Ngayon ang araw ng laban nila Den kaya naman abala sila sa may dug-out. Sabi niya sakin ang makakalaban daw nila ngayon ay NU so all I need to do is to cheer them to win the game.
"Galingan mo!" Pagchecheer ko sa kanya.
"Naman." Tapos ngumiti ito nginitian ko din siya.
Lumabas na nga silang lahat pati yung mga makakalaban nila nasa kabilang court na.
Unang nagwarm up sila Den. Binibigyan siya ng malalakas na palo nung coach ata nila. Yung ibang teammates naman niya ayun abalang abala sa pag spike, set at receive.
Natapos na din yung kabilang team na magwarm up kaya tinawag na ang first six sa magkabilang grupo.
Unang set nakuha ng NU. 2nd set naman Ateneo. 3rd set Ateneo ulit ang nakakuha. 4th set naman ang NU ang nakakuha. 5th set 13-9 ang score at lamang ang NU. Halos lahat kinakabahan na pati na rin ang mga teammates ni Den at si Den mismo.
Humingi naman ng time out yung coach niya kaya naupo naman ito at uminom ng Gatorade. "Ano kaya pa?" Tanong ko sa kanya. "Ewan. Malaki na ang lamang nila eh." Sagot nito at tinalukbong sa ulo niya yung towel niya.
Muli na silang bumalik sa game. Ateneo ang magseserve at handa na din ang kabilang team. Pagkaserve ni Ahomiro yung no. 16 dinig naman nung libero ng NU tapos sinet then inispike nung matangkad. Ibablock na sana ng kateam ni Den kaso hindi ito umabot at mahuhulog na sa floor at muka pa atang in. Nakaisip ako ng mejo bad idea dahil parang hindi nila ito mahahabol pumunta ko malapit sa bola at itinaboy ito palabas.
Nagulat ang lahat ng itinaas ng lineman yung flag na hawak niya senyales na out ito. Nagyakapan naman ang lahat ng team Ateneo except kay Den na parang gulat pa din sa pangyayare. 13-10 na ang score tatlo na lang at matatie na silang magkalaban.
Sinerve ulit ni Ahomiro feeling ko malakas ang pagkakapalo nito kaya pumunta ako sa kabilang team para tignan kung mai-in ba ito o maa-out. Pagkaserve niya mejo napalakas kaya ang ginawa ko pinigilan ko ito at mabilis na ibinaba ang bola para pumasok.
"Service ace by Amy Ahomiro" sabi nung commentator.
Ganun nga lang ang ginawa ko hanggang sa nakalamang na sila. 13-14 na set point na nila Den at isa na lang mananalo na sila.
Muling sinerve ni 16 tapos receive ulit ng libero ng kabilang team. Dig naman ito ni Den at sinet kay Ferrer yung no.12 tapos spike ni cainglet yung 15. Kaso nablock ulit ng kabila set ulit ni Ferrer spike naman ni Gretch. Dig ulit ng kabila tapos set then back row spike. Boom! Buhay pa din yung bola free ball galing sa team ni Den set naman ng NU tapos spike nung matangkad Pancake save naman galing kay Den pero di nakuha ng NU kaya point ng Ateneo.
Natapos na nga ang laban at ang nanalo ay ang Ateneo. Nagsipuntahan ulit sila sa dug-out yung ibang teammates naman ni Den ay nagshower na.
Nakita ko si Den nakaupo at nagtatanggal ng sapatos. "Congrats!" Masayang sabi ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Kaya lumapit ako sa harap niya at tinitigan siya. Siya naman iniwas lang niya ang kanyang tingin sa akin.
"Uy?" Kinakaway ni Aly ang kamay sa muka ni Den pero parang wala itong nakikita at dinedma lang siya.
Nang hindi na matiis ni Den ang kakulitan ay nagsalita ito. "Problema mo?" Galit niyang pagkakasabi. Napahinto naman si Aly sa pangungulit kay Den at tinignan itong mabuti.
"Ay ang sungit nanalo lang di na namansin"
"Yun na nga eh. Nanalo kame dahil sa pandaraya. Aly alam mo ba yun? Alam mo bang bias yung ginawa mo? Dinaya mo sila ng hindi nila alam. Oo napansin ko yung ginawa mo at hindi ko yun nagustuhan." Nanggagalaiting sabi ni Den.
![](https://img.wattpad.com/cover/35322323-288-k184539.jpg)