigan si Rachel habang nagdadrive.

Two hours din ang nakalipas at nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Nagmadaling pinatay ni Alyssa ang kotse at bumaba para pagbuksan ng pinto si Rachel.

Pagbaba ni Rachel tinakpan naman ni Alyssa ang mga mata nito at inalalay sa paglalakad.

"Babe?"

"Ssshhh. ka lang babe, malapit na tayo"

Nang makarating na nga sila nakita naman ni Alyssa si Kim na naghahanda para sa dinner date nila Alyssa at Rachel. Nagthumbs up naman ito pagkatapos kay Alyssa. At nagnod naman si Alyssa bilang sagot sa kanya.

"Surprise babe! Happy 1st anniversary! I love you" sabi ni Alyssa ng matagal na niya ang kamay sa pagtakip sa mga mata ni Rachel.

"Babe ano 'to?" Gulat na tanong ni Rachel ng makita niyang may mga balloons na nakapaligid sa isang garden at may mga nag viviolin pa sa gilid at si Kim na nakaout fit pa na pang waiter.

"Hindi mo ba nagustuhan babe?" Kinakabahan na tanong ni Alyssa.

"Alyssa pwede ba tayong mag-usap?"

"Of course babe. Nag-uusap naman tayo ngayon ah."

"I want to end this" sabi ni Rachel

"What..... Babe? You're kidding right?" Alyssa with teary eyes

"No, I'm serious. I want to break up with you. Pagod na ko Alyssa......."

"May nagawa ba ko babe? Please tell me may pagkukulang ba ko? May mali ba akong nagawa sayo? Babe tell me" Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ni alyssa na kanina pa niya gustong pigilan.

"Wala alyssa..... Ako yung may pagkukulang.... Hindi ko nabibigay yung lahat ng oras ko sayo.... Hindi ko kayang pagsabayin ang pagvovolleyball at ikaw... And I decided na piliin ang pagvovolleyball kesa sayo".

"So mas mahalaga pa pala yang volleyball na yan kesa sakin?"

Tumingin naman sa malayo si Rachel para iwasan ang tanong ni Alyssa.

"Kaya ko naman maghintay Rachel eh... Okay lang sakin kahit minsan lang tayo magkita basta wag mo lang ako iwan..." Hinawakan naman nito yung dalawang braso ni Rachel. "Tumingin ka sa mata ko babe at  sabihin mo sakin na hindi mo na ko mahal"

"HINDI NA KITA MAHAL ALYSSA!"

Hindi na kita mahal alyssa

Hindi na kita mahal alyssa

Hindi na kita mahal alyssa

Hindi na kita mahal alyssa

Parang nabingi ito sa paulit ulit na narinig niyang mga kataga na binitawan ni Rachel. Kaya napabitaw ito ng hawak.

"And my decision is final. I'm sorry Ly" tuluyan na ngang umalis si Rachel.

Si Alyssa naman ay napaupo na lang mula sa kinatatayuan niya at tuluyan ng ibinuhos lahat ng kanyang mga luha. 

"Ly" pag-aalalang tawag ni Kim sa kanya.

Tumingin naman si Ly sa kanya at nakita nito lahat ng sinet-up ni Kim kaya pinuntahan niya ito at sinira. Hinawi niya lahat ng nasa table at tinumba. Wala siyang pakialam kung masugatan man siya o hindi. Lumapit naman si Kim para pigilan ang kaibigan.

"Ang tanga ko Kim. Ang tanga! Tanga! ko. Bakit niya ko iniwan? Lahat naman binigay ko sa kanya" habang sinusuntok yung sahig.

Niyakap naman nito si Alyssa. "Ly, tama na! Kung hindi siya para sayo makakahanap ka pa naman ng iba eh. Yung mas deserving kesa sa kanya"

"Ayoko ng iba.... Siya lang yung gusto ko" sinigawan naman ni Alyssa ang best friend niya at kumawala sa pagkakayakap kay Kim.

"Ly, saan ka pupunta?" Hinabol naman ni Kim si Alyssa ng makalayo ito sa kanya.

Sumakay naman si Alyssa at nagdrive ng mabilis. Ni halos di narin niya makita yung dindaanan niya dahil sa luha sa kanyang mga mata. May bigla naman umover take sa kanyang harapan na dahilan ng pag-iwas niya dahil dito at nagtuloy tuloy siya at nahulog sa isang bangin.

-------------

So kamusta po yung chapter na to? heheheh VOTE PLS! Kung nagustuhan niyo at COMMENT na din thanks.

And it GHOST like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon