Chapter 14

260 9 4
                                        

"Ateeeeee!" Ugh! Ang aga aga ang ingay naman!

Nakaramdam naman ako ng pagdagan sa likuran ko. Ouch! Shems!

"Mosh! Stop! Masakit yung katawan ni Ate." Mahinahong sabi ko sa kanya na inaantok pa rin.

"Eh, ateeeee! Bangon ka na kasi dyan! Let's go! Sama ka samin nila dad sa mall. Please!" Hinihila naman niya ko ngayon.

"I can't baby. Aalis si Ate ngayon. Si jus na lang isama mo." Bumaling naman ako ng tingin sa kabilang side.

"Sige na kasiiiii! Di ba nagpromise ka sakin na we'll go to the mall after mo magbakasyon? Oh eto na oh! Kaya sama ka na!" Pagpupumilit nito. Napabugtong hininga na lang si Den dahil sa pangungulit ng kapatid at naupo na din sa higaan.

"Hay nako! Sige na. Maliligo lang ako ha. Naku, kung di ka lang cute....." Pinangigilan naman niya si mosh.

"Aray naman ate!" Daing niya. "Sige na. We'll wait for you outside ha. Take a bath na." Sabi nito tyka umalis sa kwarto ni Den.

Napasabunot na lamang ito dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang katawan niya pero kailangan pa rin niyang gumayak para makasama sa family bonding nila.

Pakiramdam naman niya may mga matang nakatingin sa kanya. Kaya ang ginawa ay nilibot niya ang kanyang tingin. Hindi nga siya nagkamali may isang pares nga ng mga mata ang nakatingin sa kanya.

"Good morning!" Masayang sabi nito.

"Hey! Good morning!" Bati ni Den na gulo gulo ang buhok.

"Kamusta?" Nakangiti niyang tanong tyka tumabi ng upo sa higaan ni Den.

"Eto pagod pa. Ugh! Gusto ko pang matulog eh!" Paghihimutok nito. Para naman siyang bata kung umasta.

"Hahaha! Pero you need to get up. Gusto mo bang magalit sayo kapatid mo?" Tanong niya napapout naman si dennise habang umiiling.

"Cute!" Natatawang sabi nito kay Den. She wants to pinch dennise cheeks pero alam niyang tatagos lang siya kay Dennise kaya hindi na lang niya ito ginawa at nakangiting tumingin na lang sa dalaga. "Sige na. Tumayo ka na dyan para makaalis na kayo agad."

"Pero, sasama ka naman di ba?" Den asked habang nagpapacute kay Aly.

"Ugh! I can't." Lumungkot naman ang mukha ni Alyssa at may halo namang pagtataka ang kay Dennise. "As much as I want to be with you but I need to find my body first. Sorry Den!" Nagnod na lang si Den bilang tugon. Malungkot siya dahil hindi niya matutulungan si Alyssa ngayong araw at isa pa hindi rin niya ito makakasama ngayon. Pero anong magagawa niya? Kailangan niya sumama sa pamilya niya ngayon. "Hey! Bakit ka naman malungkot?" Marahan na tanong nito.

"Hindi kasi kita makakasama ngayon." Sabi ni den habang nakayuko. Nahihiya kasi siyang makita si Alyssa. Pakiramdam niya ay bigla na lang magwawala ang puso niya kapag nakita niya ang mga mata nito.

"Asus. Miss mo naman agad ako?" Napangisi naman ito. "Don't worry! Susunod ako sa inyo." Pagtitiyak ni Alyssa. Agad namang napatingin si Dennise sa kanya. Muli niyang nasilayan ang tamis ng mga ngiti nito. Umaasa sa pagtupad ng pangako niya.

"Promise yan ha!" Nakangiting tanong nito.

"Promise!" Masayang tugon ni Alyssa.

Sa sobrang tuwa ni Den agad na siyang tumayo at tumakbo sa banyo para maligo. Napailing na lang si Alyssa dahil sa nakitang excitement sa mukha ni Dennise.

"Ang cute mo talaga Dennise!" Wala sa sariling sabi ni Alyssa sa kanyang sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And it GHOST like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon