Nasa bus kameng mga ALE papuntang San Juan Arena para sa laban namin against La Salle.
Nakaupo ako sa pinaka likod ng bus mag-isa, walang katabing teammate. Bigla ko namang nakita si Aly na papasok ng bus at lumakad ng nakangiti papunta sa akin.
"Hey!" Bati niya.
"Hi!" Masayang sagot ko.
"I heard na finals na pala ng game niyo. So sino ang maswerteng makakalaban niyo?" Tanong niya.
"La Salle. Well, wag sila makampante because The Ateneo Lady Eagle is on the way! At tatalunin namin sila."
"Naks! Lakas ng fighting spirit natin ah." Pang-aasar niya. "Dapat manalo kayo para hindi mo kainin yang sinasabi mo."
"Alam mo nakakainis ka! Imbis na icheer mo ko/kame eh parang dinodown mo pa kame." Nakasimangot kong sabi.
"Asus! Tampo pa. Wag ka ngang gumanyan lalo kang pumapanget." Piningot naman niya ilong ko.
"Ouch!" Malakas kong sabi. Nagsitinginan naman yung iba kong teammates sa akin.
"Oh bakit?" Tanong ni Ella.
"May nangyare ba?" Dzi
"Bakit Den?" Mga tanong nila.
"Ah w-wala. N-nakagat lang ako ng langgam." Pagsisinungaling ko. Bumalik naman sila sa ginagawa nila. Binigyan ko naman si Aly ng masamang tingin kaya napa peace sign na lang ito.
"Hey! How did you do that?" Tanong ko.
"Did what?" Kunot noo niyang tanong.
"Na kaya mo kong hawakan?" Bulong ko sa kanya.
Nagkibit balikat naman ito bago sumagot. "Ewan? Magic?" Patanong niyang sagot.
"Baliw magic ka jan?" Nilihis ko na lang ang tingin ko sa kanya. "Weird" bulong ko.
Habang nasa biyahe nakatingin lang siya sa may bintana ng bus habang nakapalumbaba, nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung bored na ba 'to o ano?
Huminto naman yung sasakyan namin malapit sa pinto ng Arena. Lahat sila nagsibabaan na siyempre dahil ako ang nasa likod ako ang huling bumaba.
"Den saglit lang ha! Para kasing may nakita ako eh." Nagmamadaling sabi ni Aly
"Teka saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Basta. Babalik din ako agad" huling sabi niya bago tumakbo paalis.
"Den, tara na. Sino pa bang iniintay mo jan?" Tanong ni dzi sakin. Binaling ko naman ang tingin sa kanya para sumagot. "Sorry capt." Nagsimula na ulit ako maglakad lumingon ulit ako para hanapin si Aly kaso wala na naman siya.
--
Natapos na nga ang game at sa kasamaang palad talo kame. Pasakay na kaming lahat sa bus, pagsakay ko bumungad agad sa paningin ko si Aly sa likod nakaupo at mukang malungkot.
Dahil nagtatampo ako sa kanya hindi ako umupo sa likod instead tumabi na lang ako kay Gretch dahil sa katabi na lang niya ang hindi pa naooccupy. "Pwede patabi?" Tanong ko tumango naman ito at inabot yung bag ko para itaas.
Pinaupo niya ko malapit sa bintana. "You okay?" She asked.
Nag nod naman ako. "Pagod lang" sabi ko. Hinawakan naman niya yung ulo ko at nilean sa balikat niya.
"Matulog ka na muna" sabi niya. Pinikit ko naman ang mata ko.
Bigla naman ulit nag flashback yung panaginip ko.
Muli akong naglalakad patungo sa puting pintuan. I slowly open the door, hindi ko alam kung bakit dito na naman niya ko dinala. Nakita ko ulit yung taong nakahiga sa kama ng walang malay. Pilit kong inaaninag kung sino iyon. Pero hindi ko talaga siya makita dahil sa liwanag ng ilaw. I walked toward him/her at hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahan itong idinikit sa aking mga pisngi. Muli ko namang nilapit ang mukha ko sa mukha niya at tanging labi lang niya ang malinaw sa akin.
