Chapter 12

172 6 0
                                        

Kami lang dalawa nag-ayos ng lugar kung saan magdadate sila fille, den at gretchen. Pero syempre hindi sila sabay sabay.

Naglagay kami ng table at upuan sa may tabing dagat. Actually si Gretchen lang ang gumagawa kasi alam niyo naman na hindi ko yun kayang hawakan. Naglagay na din siya ng mga bulaklak sa table.

Maya maya'y may narinig kaming boses na papalapit sa amin. Nagulat kami parehas nung sumigaw ang mga ito.

"Oy! Gretch ano yan?" Sigaw nung marge. Nanlaki naman ang mata habang nakatingin sa akin. Tatlo silang naglalakad papunta sa amin. Si marge, Ella at A. Napabuntong hininga na lang kaming dalawa. Nung lumapit na ang mga ito sa amin tinanguan ko si Gretchen para sabihin sa kanila ang plano.

"I'm setting up a date" sabi niya.

"Woah! Really? Kanino?" Tanong ni A.

"Kay Den at Fille"

"Kay besh? At fille? Ano yun pagsasabayin mo sila?" Tanong ni Ella.

"Hindi. Hiwalay ko silang idedate. Gusto ko lang naman malaman kung kanino talaga ako inlove eh. Tska I'll promise wala akong sasaktan sa kanila."

"You need help?" Tanong ni Marge

"Pwede?" Tanong ni gretch.

"Oo naman basta ililibre mo kami diba?" Nakipag-apir naman si Marge sa dalawa.

"Hahaha. Sige, sige na. Basta wag na wag niyo sabihin 'to sa iba lalo na kila fille at den."

"Paano kung hanapin tayo nila? Ano sasabihin natin?" Tanong ni Ella.

"Si dzi na bahala dun" sabi naman ni gretch.

Nakikita ko ang excitement sa mukha ni gretch. Ever since nung mapunta ko sa dorm nila den ngayon ko lang nakita na ganito siya kasaya. I hope na sana malaman na niya kung sino ba talaga sa dalawa ang gusto niya.

-----

"Teka, ate dzi nasaan yung iba?" Tanong ko.

"Ah. May pinuntahan lang" sabi nito.

"Saan?"

"Ewan?" She shrugged. "Halika tulungan mo na lang kami dito para may magawa ka" nagluluto kasi sila nila fille.

"Osige" lumapit ako then kinuha ko yung chopping board at naghiwa ng mga gulay.

Asan na naman kaya si Ly? Kanina ko pa hindi makita yun. Baka may kalokohan na, na ginagawa yun ah?

"Den?"

"Huh?" Wala sa sarili kong sagot sa nagsalita.

"Baka mahiwa mo yang kamay mo. Ano ba iniisip mo ha?" Alalang tanong ni ate Dzi.

Pagtingin ko sa chopping board wala na pala ko hihiwain at malapit na sa kamay ko yung knife.

"Aww. Sorry!" Sabi ko.

After naming magluto ay umakyat muna ako sandali para maligo. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay agad akong bumaba sa sala dahil may naririnig akong maingay sa labas.

Pagbaba ko nakita ko sila Ella, Marge at A na pagod na pagod na nakaupo sa couch.

"Saan ba kayo galing at ganyan mga itschura niyo?" Narinig kong tanong ni Aerieal.

"Naaya lang kami maglaro ng volleyball ng mga bata" sabi ni marge.

"O-oo. Grabe nakakapagod nga mag set-up eh!" Sabi naman ni Ella.

And it GHOST like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon