1 year na ding nakaconfine si Audrey. Hindi naman ito magawang iwanan ni myco at ng kanilang ina. Unti-unti namang nalalagas ang mga buhok ni Audrey sa kakachemo teraphy.
"Baby keep fighting ha! We want you to be okay. Please be strong alam kong gagaling ka din sa sakit mo" sabi ni myco.
"But kuya.......I cant . sobrang weak ko na po. And look at me now I'm so thin, pale and my hair......(sabay hawak sa ulo) I'm not that Audrey again" maluha luha niyang sabi.
"Shhhhh. You're still Audrey baby. Ikaw lang yung Audrey namin ni mommy, ni ate den mo. Kahit anong mangyare mahal na mahal ka pa din namin ha remember that." Sabay kiss ni myco sa forehead ni Audrey. "Take a rest na baby." Sumunod naman ang bata.
Kinabukasan pinasyal ng mommy ni myco si Audrey ng mapansin niya ang isang babae na mahimbing na natutulog sa kama.
"Mommy, mommy...can I go there? I just want to see the girl lying on the bed please!" Pagmamakaawa nito.
"Hindi pwede baby hindi kase tayo kilala nung girl baka maistorbo din kasi natin siya sa pagtulog niya." Mahinahon na sabi ng mommy ni Audrey.
"Ih please mommy I want to see her face. Please....please!"
"Pagbigyan mo na yang bata. She wanted to see Alyssa yata eh. Baby what's your name?" Tanong ng isang babae
"Audrey po"
"Kaano-ano mo po ba yung babae?" Tanong ng mommy ni aud.
"She's my daughter Alyssa. Halika kayo sa loob dun na tayo mag-usap" aya nito.
"Ahmmm. Tita what happened to her? She's sleeping lang ba?" Tanong ng bata
"Well baby, sana nga natutulog lang siya. Gusto na namin siyang magising. Na-aksidente kasi siya eh and yun....eto siya ngayon."
"Kelan pa siya dito Mrs?"
"Pablita na lang itawag mo sa akin. Almost 1 year na din siya dito at until now wala pa ring progress na nangyayare sa kanya."
"She's pretty Tita hah. I like her kasing ganda din po niya si ate denden ko." Sabi muli ng bata
"Salamat baby ha. Ikaw are you sick?" Tanong ng mommy ni aly.
"I have leukemia po and I don't know if tatagal pa ko dito" malungkot nitong sabi.
"Don't say that little girl. Kung ako nga malaki pa din ang tiwala ko na gigising si Alyssa eh sana ikaw din I know both of you can survive. Pagsubok lang yan ni God walang tayong hindi malalagpasan."
"Thank you po for believing na gagaling kame. I hope one day na makausap ko si Ate Alyssa personally gusto ko sana marinig yung boses niya and gusto ko din makilala siya ni ate den at kuya myco."
"Of course baby basta magpagaling lang kayong dalawa ni ate Alyssa mo, madami kang makukuhang mabuting asal sa kanya."
"Tita before we leave can I hug and kiss her?"
"Of course baby go ahead." Lumapit naman ang bata at niyakap at hinalikan nito si Alyssa.
"Bye ate Alyssa! I'll be back tomorrow. Please wake up now so that we can talk to each other. I have lots of stories to tell you"
"Tita can I come back tomorrow here? Nasa kabilang room lang naman po kame eh. Please?"
"Sige baby ng may kumausap naman dito kay Aly"
"Bye Tita thank you for your time po. I'm sorry for bothering you and ate Alyssa."
"It was my pleasure baby. Tska di naman kami naabala nag-enjoy naman ako eh"
